Chapter 8

4 0 0
                                    

Little Liar

"Magkaibigan pala kayo ni Ezekiel?" si Manang.

Lumingon ako at tumayo na para tumulong magligpit. "Opo," tipid kong sagot.

"Hmm, mabuti at nagkakilala na pala kayo. Saan at paano? Inaalagaan ko rin iyan noong bago ka dumating, palagi ako sa mansyon lalo na kapag may inuutos ang mga Alejandre-"

She immediately stopped talking. Natutop ang bibig na para bang may nasabing hindi dapat sabihin.

Kumunot ang noo ko.

"P-Papasok na po ako." I said.

I scanned my perfumes while sitting on my vanity. Nagsuot ako ng light pink na liptint at naglagay ng baby powder. Binuksan ko ang drawer kung saan nakalagay lahat ng jewelries ko.

Saulado ko ang lahat ng ito dahil palagi ko itong nililinis kaya alam ko na may kulang. Nawawala ang kwintas na binili ko sa ATC noon.

I sighed. Alam ko pero hindi ko na iyon inisip.

Isinuot ko ang relo at naglagay ng necklace na may pendant na puso bago lumabas sa kwarto.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa dami ng nilesson namin nitong umaga. Minamadali na ang mga lessons dahil magtatapos na ang second quarter.

Ezekiel brought again my usual breaktime food. Pancakes and a bottle of orange juice. Alam ko na ngayon na siya ang nagluluto noon dahil ang unang bigay niya sa akin ay sunog ang isa pagkatapos ang isa ay hindi pa gaanong luto.

Hindi ko na napansin na ngumingiti na pala ako habang iniisip iyon.

"Salamat, kumain ka na rin." I smiled.

Little did I know that I'm developing feelings for him now. Kung noon ay wala lang sa akin ang ginagawa niyang kabutihan, now I feel butterflies in my stomach everytime he brings me food for breaktime, watches me from afar, defending me from the bullies, when we are watching the sunset from the shore and everytime we go home together.

Sa tagal kong nag aaral ay napagod na rin ang mga bully ko sa school. Nagsikap akong huwag na lang silang pansinin, mayroon pang natira pero circle of friends na lang ata iyon ni Kiana na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pang aaway sa akin, lalo na't tungkol kay Ezekiel.

I smiled when I saw him outside of our classroom.

"Kanina ka pa?"

Umiling siya at ngumiti. "Kararating ko lang, uwi na tayo?" he said.

Nang makaeating sa bahay ay nagulat akong nakatingin si Mommy sa aming dalawa. I awkwardly stopped walking and faced Ezekiel.

"Uh, sige dito na lang ako. Umuwi ka na." I said.

Kumunot ang noo niya at tumingin kay Mommy.

"Sige, mauna na ako. Mag-text ka."

Kabado akong bumalik sa paglalakad. Nang makarating sa bahay ay humalik muna sa pisngi ni Mommy.

"Hi mama, how's your trip-"

"That boy. A-Anong apelyido niya?" she said pointing her fingers to Ezekiel.

Wala na akong nagawa kundi umamin. "Alejandre po..."

She sighed heavily. Ramdam ko ang tensyon sa kanya ngayon.

"And you're friends with him?"

May diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mommy, halatang nagpipigil siya ngayon.

"Y-Yes po."

"Do you know what their family has brought to us? His father... made me a mistress, your lolo was accused of killing his grandfather..."

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon