Chapter 6

7 0 0
                                    

School

Maaga akong nagising kinabukasan. The horror of seeing the man's face didn't let me sleep peacefully. It keeps on haunting me even in my dreams.

Palagi ko pa ring naaalala na gusto ng mga tao rito na magahasa ako and that's frightening. Ni hindi ako makalabas nang walang kasamang body guard, o kaya ay kung lalabas hanggang doon lang sa dalampasigan.

I didn't even know why those people so angry at us. Kararating pa lang namin dito ay ganoon na ang trato sa amin.

I left my bed early and prepared my breakfast. Ang body guard lang ang kasama ko sa bahay. Mommy left yesterday evening to go to Manila to take over the business at asikasuhin ang kung ano nang gusot na ginawa ni Papa roon.

Wala akong balita sa kasong iyon, I don't want to stress Mama too much for explaining it to me kaya hindi na rin ako nagtatanong. Halos weekends na lang din kung umuwi si Mama rito, minsan nga at hindi na rin.

Manang Cynthia left early, ipinatawag ulit siya kina Ezekiel pero hindi na para mag ayos ng hardin. This time, mayroon na talaga silang bisita ngayon sa bahay. I wonder if Ezekiel can still come to the shore later.

"Oh my gosh! Serena, how are you? Ngayon mo lang kami tinawagan!" my friend screamed at the screen.

I laughed while cooking my breakfast.

"I'm good. Sorry, medyo busy lang at naenjoy ko rin siguro rito. Hindi nga rin ako nagbubukas ng social media accounts. How are you guys?"

"Malapit na ang start ng school year, hindi ba kayo uuwi ng Manila?"

"Oo nga, hindi ka nagpopost sa ig mo. That's your routine here in Manila. Bakit, wala bang maganda places dyan?"

I smiled sadly. "Dito ako mag aaral ngayon Cam, hindi pa ako pwedeng umuwi sa Manila e. I will update on my ig later."

"What? Why, what happened?"

"It's a long story besides, it is my choice to study here."

Camilla sighed. "Really? But, will you visit us here?"

I chuckled. "Oo naman, kung libre ako. Sasama ako kay Mommy pabalik ng Manila."

"Okay, but you have to promise na you'll call us okay? And, don't let anyone bully you!"

Ngumiti ako. "I will, mag ingat kayo. Love you guys."

"We love you too." they said and ended the video call.

Gusto ko sanang mamili ngayon ng mga notebooks at ballpen sa palengke, iyon lang ay wala akong kasama at natatakot na rin ako. Mama offered to just buy my school supplies in Manila and send it here.

Nang humapon ay naghanda na ako para sa pag punta sa dalampasigan. Sinuot ko ang aking self tie dress at white sneakers. I sprayed perfume in my wrist and neck before going out of the house.

Pagdating ko roon ay nakitang nakaupo na si Ezekiel sa bench.

"Hi." bati ko.

Ngumiti siya at tinapik ang upuan.

"What are you doing here? Hindi ba, may bisita kayo sa bahay?" I asked.

Kumunot ang noo niya. "How did you know?"

Oh shit, you stupid girl.

"U-Uh, si Manang Cynthia kasi. Nagtatrabaho rin siya sa amin." pag amin ko.

Nanliit pa ang kanyang mata bago tumango. "Yeah, mga bisita ni mama."

"Bakit ka umalis kung ganon?"

"I'd rather be here."

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon