(13) The Gift

3 0 0
                                    


Prince POV

"Yung totoo mikai? Ito talaga ang regalo mo sakin?"

Hindi ako makapaniwala na ganito ang ibibigay niya sakin. Iba ang inaassume ko! Hindi ito!

" A-huh, Oo, yan nga." Sagot pa niya.

"Sure ka?"

Tumango siya ulit.

"So nagustuhan mo ba?"

"Okay ka lang?! Bibigyan mo ko ng two piece swimsuit? Sira ka na ba! Lalaki ako! Anong tingin mo sakin bakla?"

Nilapitan niya ako at lumuhod sa harap ko.

"Hoy, tumayo ka nga." Umiling siya.

"Sabing tumayo ka eh!"

"Princess for god sake! Hindi ka lalaki! sino ba ang makakapagpa-bago sayo? Kailan ko pa ba ulit makikita ang dating princess carolina roxell na kilala ko? Yung halos mahimatay na sa sobrang kilig kapag makita niya lang ang crush niya? Yung carolina na muntik na akong patayin dahil tinapon ko ang paborito niyang lipgloss? Gusto ko na siyang bumalik ulit."

Napahinto ako sa pagpapatayo sa kaniya ng sigawan niya ako. Sinigawan niya ako? Ngayon niya lang ginawa sakin to  ah?

At bakit ba ang big deal sa kanila ang pagiging tomboy ko?

"Insan, wala na ang dating princess carolina roxell na hinahanap mo. Binaon na siya sa lupa at kinalimutan na dahil sobra siyang nasaktan.Ang nasa harapan mo ngayon ay si Prince Roxell na okay? So just accept the truth."

"Princess, ang tagal na nun."

"Bakit ba napunta sa ganitong topic ang usapan natin? Eh tinanong ko lang naman kung bakit ito ang regalo mo."

Masaya nako kaya hindi ko hahayaang bangungutin na naman ako ng nakaraan. Ayoko nang maulit yung mga pinagdaanan ko noon. Muntikan akong ma depress nung panahon na yun and might cause me to death.

At,Oo Swimsuit ang regalo niya at two piece pa! Sinong matinong lalaki ang magsusuot ng ganiyan?!

"FINE! SURRPPPRISEE!!! So nasurprise ka? Branded kaya yan tapos nageffort pa kong pumunta sa isang sikat na botique makabili lang ng ganyang kagandang style."

"Talaga? Sana bumili ka nalang ng wig sa divisoria kesa bumili ng ganyan kabranded na swimsuit!"

"Insan. Nagsusuot ka naman ng ganyan noon diba nung babae ka pa?"

Natawa ako sa 'noon'. Haha!!

"Hindi ko alam. Pero from my own observation mukhang hindi pa ko nakasuot ng ganiyan noon eh."

"Talaga lang ha? Haha!"

"Hindi nga!"

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa si mackie na sobrang haggard at mukhang natataranta.

Lumilingon lingon pa siya sa gilid niya at parang may tinataguan. Ang epic ng mukha niya.. haha!

"Lord naman bakit mo pa kasi ako binigyan ng kaibigan na may mga kuya na kakambal ni adonis? Lord baket?!"

"Hoy, mickai! Okay ka lang? Ba't ang panget mo ngayon?"

Aish! Puta tong bibig na to oh!

"Anong sabi mo?!" Kakatakot pa naman magalit tong mackie nato.

"H-ha? Hehe.. sabi ko ang panget-hehe este ang sabi ko pala 'Hoy! Mikai! Ba't ang panget mo ngayon?'" 

Ipapatahi na kitang bibig ka! Bwiset!

Ms. T meets Mr. BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon