'It is true that Love Change Everything'
*****
(1)
" Danicca please, hindi ko kaya kapag mawala ka."
Lumuhod pa ako at hinawakan ang kamay niya na parang bata na nagmamakaawa na bilihan ng laruan.
Pinilit niyang kunin yung kamay niya pero hinigpitan ko pa yung paghawak.
"Ano ba?! Pwede bang bitawan mo na ako?! I never loved you! It was just a dare!"
Bigla ko nalang naramdaman ang mainit na likido sa magkabilang pisngi ko. Niloko niya ko?
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Our relationship was just a dare, pinagtripan ka lang ng barkada ko at ako ang napili nilang lapitan ka, nandidiri nga ako kapag sinasabihan kita ng sweet words eh! Ayoko sa mga katulad mo! Ayoko sa mga Tomboy!"
Ang sakit nun ah! Bawal na bang magmahal ng babae ang tomboy ngayon!? Pero hindi ako babae , lalaki nga ako!
Hindi ko namalayan na hindi ko na pala hawak ang kamay ni Danicca at naiwan na pala akong mag-isang umiiyak dito.
*
"Bro! Ang sakit-sakit!"
*boink*
"Aray naman!kitang nasasaktan na yung tao eh! Emotional dinagdagan mo pa ng Physical! Kulang nalang Espiritual eh,"
Habang hinimas himas ko yung batok ko.
"Nag jojoke ka ba? Tatawa na ba ako? Ha.ha.ha."
"That's the truth bro."
"Hoy! Princess Carolina-"
"Prince not princess bro! Pambabae lang yun."
Pagtatama ko sa pangalan ko.
"Whatever! FYI huwag mo kong tawaging bro kasi hindi ako lalaki!"
Sabi ni Mackie sakin, Ang nag iisa kong Bestfriend. .Ang partner ko sa lahat ng kalokohang ginagawa ko.
"Fine, pero Mack! Ba't ganon?! Ang sakit eh!"
Umupo siya sa tabi ko sabay bigay sakin ng Coke na inorder niya.
"Diba ang sabi ko Hard drinks! Hindi Soft drinks!!Bopols talaga!"
*boink*
"Isa ka nalang babae ka ha?!kung makabatok to' parang stufftoy lang ang binabatukan!"
"Kung makasabi ka ng bopols diyan! Porket top 1 ka sa klase? Pwede mo na akong maliitin?!hulog kaya kita sa ilog para masaya?"
Haha! Amazona talaga 'tong babaeng to. Kung astig ako mas astig to, kaya lang ang babae masyado eh. Nakaka turn-off
"Wala ngang hard drinks dito! Mcdo to gaga!"
"Pero seryoso Carol," dagdag pa niya.
Hindi ba naiintindihan ng Mackie na 'to na hindi Carolina ang pangalan ko!? Prince ang pangalan ko! O siguro crush na niya ang pangalan ko? Eh bakit pangalan ko pa? Pwede namang ako nalang ang magustuhan niya.
"Hoy! Daydreaming ka ulit? Pasali naman oh," sabay angat ng ulo niya at parang may malalim na iniisip or inshort term : Nagpapantasya.
Hinampas ko siya para matauhan, mukha na kasing tanga eh. Baka pagtinginan kami ng mga tao dito tapos madiskubrehan nila ang kagwapuhan ko at gawin akong artista.
"Sumeryoso ka nga! Wala kang kwentang kausap eh! Dapat nga kinocomfort mo 'ko eh, dahil brokenhearted yung besprend mo!"
Humarap na siya sakin at..
"Eh' anong gusto mo? Yakapin kita tapos dalhin sa simbahan para ipakumpisal kita kay Father?!"
"Pwedeng yakap nalang?"
Nilapitan ko siya para mayakap siya kaso humakbang palayo! Ganon na ba talaga ako kadiri?
"Yuc-ayoko nga!"
"Comfort mo naman ako mack oh!"
Minsan na akong nagkagusto kay mackie kaso nga lang nung nagtapat ako , tinawanan lang ako! Ilang araw din akong naghanda nun tapos yun lang ang sagot niya!? Hayyzz..
Bigla nalang niya akong hinatak palabas ng Mcdo ,
"Hoy! Mackie 'san mo ko dadalhin?!"
Ang sakit na ng braso ko ah! Amazona talaga tong mackie na to! Mas malakas pa sakin eh.
"Ipapasalvage yung girlpren mong pusit!"
Ano?! Pusit!
Hinila ko ng malakas yung kamay ko na siyang nag pa-out balance kay mackie.
Nadapa tuloy, tumayo siya at parang anghel na naging demonyo.
"Ano bang pumasok sa kukote mong Princess Carolina Roxell ka ha?!"
Ako naman parang lion na bigla nalang naging maamong pusa.
Patay tayo diyan! Iba magalit yan...
"Eh sinabihan m-mo ng Pusit si Danicca eh."
"Eh anong gusto mo?! OCTOPUS?! Sinaktan at niloko ka na nga, pinagtatanggol mo pa rin?! Ibang klase ka din eh no?! Kung magpakababae ka kaya? at hindi nagfifeeling lalaki diyan! Sana may boyfriend ka na ngayon!Bahala ka nga diyan! Uuwi muna ako at bukas na tayo mag-usap! Mainit ang ulo ko!"
"Alangan namang malamig! Malamang mainit talaga-"
"Anong sabi mo!?"
"Ahehe, wala..sige umalis ka na, uuwi na din ako babye!"
Tumakbo na ako palayo sa kaniya baka mapatay ako ng wala sa oras eh.
Nung parang malayo na ako kay Mackie huminto na ako sa pagtakbo at naglakad ulit. Pero lumilingon-lingon pa rin ako sa likod ko ,baka sinundan pala ako ng mackie na yun.
*blag*
"What the face! My beloved shake! You!"
Ako? Ako ba tinuturo nito?
"Ako ba?"
Sabay turo ko sa sarili ko.
"Oo you nga!"
"Aww, sorry naman, bibilhan nalang kita ng bagong shake"
"No! linisin mo ang shakey ni aketch na nafally mo sa floory.."
Ano daw?
"Ano sabi mo? Pwede pakiulit?"
Tinarayan niya lang ako.
"Hinulog mo ang shake ko kaya linisin mo!Bingi! "
Aba! Tong baklang to! Akala mo kung sinong maganda,
"Ayoko nga! Anong silbi ng janitor dito sa mall Kung ako ang maglilinis? Bahala ka diyan. Edi ikaw maglinis! Psh.."
Naglakad na ulit ako.
"Hoy! Ms.T! We will meet again soon! Remember this! Magtutuos pa tayo, hmmpt!"
"Yah I know Mr.B! Bye!"
------
Authors note:
Sorry sa mga typo error , sa mga wrong grammar at sa mga wrong spelling. Isa lang po akong tao na nagkakamali. :D
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
Teen FictionWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...