Prince Pov
"Uy, Carol umuwi ka na, malapit ng gumabi oh" sabay turo sa labas na unti-unti ng dumidilim ang paligid.
Nandito pa kasi ako sa bahay niya at ayoko pa talagang umuwi. Ewan ko kung bakit ayaw ko pa basta wala pa akong ganang umuwi.
"Mamaya na, pwedeng dito nalang ako maghapunan?"
May kasaling puppy eyes pa yan ah? Ang cute ko kaya kapag nakaganiyan di kagaya ni B na nagmumukhang Dugong na nakasimangot.
"Wala nga kaming ulam! Ano manlilibre ka? Eh kung umuwi ka nalang ang sarap pa sana ng hapunan mo ngayon."
Mas gusto ko yung pagkain nila mackie kesa sa pagkain namin sa bahay. Mayroon pa kasing menu, ano yung bahay namin? Restaurant at kailangan pa ng menu?
Buti pa dito kina mackie , simple lang sila, walang arte.
"May spaghetti naman sa ref niyo ah?" Sabi ko
"Ano? Gagawin mo yung ulam? Nek nek mo! Ano ka sineswerte? Pero hhaayyy! Sige na nga, magpriprito nalang ako ng tuyo.."
"Waahhh! Talaga? Bilis luto na.. Gutom na ako.."
Wala pa kasi ang mama at papa ni mackie..naghahanapbuhay pa kaya kaming tatlo pa lang nina Tiboy ang nandito sa bahay.
Kung kayo ayaw niyo ng tuyo puwes sakin paborito ko yan, Kaya walang aangal. Ang sarap kaya niyan tapos isasawsaw pa sa suka waaahh! Ang sarap talaga.
"Ate-"
"Hoy! Ikaw tiboy ah! Napapadalas na yang pagtawag mo sakin ng ate, diba ang sabi ko sayo Kuya prince ang itawag mo at hindi ate carol? Klaro nga na magkapatid kayo ng ate mo. Parehas kayo ng ugali."
Natawa nalang siya sakin.. Aba! At may gana pa siyang pagtawanan ako ah? Susme! Tong batang to ang sarap batukan.
"Uy! Luto na yung ulam, kain na!" Sigaw ni Mackie habang hinahain yung pagkain.
Tumayo na ako naglakad papuntang kusina nila.
"Hoy! Tiboy, wala ka bang balak kumain?"
"Mamaya na ako ate-...hehe..kuya Prince pala, busog pa ako ehh."
"Bahala ka diyan, basta kami kakain na, uubusan ka namin"
"Aish!Ano ba yan,nangongonsensya
Ka na naman eh!!"
"FYI hindi ako nangongonsensya, sinasabi ko lang ang totoo na uubusin talaga namin yung pagkain.."
Tumayo nalang siya at nauna ng umupo sa upuan doon sa hapagkainan.
Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan kong umuwi na kasi gabi na talaga at may klase pa bukas.
Nagpasundo nalang ako kay manong philipp.
"Sir, nagalala po ng husto ang mga kuya mo at ang mama mo sayo kasi hindi ka daw tumawag sa kanila kung san ka pumunta,"
Nagkibitbalikat lang ako at ibinalik ang atensyon ko sa labas...
Sandali, parang may nakita na akong magandang lugar para sa ipatunayan kay mackie na bakla nga si B.
"Manong pakihinto po muna ang sasakyan.."
Nagtatakang tiningnan niya ako pero hininto parin niya yung sasakyan.
Bumaba ako at tiningnan ang Perfect Place na magsasabing bakla nga si B.
Buking na buking ka na nga ngayon Blake Andrei Williams.
BWUAHAHAHAHA!!!!!
---------------------
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
Teen FictionWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...