(11) Haunted House

27 1 0
                                    

Prince POV

Nang maguwian na dumeretso agad ako sa room ni mackie. Papagalitan ko yun kasi hindi niya ako hinintay kanina sa gate kaya kung hindi dahil sa kaniya hindi sana ako nahila ng isang pamilyar na lalaki sakin.

Pagkadating ko sa tapat ng classroom nila, yung mga classmate niyang babae tinitigan ako. May dumi ba ako sa mukha o sadyang nagwagwapuhan lang talaga sila sakin? Oo nga pala, no need to ask I already know what is the answer anyway.

"Princess!!!" Biglang sulpot ni mackie sa harapan ko.

"Oh ba't ka nandito?" Tanong niya sakin.

"Bakit ako nandito? Tanungin mo ang sarili mo."

"Huh? Eh ikaw nga ang tinatanong ko, Akala ko ba matalino ka? Isang simpleng tanong di mo manlang magawang sagutin." Ang pilosopa talaga, ang sarap lang sapakin ang mukha.

"Sabi mo sakin kanina hihintayin mo ko , pagkatapos kong kausapin si manong bigla ka nalang nawala na parang bula! Kaya nakaladkad tuloy ako ng isang estrangherong pamilyar sakin," paliwanag ko.

"Estranghero? Tapos naging pamilyar sayo? Wow ang galing ah?"

"Aish! Tara na nga!" Hinawakan ko siya sa braso at kinaladkad,

"Oy!oy! Ano na namang plano mo ha!?"

"Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Yung ipoprove mo sakin na si Prince Andrei mo hindi bakla!"

"Ay! Oo nga! asan na yung prince charming ko?"

Pinagmasdan ko siya, pano kaya kung malaman niyang may gusto parin si kuya sa kaniya? Hay! Akala ko ba kuwento ko to? Bakit nasali ang kuwento ng baliw kong kaibigan dito?

"O ano pang tinitingin tingin mo diyan? Tarang hanapin si 'my prince charming' andrei!"

Siya na ngayon ang kumaladkad sakin papuntang ...saan nga ba kami pupunta? Haha! Nakakatawa..

"PPRINCCEEE CHHARMMINGG!!!"

Pagkatapos tumakbo palapit si mackie kay B..

Mackie's POV

First Pov ko 'to so you know gagalingan ko sa pagnanarate sa mga mangyayari hihi!

"PPRINCCEEE CHHARMMINGG!!!"

nakita ko na kasi si prince andrei ko kaya I better grab the oppurtunity na lumapit sa kaniya.

Nung makalapit na ako sa kaniya, kumapit agad ako sa braso niya at hinila siya papalapit kay carol na poker face parin. Nagpupumiglas man si Prince charming ko hindi ko parin hinayaan na mabitawan ko siya. Amazona ata ako.

"Oh, Ba't nandito yan?" Tanong sakin ni carol sabay dinuro-duro ang Prince andrei ko.

"Hoy! Huwag mo kong maduro-duro kasi wala akong kasalanan sayo!" Sabi ni Prince andrei. Hindi ko alam na sobrang sensitive pala ng prince charming ko pero Yah, now I know wahahaha!!!

"Huwag kang sumagot! Hindi ikaw ang tinatanong ko! Ano na mack?"

"A-aah? H-ha?" Ay! Aso! Bakit ako nauutal?

"Tanga! Sagutin mo ko!"

Ayan na naman yang maliit na pasensya ni Carol. Hhaay! Kawawa ang makakatuluyan ng bestfriend ko in the near future. Tsk..

"Bakit ako ang tinatanong mo? Eh ikaw nga ang nagpaalala sakin kanina."

"Ay oo nga pala, sige..ipasok mo na yan,"

Ms. T meets Mr. BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon