(2) Meet the 4K.

38 1 0
                                    

(2)

Prince POV

Bibili pa sana ako ng Libro sa National Bookstore kaso nakita ko yung baklang yun doon. Umuwi nalang ako at baka masabunutan ako ng wala sa oras.

Nakasuot pa naman ako ng wig, yung pang lalaki siyempre.Ang taas kaya ng buhok ko ,ayaw kasi nila na ipaputol ang buhok ko eh.

Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Prince Roxell. Gwapo? Oo , Matangkad? Tama-tama lang , Maputi , at Astig.

("Weh?, gwapo? Hindi kaya! Maganda ka hindi gwapo!tapos hindi Prince ang pangalan mo, Princess Carol—")

Hep! Tama na.

("Pero—")

Fine! Ako pala si Princess Carolina Roxell. Maganda, maputi, tama-tama lang ang height pero hindi babae ang dugo ko kundi lalaki. Oh, author masaya ka na?

("Yup!")

Psh..

Pagkadating ko sa bahay sinalubong ako ni Max..

"Arf!arf!arf"

"Hi! Max! Namiss mo ba si papi?"

"Arf!arf!arf!"

Nilaro ko muna si max at pumasok na sa loob. Yung chow-chow ko talaga ang cute parang si Hachiko lang.

"Hoy! Bunso, saan ka galing?"

"Sinong kasama mo?"

"Nag-date ka ba?"

"Kumain ka na ba?"

Tinakpan ko yung tenga ko.

Nakakarindi kasi yung mga boses nila kuya eh. Apat nga pala sila kaya sira ang eardrums ko.

"Bak—"

"Bakit ka naka wig?" dugtong ko.

"Naglak—"

"Wiwiwit mga bro!!! Isa-isa lang pwede? Mahina ang kalaban! Nagiisa lang ang bunganga ko."

Nagkibit balikat lang sila kuya.

"Pwedeng umupo?"

"Sagutin mo muna ang tanong namin bago mo gawin lahat ng gusto mong gawin dito sa bahay." Sabi ni kuya drake, Panganay namin.

"Opo, sasagutin na nga psh.."

Tinaasan nila ako ng kilay at hinihintay nalang nila na sagutin ko ang mga tinanong nila sakin.

"Huhu! Break na kami mga bro! Ang sakit pala! Tapos, tapos..niloko pa ako! NAKAKABADTRIP !!Huhu.."

*boink*

Kailan ba nila ako titigilan sa pagbatok?

"Aray naman! Parehas lang kayo ni Mackie eh!"

"Nagkita kayo ni Mackie?"

Tanong naman ni kuya Mike, pang-apat na kuya ko.

Haha! May gusto kasi ito kay Mackie kaso torpe nga lang. Lahat ng kuya ko proffesional na. Tapos silang lahat mga model pa sa isang sikat na brand ng mga damit! Edi san pa magmamana ang bunso ng pamilya? Edi sa kapamilya rin.

"Ah Oo, kaso sana hindi na lang. Walang kwentang kausap eh!"

"Huwag mo ngang sabihan ng ganiyan si Mackie!"

"Hoy Mike! Huwag kang Mackie ng Mackie diyan! Tinatanong pa natin tong kapatid natin, mamaya na yang pagpapantasya mo." Sabi ni kuya Jelo, ikalawang kuya ko.

"Inggit ka lang bro! Hindi ka pa kasi nagkakagirlfriend eh! Sige ka, tatanda ka niyang binata, haha!" Pangaasar ni kuya Mike.

"Nagsalita ang may GIRLFRIEND," sambit ni kuya Izan, pangatlo kong kuya.

Ms. T meets Mr. BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon