(9)
Prince Pov
Kinabukasan.....
"Bunso gising na..."
"Bunso naming maganda gising na.."
"Mahal na prinsesa gumising na po kayo..."
"HOY! PRINCESS CAROLINA ROXELL GIGISING KA O HABANG BUHAY KA NG MATUTULOG!?"
"Mmmm...Pibbee minnnuteshh nnnallang pleasshhh.."
*Silence*
YESS!! Tumahimik na.. Haha! Galing mo talaga prince , dahil diyan? Matulog ka na ulit.
"Ayaw mo talagang gumising ah? Sige etong sayo.."
"WAAAAHHHHH!! BRO!!!" Binigyan ako ni kuya ng deadly stare.
"O fine,, KUYA DRAKE! PAPAKABAIT NA KO!! WAAAHHHH! IBABA MO NA KO!! AAAAHHH---- *splashhh* "
Tinapon niya ako na parang basura sa Bathtub na puno ng nagyeyelong tubig, Geez ....ang lamig.
"Ayan, edi naligo ka na rin.."
Ngumiti siya sakin pero Ngiting demonyo naman.
"Bwiset ka talaga! Lumabas ka na nga!"
Lumabas nga siya, tawa ng tawa , yung tawang halos mamatay ka na? Ganun.
Wala na akong nagawa kundi maligo alangan namang bumalik ako sa kama , ano ako tanga? Hihiga ng basa?
Pagkatapos kong gawin lahat ng mga gagawin ko sa kwarto, bumaba na ako at dumeretso sa kusina.
"Manang, asan si mama?"
"May urgent meeting sa company niyo kaya maaga siyang umalis"
Tumango nalang ako at umupo na sa hapagkainan.
"O bunso, how was bath? ;D" nakangising tanong ni kuya drake sakin.
"Ang sarap grabe,sa sobrang saya ko gustong-gusto ko nang pumatay ng tao!" Sarkastikong sabi ko.
"Wag naman ganyan bunso, alam mo namang Bad 'yan diba?" Tanong sakin ni kuya Jelo.
"Wala akong pakialam. Kung gusto kong pumatay, papatay talaga ako."
"Grabe ka naman bunso hindi namin alam na nagfefeeling warrior ka na pala ngayon?"
Hindi ko nalang sila pinansin at naglagay nalang ako ng toasted bread, ham, bacon , sunny side-up egg , kanin , at hotdog sa plato ko. Tapos naglagay ng gatas sa baso.
"Bunso hindi ka naman siguro gutom ano?"
Tiningnan ko lang sila at binalik ulit ang atensyon ko sa pagkain at nagsimula na akong lumamon.
"Haha! Hindi bagay sayong maging snob princess cartolina— este hehe.. Carolina pala! Nagmumukha ka lang clown eh! Hahaha!"
"Kung nagmumukha akong clown ano nalang kayo? Kabayo?"
Teka may naalala ako..
Yung plano ko pala kay B,
Paano ko kaya mapapasama si B mamaya?
Hmmmm....isip, isip, isip... Bumili kaya ako ng isip isip para makaisip ako ng idea?
( ha.ha ang galing mo magjoke grabe! )
Alam ko..
*Tiiinnggg* ( light bulb )
Bwuahaha!!! Buking ka na sakin bakla ka, Nyahahaha!
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
Teen FictionWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...