Prince Pov
Lumabas na kami ng school ni mackie..
"Carol, magpasundo ka na kaya kay manong philip?"
Hindi naman kasi masyadong mayaman si Mackie.
Kaya lang talaga siya nakapasok sa Eskwelahan namin dahil scholar siya. Hindi sa academics kundi sa sports, varsity ata yun.
Ang papa niya, Nagtatrabaho sa kompanya namin habang ang mama niya naman, nagmamay-ari ng isang boutique sa mall. Hindi yung branded na boutique kundi yung tig 3 for 100 o yung cheap price lang. Kaya nasusunod parin sa uso tong si mackie at siyempre hindi yun malaking isyu para kina mama na hindi ko maging kaibigan si mackie dahil low quality siya. Gustong-gusto nga siya nina Mama eh, kapag pupunta si mama sa ibang bansa at pagkauwi niya dito dinadalhan din niya ng pasalubong si Mackie.
Back to reality...
Pero mas pipiliin ko pang sumabay sa kaniya at sumakay ng tricycle kesa magpasundo at sumabay kay B. Ano ako BATA at kailangan pang ihatid at sunduin? At baka murderen ko siya sa sasakyan eh, mahirap na baka makulong ako.
"Kailan ka ba titigil sa pagtawag ng Carol sakin ha?!"
"Sige na nga! Princess na nga lang! O sakay na," sabi niya sabay sakay sa pinara niyang tricycle..
Sasakay na sana ako ng ..
"Are you going to ride in that...err..cheap vehicle?? You have car and a driver naman diba?"
Kilala ko yang matulis na boses na yan ah! Nilingon ko siya at tama nga ako, siya nga.
"Paki mo ba!? Sumakay ka din! Ang yabang mo lang eh noh?! Tara na nga manong!"
"Aaa,, saan po kayo bababa?"
Ayoko pang umuwi.
"Sa Roxell Resi-"
"Sa Villa Street po tayo kuya"
Nagtatakang tiningnan ako ni mackie.
"Ayoko pang umuwi eh, patambay muna sa bahay niyo hihi..."
"O sige basta sandali ka lang doon ha? Hahanapin ka na naman ng mga kuya mo eh..pagalitan pa ako"
"Im sure hindi ka papagalitan nun, malakas ka ata sa kanila haha! Lalo na kay Kuya MIKE!!"
Namula naman siya sabay hampas sakin..
"Aww!!! Napano ka?!"
"Wala lang...Gusto pa din ba ako ng kuya mike mo?"
Haha! Matripan nga to.. :P
"Ewan.. Parang hindi na eh, may nililigawan na nga sigurong iba yun. Pakipot ka kasi! Ayan naunahan ka na."
Mangiyak ngiyak niya akong tiningnan..
"Bakit? T_T hindi ba siya makapaghintay? Kung ayaw niya edi wag! Kaya Fafa Andrei nalang ako, hmmpt! Mas gwapo pa!"
Haha! Hindi niya pala alam? Siraan nga...bwuahaha! Buking ka sakin ngayong bakla ka.
"Nagkagusto ka dun? Eh babae naman yun eh"
"ANO?!"
"Miss dito na po ba kayo bababa? " Tiningnan namin ang paligid..
"HALA! lampas na tayo sa bahay niyo! Aaa, dito nalang po kami kuya, eto po bayad.."
Bumaba na agad kami sa tricycle..
"Ikaw kasi eh! Ayan tuloy nalampas tayo sa bahay," sabi ni mackie..
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
Teen FictionWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...