Chapter 1

234 14 7
                                    

Joyce's POV

*click* *click* *click*

Yan ang tunog na lagi namin naririnig tuwing nakain kami sa canteen. Hayssss. Kairita na.Kung magpipicture sila,tanggalin naman sana nila ung shutter at flash.Ang ingay at saka nakakasilaw ehh.Ayaw ko naman mang-away.

"Grabe ka talaga Joyce. Ang peymus mo na.Two weeks ka pa lang nakakatransfer,andami mo nang admirers!"sabi nitong bestfriend kong si Alex.Alexa Silla full name nya.Ayaw nyang tinatawag syang Alexa.Alex na lang daw.Ayaw nya masyado ng girly na name.Sya yung una kong nakatabi at naging kaclose nung first day since I transfer here as grade 9.

"At haters"dugtong ko. Kapag peymus ka kasi marami ka ding haters. Maraming naninira sa'yo. Maraming pinagsasabihan ka ng masasama kahit hindi ka pa totally kakilala.

"Hayaan mo na lang yang ibang haters mo,inggit lang yang mga yan"sabi naman nitong si Nicole,bestfriend ko din. Nicole Fernandez nga pala full name nya. Isa din sa mga naging close ko nung first week ng classes dito.

"Ikaw kasi ehh. Beauty and Brains. Dami pang talent. Hakot mo na lahat girl"sabi ni Alexa.

Inirapan ko na lang sila at pinagpatuloy ang pagkain ko.Lumipat lang ako naging ganto na ang mga tao sa paligid ko.Normal naman pakikitungo sa akin ng mga schoolmates ko dati ehh.Ano bang meron sa akin? I'm just Joyce Ann Castillo,a simple girl who wants a simple life with the people around me.

Gino's POV

"Tara na mga pards.Mag chicks hunting na tayo!"sabi ko na medyo naeexcite.Vacant period namin ngayon.2nd week na since nagsimula ang klase dito sa bago kong school.Wala na kasing chicks na natira dun sa nakaraan kong school kaya lumipat ako para makahanap ng mga bago.

"Grabe ka talaga pards.Baka bago pa matapos 'tong buwan na 'to,kilalala mo na lahat ng babae dito.Bigyan mo naman din kami pards"sabi nitong si Clint.Siya yong naging tropa ko since nung first day palang ng klase.Clint Francis Zarte full name niya.Habulin 'to ng mga chicks.Half-American at Half-Filipino kasi.Kutis pa lang ay masasabi mo nang arak araw itong si Clint.

"Hoy tigilan niyo na nga yang mga kalokohan nyo"saway nitong si Eze na bago ko ding tropa dito sa school.Ezequiel Zico Dela Cruz ang buo niyang pangalan.Siya yung natatanging naiiba sa aming tatlo.Dang bait masyado.Pero kahit naiiba siya,eh habulin din ng mga babae etong si Eze.

"Yan ka na naman Eze.Masyado kang OA.Palibhasa ayaw mong sumama sa paghahanap namin ng chicks ehh.Gusto mo bang hanapan kita?"sabi ko at ngumiti ng nakakaloko.Agad siyang umiling at binaling ang tingin sa ibang direksiyon.

"Nga pala pards,kilala mo na yung chicks na transferee din dito?Ka-grade lang din daw natin"Napataas ang isa kong kilay at umiling.

"Ano ka ba naman pards.Peymus yun.Halos buong campus kilala na siya dahil isa na din siya sa mga campus sweetheart dito"Sa lahat ng babae na dapat ako ay updated,bakit hindi ko alam na may chicks pala na peymus dito?Tapos campus sweetheart pa.Siguro masyado lang akong busy sa mga dates ko last week at ngayong week na din.

"Ano pangalan nya pards?"tanong ko

"Castillo daw.Nakalimutan ko yung first name niya ehh.Pero namumukhaan ko siya pards.Gusto mo libutin natin 'tong school para makita mo?"

"Syempre naman noh.Sayang yang chicks na yan.Curious nga ako kung sino ehh"pagkatapos kong magsalita,sabay sabay kaming umalis.

First destination for finding Castillo: Canteen

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon