Chapter 8

82 11 0
                                    

SKIP TIME TO DISMISSAL TIME >>>

Gino's POV

Agad kong nilapitan si Joyce nang makalabas na ang teacher at classmates namin.

"Ummm Joyce?"sabi ko na medyo nahihiya.

"Hmmm?"

"Alam mo namang bukas na uwi ng mama ko diba?"tumango lang siya.

"Ah ano kasi,bukas sa amin ka daw magdidinner.5:30pm kita susunduin sa inyo.Maging presentable ka at mag-asal babae ha.Wag kang sisigaw sigaw sa harapan ng parents ko! Baka hindi ka nila magustuhan"

"Wala akong pake kung hindi nila ako magustuhan!"

"Kung hindi ka nila magugustuhan,e di hindi ko ibibigay yung 'sweldo' mo"sabi ko at ngumisi.Sinamaan niya lang ako ng tingin.Ang cute niya.Wait,what?Anong sinabi ko? Cute siya? Ewww. Erase,erase. Urgghh.

Joyce's POV

Hinatid ako ni Gin pauwi sa amin.At kapag minamalas ka nga naman.Nakaabang sa gate si mama. Uh-Oh..

Bumaba ako ng kotse pati na rin itong si Gin.

"Hi ma"sabi ko at nagmano tas hinalikan siya sa pisngi.Napansin kong nakatingin siya kay Gin tas napatingin siya sa akin.Binigyan niya ako ng 'hindi-mo-ba-siya-ipapakilala-sa-akin' look.

"A-ah ma,si Gin po pala----"

"Boyfriend niya po"singit ni Gin na may malaking ngiti sa mukha niya.Binigyan ko siya ng 'Ano-bang-pinagsasabi-mo" look.

Lumapit siya kay mama at nagmano.

"Nice to meet you po,tita"nakita kong napangiti na lang si mama sa ginawa nitong manyak na 'to

"Ang galang mo masyado hijo.Halina't dito ka na lang kumain ng hapunan kasama namin.Para na din pasalamat sa paghatid ng anak ko ng ligtas"sabi ni mama.Bakit ang bait niya ngayon?Don't tell me bet niya 'tong manyak na 'to? Ewww. Nasusuka ako.Sa pagkakaalam ko din ayaw pa ni mama na magboyfriend ako.Bakit hindi man lang siya nagalit?

"Wa-wag na ma.Marami pa pong gagawin 'tong si Gin.Diba?"sabi ko at binigyan si Gin ng 'Umoo-ka' look.

"Ahh o-opo tita.Busy po kasi ako. Ummm.Sige po.Mauna na po ako"sabi niya at medyo nagbow kay mama.Humarap siya sa akin at nilapitan ako.Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Bwisit ka Gin! Wag sa harapan ng mama ko.

Napapikit ako at naramdaman ang labi niya sa noo ko.

"Bye,wifey"sabi niya tas umalis na gamit ang sasakyan niya.Pumasok na kami sa loob ng bahay.Nararamdaman kong ang pula pula na ng mukha ko ngayon.Bakit ba naman kasi kaylangan niya gawin yun sa harapan ng nanay ko?Kahit sa noo lang yun,nakakahiya kay mama TT_TT

"Anak,bet ko boylet mo"sabi ni mama.The heck! Sabi ko na nga ba bet nito si manyak ehh.Tas parang kinikilig pa itong si mama.Yung totoo?Hindi ba dapat ako yung kiligin? XD

"Haysss.Magpapalit na po muna ako ng damit ma"

"Geh.Tas baba ka na din at tulungan mo akong ihanda ang hapunan"

"Opo"sabi ko at hinalikan ulit siya sa pisngi tsaka pumanik sa kwarto ko.

Pagkatapos ko magpalit,humiga muna ako sa kama ko at hinawakan ang dibdib ko na kanina pa natibok ng mabilis.

Bwisit ka Gin! Bakit lagi na lang bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga ginawa mo?

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon