Chapter 15

84 11 0
                                    

Joyce's POV

Anong oras na kaya umuwi akong mag-isa.Bwisit talaga yung Gin na 'yon.Dapat hindi ko na lang yun pinansin ehh.

Pagkadating ko sa bahay,dumiretso ako sa kwarto ko at humilata sa kama.Mayamaya ay nagvibrate ang cellphone ko.Tiningnan ko ito at nakitang may nagmessege.

From:Manyak
Sorry kung bigla akong nawala kanina.I have some matters to fix.Babawi ako bukas.

Anong matters naman yun? Ang makipaglandian kay Gab?! -.- sinungaling ka talagang manyak ka.

Napahagulgol na naman ako.Hindi man lang ba ako nauubusan ng luha?Hindi ba ako madedehydrate?

I hate to admit it. Pero nagseselos ako.Si Joyce Ann Castillo,na never pang nagselos ay NAGSESELOS ngayon.Nagseselos sa isang manyak at bestfriend niya.

Ano nga ba karapatan kong magselos?CLASSMATE niya lang naman ako.Nothing more,nothing less. #ClassmateZoned.

Bakit si Gab pa?Si Gab pa na bestfriend ko na ngayon na katransfer lang.

Ang akala ko tumigil na sa pagiging playboy si Gin.Akala ko lang pala yun.

A playboy is always a playboy.

Gin's POV

Nagulat ako kung nasaan kami ngayon.B-bakit kami nandito?

Nasa tapat lang naman kasi kami ng bahay ng EX ko.

"G-gab,d-dito kayo nakatira?"Tumango lang siya.

"My dad bought this house.For sale kasi 'to halos 2 years ago na kaya bago kami umuwi ng Pilipinas,humanap na siya ng matitirhan namin tas yan ang nakita ni dad"napanganga na lang ako at tumango tango.Ang alam ko hindi 'to binenta ng pamilya ni Janica ehh.Haysss.Ano na naman bang napasok sa isip mo Gin.naputol ang iniisip ko nang may lumabas na pamilyar na mukha.

"Gab kanina pa kita hinihin---"napatigil ito sa pagsasalita ng makita ako.

"T-tita!"sabi ko.Anlaki ng mata ko ngayon.

"B-bakit po kayo nandito tita?!"Bakit nandito ang mama ni Janica?! Close sila ni Gab?

Bakas din sa mukha ni tita ng pagkagulat.

"A-ah Gin.K-kilala mo si tita?A-actually,pumunta dito si Mrs. Bautista (surname ng pamilya nila Janica) para maningil.Ummm.Hulugan kasi kami ma-magbayad"nauutal na sabi ni Gab.

"Ahhh"tipid kong sagot.

"Musta ka na Gin?"tanong ni tita.

"Ah okay lang naman po"sagot ko.

"Miss ka na ng anak ko,alam mo ba 'yun?"ngumiti ako ng konti.Ayoko siyang pag-usapan.

"At sa tingin ko masaya siya dahil nakasama ka niya ulit ngayon"

"Nakasama ko siya ulit ngayon?"nanlaki mata ni tita at parang nataranta

"I mean m-magiging masaya siya k-kung kasama ka niya n-ngayon"sabi ni tita.Pinagpapawisan siya.Weird.Gabi na at malamig na naman din ang simoy ng hangin ngayon.

"Ummm sige po.Mauna na po ako"sabi ko at pinaharurot na ang sasakyan ko.

"At sa tingin ko masaya siya dahil nakasama ka niya ulit ngayon"

Nakasama ko si Janica ulit ngayong araw?Wala naman akong maalala na nakasama ko siya ngayon ahh.Ni hindi ko nga siya nakita ngayon ehh.

Wag ko na nga lang problemahin yun.Medyo pagod na din utak ko ehh.

Pagkadating ko sa bahay namin,i mean mansyon.Dumiretso ako sa kwarto ko at tiningnan ko ang cellphone ko.Nagtext ako kay Joyce at hingi ng sorry sa pang-iwan ko sa kanya kanina.Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin siyang reply.Kaya sinubukan ko siyang tawagan.

The number you dialed is not yet in service.The number you dialed is not---

In-end ko na yung tawag at triny ulit pero paulit ulit lang yung naririnig ko.

Haysss.Galit na sa akin si Joyce for sure.

Gab's POV

Nang makaalis si Gin,sinamaan ko ng tingin si mama.

"Ma,ang daldal mo! Buti na lang at naniwala si Gin sa palusot mo na hindi mo ba alam kung kapanipaniwala -.-"

"Sorry na anak"

"Tsk"I rolled my eyes at pumasok na sa loob.Inawan ko si mama sa gate.

"Janicaaaaa!"

"Maaaa! I told you I hate that name. I'm Gabrielle Heart Ramirez now.Janica is dead"

"Jani----"

"Subukan mo pa akong tawagin sa pangalan na 'yan"pagbabanta ko sa mama ko.Tumahimik lang si mama.Kastress.Umakyat na lang ako sa kwarto ko.

Wala na si Janica Bautista ngayon.I'm Gabrielle Heart Ramirez from now on.And whatever happens,I'm going to get you back Gino Santos.Cause I can get anything or anyone I want.

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon