Chapter 3

131 13 0
                                    

Gino's POV

Umuwi na ako sa amin at nagsimulang idial ang contact number na nakalagay dito sa I.D. niya.Nakailang ring muna bago niya sagutin.

"Ummm hello?"panimula niya

"Hi?"

"Sino ka at bakit ka napatawag?"

"Nasa akin kasi ang I.D. mo"hindi agad siya sumagot.Narinig kong parang hinahanap hanap muna niya yung I.D. nya para makasigurado.

"Nawawala nga I.D. ko.Pwedeng pakibalik na lang bukas?"

"Sure.No problem.Pero may kondisiyon"sabi ko at nag-smirk.

Joyce's POV

Nakahilata ako sa kama ko ngayon ng biglang nagring ang cellphone ko.Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.Unknown number.Sino kaya 'to?Medyo natagalan ako bago ko nasagot yung tawag.

"Ummm hello?"panimula ko.Medyo kinakabahan ako.Baka mamaya kung sino 'to.

"Hi?"sabi nung nasa kabilang linya.Lalaki yung nagsalita.Medyo mahinhin naman yung boses kaya medyo nawala din yung kaba ko.

"Sino ka at bakit ka napatawag?"tanong ko.Gusto ko nang makapagpahinga.

"Nasa akin lang naman yung I.D. mo"pagkasabi niya nun,hinanap ko agad yung I.D. ko.Wala akong makita.Yung lace lang ng I.D. ang nandito.Bakit hindi ko napansin na nawawala na pala I.D. ko?

"Nawawala nga I.D. ko.Pwedeng pakibalik na lang bukas?"

"Sure.No problem.Pero may kondisiyon"sabi niya.Medyo kinabahan ako sa sinabi niya.Kondisiyon?Ano naman yung kondisiyon nya?Napulot lang naman niya yung I.D. ko,may kondisiyon pa siyang nalalaman pero hindi ako makakapasok ng school kung wala I.D. ko kaya napabuntong hininga na lang ako.

"A-ano ba yung kondisiyon mo?"

"Simple lang.Let's have a date after class.Ako na ang susundo sa iyo sa room mo.Tsaka ko na ibibigay yung I.D. mo pagkatapos ng date natin.Baka kasi takasan mo ako.Gusto ko lang makasigurado."

"Pero teka-----"hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil binaba na niya yung call.Pano naman ako makakapasok ng school niyan kung hapon niya pa ibibigay yung I.D. ko?

Haysss.Makikisabay na lang ako siguro sa ibang estudyanteng papasok para hindi na makita ng guard yung I.D. ko.Pero hanggang ngayon,curious ako kung sino yung nakapulot ng I.D. ko.Aba'y bago pa niya ibalik I.D. ko,kaylangan ko pa siyang i-date.Hindi ko pa siya kilala.

A date with some kind of a stranger?

Gino's POV

Hindi ko na siya hinintay sumagot.Dali-dali kong in-end yung call para hindi na siya makatanggi pa.

Actually,hindi ko naman napulot etong I.D. niya ehh pero pano ko nga ba nakuha I.D. niya?

Flashback<<<<

Nang mahulog siya sa mga bisig ko.Tinitigan ko siya sa mata niya at nakatitig din siya sa mga mata ko.Habang nagtititigan kami ay pasimple ko nang hinuhugot yung I.D. niya ng dahan dahan bago ko tanungin kung okay lang ba siya.Buti na lang at hindi niya napansin. *evil grins*

Flashback ends

Ganyan dapat 'da moves' ng mga lalaki.Expert ko noh?Sanay na kasi ako sa mga ganitong bagay.

Maghanda ka na Joyce Ann Castillo.sabi ko na habang may malaking ngiti sa mga labi ko.

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon