Chapter 24

64 5 0
                                    

At dahil walang nakasuggest para sa chapter na 'to,idededicate ko 'tong chapter na 'to sa akin.Yey! XD lmao :3

Sana magustuhan niyo pa rin 'tong chapter na 'to kahit hindi ko alam kung ano totally isusulat ko xD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Joyce's POV

Maaga akong nagising pero pagbaba ko ay walang nag-aantay sa akin.Haysss.Hirap din pala pag wala si Eze.

Naramdaman kong sumakit ulo ko.Arghh.Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

Umalis na ako ng bahay namin mag-isa.Hayss.Forever alone talaga ako.Sanay naman din akong iniiwan at mag-isa ehh.

Pagkadating ko ng school,dumiretso agad akong papunta ng room.Nagkasalubong ang mga mata NAMIN.Pero umiwas lang siya ng tingin.

Napayuko na lang ako at umupo sa upuan ni Gab.Ayokong tumabi sa kanya.Masyado pang sariwa ang mga nangyari kahapon sa utak ko.

Skip time to vacant time>>>>>>>>

Sabay kami nila Alex at Nicole kumain sa canteen.Tahimik lang sa mesa namin.Walang nagsasalita.

Nakatingin lang ako sa pagkain ko.Hindi ko ito ginagalaw kahit isang butil lang ng kanin.

"Hoy Joyce!"tapik sa akin ni Alex at napatingin naman ako sa kanya.Poker face lang.

"Bakit ayaw mong kumain?Ano bang nangyayari sayo ha?"pag-aalala ni Nicole.

"Wala.Okay lang ako"sabi ko at ngumiti.

"Sus.Hindi mo na kami maloloko Joyce.Halata naman sa ngiti mo na hindi ka talaga okay.Sige na Joyce.Sabihin mo samin kung ano problema mo.Besties mo naman kaming dalawa diba?"sabi ni Nicole.

Hindi ako nagsalita.Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko ng wala man lang pahintulot sa akin.

Nagpanic sila Alex at Nicole kaya tinabihan nila ako at tinapik lang ng tinapik ang likod ko.

"Tara dun tayo sa CR"yaya ni Alex.Hinila nila ako ng mabilis papuntang CR.

"Aray naman!"daing ko.Kasi ba naman,parehas nilang hatak yung kamay ko papunta dito sa CR.

"Oh,ano na yang problema mo?"madaling tanong ni Alex.Binatukan ko silang dalawa.

"Mas inaalala nyo pa yung problema ko kaysa sa sakit ng paghatak nyo sa akin papunta dito!"sabi ko at tiningnan sila ng masama.Mga loka loka talaga tong babaeng to kahit kaylan.Bilis nila tumakbo.Mga hokage lang ang peg

"Sorry"sabi nila habang nakapeace sign.Umiwas ako ng tingin sa kanila at umupo sa sahig habang nakasandal lang ang katawan ko sa pader.Gumaya naman tong dalawang to sa akin at saka ulit nangulit.

"Uy Joyce.Ano na?Ano ba talaga problema mo ha?"sabi ni Nicole

Huminga muna ako ng malalim bago nakapagsalita."Bes,ano........."Hindi ko napagpatuloy ang sasabihin ko dahil tumulo na naman ang luha ko.

"Shhhhhhhh.Sige lang Joyce.Ilabas mo muna lahat ng nararamdaman mo"

"*sniff* B-bakit ba ang hirap malimutan?Bakit hirap akong tanggalin siya sa isip ko? Bakit-bakit........"

"Shhhhhhhhh dahan-dahan lang Joyce.Sino ba yung tinutukoy mo ah"

Tumingin ako sa kanilang dalawa.Parehas nilang hinihintay ang sagot ko.

"S-si *sniff* Gin"sabi ko at humagulgol ng mas malakas.Hindi sila nagreact.Pinatahan muna nila ako.

"Ano ka ba Joyce.Kilala si Gin dito as campus player diba?At alam namin na alam mo yun"sabi ni Alex

"Alam ko yun naman yan eh.Ang tanga tanga ko lang talaga siguro pagdating sa pag-ibig.B-bakit kasi sa kanya pa ako nahulog.Kahit na alam kong sahig lang ang sasalo sa akin"

"Tsk.Ikaw kasi.Alam mo namang wala kang pag-asa dun.Eh wala ngang sineseryoso yun na babae ehh"sabi ni Alex

"Yung totoo?Kaylan talaga na ako yung sisihin nyo?Inamin ko naman din na ako yung tanga eh"sabi ko at umiyak ulit

"Uy sorry na Joyce"sabi nilang dalawa

"Umalis na nga kayo!"bulyaw ko sa kanila

"Pero Joyce-----"

"Sinabi ng umalis kayo eh!Gusto kong mapag-isa"bulong ko.Hindi na sila nagsalita at umalis na lang sila.Para akong nanghihina.Ilang galon na ba yung iniyak ko?

Mamaya,tumayo ako sa sahig at tumingin sa salamin.Magang-maga na pala mata ko.

Bakit ba ako nahulog sa'yo Gin?Anong ginawa mo sa akin?Bakit parang ang laki ng binago mo sa akin?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guysssssssssss

Ngayon lang nag-update xD

Ngayon lang ulit ako ginanahan gumawa ehh.Ttry kong maging active ulet lalo na pag wala talaga akong ginagawa.

Short UD lang to ah. Mianhe so muchhhhhh. Mahal ko kayo :*

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon