Chapter 30

49 6 2
                                    

3rd Person's POV


May isang lalaki sa hindi kalayuan ang sikretong nagmamasid kayla Joyce at Gin.Kinukuhaan niya sila ng litrato.At nang umuwi na sila Joyce,ay may dinial siyang isang pamilyar na numero

["Hello?"]

"Sir,nakita ko po si Joyce at Gin na magkasama.Ang sweet nga po nila tingnan eh.Para silang mag-----------"

["Don't you dare continue your words or I'll cut your throat off"mariin na na pagkakasabi nung boses sa kabilang linya]

Tumahimik lang ng ilang sandali bago may nagsalita.

"Sir,magkakaroon po kasi ng isang ballroom dance dito sa school nyo,at sa section A,sila ang magpartner"

["What the Fvck?!Ballroom Dance?Sa lahat lahat ng sayaw,BALLROOM DANCE pa talaga?!"nangigigil na pagkakasabi nito.Naisip niya na baka kung ano na yung mga pinaggagagawa ni Gin kay Joyce]

Tumahimik ulit ang dalawang linya.

"Sir,baba ko na po tong------- toot toooooot"bago pa man niya ito mababa ay binabaan na siya ng telepono.

Ang kulit mo talaga noh Gin?Sorry but I'm Ezequiel Zico Dela Cruz and what is mine,is MINE.

SKIP TIME SA ARAW NG BALLROOM DANCE COMPETITION>>>>>>>>>


Joyce's POV


Waaaaaah.Kinakabahan ako.Andaming audience.Kakayanin ko kaya?Think positive lang Joyce.

Pangatlo kaming sasayaw dahil yun ang nabunot ni Gin.Kahit kaylan,malas talaga tong lalaking 'to (-_-#)

"What a fantastic performance section D! Now let's call on costestants number threeeee,section A!"sabi ng emcee at nagsimula ng humiyaw ang mga audience as in buong gymnasium ay maingay. Waaah ayaw ko na TT_TT

"Always eye to eye okay?Wag palinga linga kung saan saan"huling pasabi ni Earl bago kami tinulak papunta sa gitna ng stage.

Pumwesto na kami ni Gin.Magkalayo kami sa isa't isa habang nakapose.At pagkatapos namin pumwesto,biglang nagsimula ang tugtog.Sabay naming tinignan ni Gin ang isa't isa at lumapit ng mabilis sa isa't isa na may poise.Bigla na lang naghiyawan ang mga tao.

Sa gitna ng pagsasayaw,sumagi sa paningin ko ang isang pamilyar na lalaki sa isang sulok.Nanlaki ang mga mata ko.Medyo na out of focus ako sa sayaw pero laking gulat ko ng biglang hinawakan ni Gin ang baba ko at tinaas ng bahagya.Nagtama ulit ang paningin namin.

"Focus"sabi niya habang tinitignan niya ako.I don't know.Parang nahypnotize ako at bigla na lang lumakas ang kabog ng puso ko.

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagsasayaw.Bumalik ulit ako sa sarili ko kaya nagsimula na namang maghiyawan ang mga tao.

Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay hindi ko maiwasang malungkot.

Gin,hanggang kaylan mo ba ako papahirapan? Hanggang kaylan mo pahihirapan ang puso ko?


Eze's POV


Nasa isang sulok lang ako ng stage,habang pinapanood ko silang sumayaw.Hindi ko alam pero napatikom na lang ang mga kamao ko habang pinagmamasdan sila.

Binuhat ni Gin si Joyce sa ere at nang ibababa na nya si Joyce ay na-out of balance siya.

Tumigil ang mga tao sa kakahiyaw.Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nasa ibabaw na ni Gin si Joyce habang magkalapat ang labi nilang dalawa.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilang lumapit at hatakin si Joyce paalis ng gymnasium


Joyce's POV


I didn't expect na natatapilok ako kanina and what I really did not expect na magkikiss kami accidentally ni Gin kanina. Waaaah nakakahiya,ang daming tao ang nakakita.

Dahil sa kung ano-anong iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasa rooftop na kami ni Eze.Tinanggal niya ang jacket niya at isinuot sa akin.At syempre,hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya.

"Why didn't you tell me na sasali ka sa ballroom dance?Tingnan mo yang suot mo.Medyo exposed na tsk.Tapos si Gin pa ang pinili mong partner"Sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ayoko pa kasing istorbuhin ka sa training nyo para sa quizbee at saka hindi naman ako namili ng partner eh,si ma'am kaya"

"Tsk basta sa susunod,wag kang sasali ng ganyan ha.And also,ayoko ng makita na magkasama kayo ni Gin.Understand?"sabi niya.Napapout tuloy ako.

"Pero-----"

"May gusto ka ba kay Gin?"tanong sa akin ni Eze na kinagulat ko.

"What's with the sudden question?S-syempre hindi noh"pagkasabi ko nun ay bigla na lang siya napangiti at hinila para mayakap ako.Bigla na lang tuloy lumakas ang tibok ng puso,ngayong nasa mga bisig niya ako.


Eze,bakit pinapahirapan mo din ako?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Orayt! Nakapag-update din after one month XD ngayon lang sinipag mag-update eh

Thank you dahil 1.45K reads na 'to <3 Hindi ko expected grabe.Thank you sa patuloy na pagsupport! Vote kayo daliiiii :3

Mahal ko kayooooooo :***

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon