Chapter 7

93 11 0
                                    

A/N:Medyo nakakalito po itong chapter na 'to kasi papalit palit ng POV si Gino at Joyce kaya basahin po ng maigi.Yun lang po.Thanksssss.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gino's POV

6:30am na at paalis na ako ng bahay papuntang school nang biglang nagring ang telepono namin.Lumapit ako para sagutin ito.

"Hello?"sabi ko.

"Gino sweetheart!" sabi ng pamilyar na boses.Bigla ko na lang nahulog ang telepono pagkatapos ng mga sunod na sinabi niya.

Joyce's POV

Nandito na ako sa room namin.Fudge.Ayoko siyang makita.Parang naiilang ako.At sigurado akong aasarin pa ako nun.

Maingay dito sa room namin nang narinig kong biglang bumukas ang pinto.Lumingon ako sa may pinto at nakita SIYA.Dali-dali akong umiwas ng tingin.

Gino's POV

Pagkapasok ko sa loob ng room namin.SIYA agad ang hinanap ko.Nang makita ko siya nakatingin din siya at bigla na lang tumingin sa ibang direksiyon.

Lumapit ako sa kanya at kinaladkad siya palabas ng room.

Joyce's POV

"Hoy Santos! Bakit ka ba nangangaladkad diyan ng basta-basta?! Saan mo ba ako dadalhin?!"Nakakabwisit talaga siya.Kanina niya pa ako hinihila sa kung saan man.San ba ako dadalin nitong manyak na 'to?

"Manahimik ka na nga lang diyan.Halikan kita ehh"nung sinabi niya 'yon natahimik na lang ako.Like duuuh? Ayokong pati ang second kiss ko maagaw niya.

"Tsk.Tatahimik naman pala.Dada pa ng dada"bulong niya.Kahit bulong lang yun,rinig na rinig ko pa rin yung sinabi niya.

Hinila niya pa rin ako hanggang makarating kami sa rooftop ng school.

"Bakit mo ba ako dinala dito?!"hindi siya sumagot at bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko.

"H-hoy! Bakit ka lumuluhod diyan? Tumayo ka nga!"

"Joyce please.Pretend to be my girlfriend"nanlaki mga mata ko.

"Mukha mo!Anong pretend to be your girlfriend? May sapak ka na talagang manyak ka noh?"

"Wag ka nga.Hindi naman kita gusto ehh.Pretend nga lang diba?Tsk."

"Aba't ikaw pa ang naninigaw diyan ahh.Tssss.Makaalis na nga"sabi ko at tumungo na sa pinto,pababa ng rooftop.Hinawakan niya yung braso ko at medyo hinila pabalik.

"Please Joyce"malungkot niyang sabi at medyo napapaluha na.

"Tsk.Bakit ba kase?"

"Ganito kasi yun."

Flashback

Biglang nagring ang telepono namin.Lumapit ako para sagutin ito.

"Hello?"sabi ko.

"Gino sweetheart!"sabi dun sa kabilang linya.Ano na naman kaylangan mo nito ni mama?

"Oh ma,napatawag ka?"

"Just wanna say na uuwi na kami ng daddy mo diyan tomorrow.May girlfriend ka na ba?I wanna meet her tomorrow okay?Sa atin na lang kamo siya magdinner para makilala naman namin siya ng lubusan.Oh sige na.Baka malate ka pa.Love you sweetheart!"sabi ni mama at binaba ang telepono.Pagkatapos sabihin ni mama yun,nahulog ko na lang yung telepono

Fvck.Bakit ngayon lang sinabi na uuwi na sila bukas?

Flashback Ends~~~

"Bakit naman gusto ng mama mo na magkagirlfriend ka aber?"

"May usapan kasi kami na pag hindi daw ako makahanap ng girlfriend,ipapa-arrange marriage niya ako sa babaeng hindi ko naman kilala at mahal"sabi niya at nagsimula nang lumuha.

"So?Wala akong pake.Andami namang babae diyan ehh.Maghanap ka na lang ng iba"sabi ko at tumalikod pero hinila niya ako ulit.

"Joyce,please.Pag hindi nagustuhan ni mama ang babae na ipapakilala ko sa kanya,ipapa-arrange marriage niya pa din ako.Ikaw lang talaga yung kilala ko na matino sa lahat ng babaeng kilala ko ehh"

"Ayoko pa din"sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Bibigyan kita ng sweldo.Just pretend to be my girlfriend."

"A-YO-KO!"

"Pleaseee.Pag nagustuhan ka ng parents ko tataasan ko pa sweldo mo"

"FYI,Mr. Santos,hindi po ako bayarang babae."

"Please"sabi niya at humagulgol na.

Fudge.Why do I feel guilt all of a sudden.Wala naman din sigurong masama.Pretend lang naman diba?At saka kaylangan din namin ng pera ngayon kaya....

"Sige na nga.Tumayo ka na diyan!"

"Talaga?! Maraming salamat Joyce!"sinabi niya at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Hoy! Umalis ka nga! Hindi ako makahinga"nung sinabi ko yan ay bigla niya akong pinakawalan at bigla niyang hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Thank you Joyce"sabi niya.

Waaaah! Bakit kinikilig ako?Ramdam kong parang nag-iinit ang mukha ko kaya umiwas na lang ako.

"Tssss.Tara na nga.Baka malate pa tayo sa first subject natin"sabi ko.Tumango siya at hinila na naman ako papuntang room.Feeling ko namula pa lalo ako kasi hawak niya yung kamay ko.

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon