Chapter 20

90 11 0
                                    

Gin's POV

Nakaraan na ang isang linggo ng pagbabantay ko kay Gab.Kaya eto ako ngayon,handa nang pumasok ng school ulet.

Nandito na ako sa tapat ng bahay ni..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Gab.

Sabay kaming pupunta ng school kaya sinusundo ko siya.

Bakit ko siya susunduin? Ganto kasi yun.

<<Flashback<<

Gabi na at nandito ako sa ospital,specifically sa kwarto ni Gab.Habang tulog siya ay hinahawi hawi ko ang kanyang buhok.

"Gin?Pwede ka bang makausap?"napalingon ako sa nagsalita.Si tita pala.Tumango ako at dahan-dahan kaming umalis sa kwarto.

"Gin,pwede ba ako humingi ng favor sa'yo?"sabi ni tita habang hawak-hawak ang mga kamay ko.Favor?

"A-ano po ba yun tita?"sabi ko.Medyo kinakabahan ako.Never pa kasing humingi ng favor etong si tita sa akin eversince.

"Gin,pwede ba maging kayo na lang ni Gab?"sabi ni tita.Nanlaki mga mata ko.Kasing laki ng mata ni D.O :3
Pero teka lang.Maging kami ba kamo ni Gab? Kakakilala ko lang sa kanya ehh.At saka hindi ko naman siya gusto.Si Joyce ang gusto ko.

"Pero tita---"aangal na sana ako pero pinutol ni tita ang sasabihin ko.

"Gin,please.Walang magbabantay sa kanya.Ang parents niya ay nasa abroad.Kaya nga nanay na turing niyan sa akin ni Gab ehh.Lagi ko siyang pinupuntahan sa kanila.Mahirap na kasi sa kondisyon niya ngayon.Baka pagtripan siya ng kung sino diyan dahil sa pilay siya"sabi ni tita at umiyak.Tama si tita.Hindi naman siya makikiusap sa akin kung hindi dahil sa kalagayan ni Gab.At kasalanan ko kung bakit hindi na makakalad pa si Gab.

Kaya kahit labag sa loob ko...

Napabuntong hininga ako."Payag na po ako tita"sabi ko.Niyakap ako ni tita.

"Thank you Gin.I hope you'll fall with her.Make her happy for me"

Flashback ends~~

Pumasok na ako ng mansyon nila Gab.Nakita ko si Gab na nakaupo sa wheelchair habang nanonood ng TV.

Hindi niya ako napansin kaya niyakap ko siya mula sa likod.Nagulat siya at napalingon.Nang makita niya ako,ngumiti siya at pinalo ako ng mahina sa braso.

"Bwisit ka Gin"

"Sorry na po mahal na prinsesa.Gusto ko lang kasing mayakap ka ehh"sabi ko.Syempre,puro scripted lang yang mga sinasabi ko.

After ko kasing pumayag sa favor ni tita,I fake proposed at her.At dahil sabi nga ni tita na may gusto sa akin si Gab,pumayag siya.Kaming lang ni tita ang nakakaalam ng tungkol sa aming dalawa ni Gab.Ayaw kasi niya malaman ni Gab ang plano namin.Buti na lang at hindi naman naghinala itong si Gab sa biglaan kong proposal.

"Tara na.Baka malate pa tayo"sabi ko.Tumango siya at ngumiti.Nilabas ko na siya ng bahay nila habang dala ko ang bag ni Gab.Dahan dahan ko siyang inupo sa passenger seat at tiniklop ang wheelchair.Pinasok ko ito sa back seat tsaka sumakay sa driver seat.Pinaandar ko na ang sasakyan ko at dumiretso na papuntang school.

Habang tinutulak ko ang wheelchair ni Gab,pinagtitinginan kami ng mga estudyante.Ramdam kong parang nahihiya si Gab kaya tumigil muna ako at bumulong sa kanya.

"Wag kang mailang.Nandito ako.Wag mo na lang silang pansinin"bulong ko at ngumiti siya kahit papano.

Dumiretso na kami ng room.Malapit na kasi magtime.

Pagkadating namin ng room,nagulat ako ng makita ko siya.

E-Eze?! Bakit andito siya? At bakit close sila ni Gab? Ganun ba kadami ang mga nangyari sa isang linggong wala ako?

Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos.Nakangiti kasi si Joyce habang naglalandian sila este nag-uusap.

Ano ba'yan.Kung ano ano na nalabas sa bibig ko.Ganun ba ako nagseselos sa kanila?

Hindi ko na lang sila pinansin.Kumuha ako ng bakanteng silya at itinabi sa upuan ni Gab.

Joyce's POV

Maaga akong sinundo ni Eze.Ewan ko ba dyan sa lalaking yan.Nagvolunteer na susunduin niya ako palagi papuntang school.Hindi ko na tinanggihan.Sayang yung pera kong ipapangcommute noh xD

Nag-usap lang kami ng nag-usap ni Eze.Hindi ko aakalain na isang linggo lang ay ganito na kami kaclose.

Hanggang sa room ay patuloy lang kaming nagdadaldalan nitong ni Eze ng mga walang kwentang bagay.Hanggang sa may dumating.Dumating silang dalawa ng sabay at nakangiti.

Anong nangyari kay Gab? Bakit siya nakawheelchair?After kasi nung incident sa mall,hindi ko na sila sinundan.Syempre,privacy.

Napatigil ako saglit at umiwas ng tingin.Tinuloy ko na lang ang pakikipagdaldalan kay Eze.

Kumuha ng bakanteng upuan si Gin at itinabi sa upuan ni Gab.

Wala na akong maintindihan sa sinasabi ni Eze.Na-blank space ata utak ko.

Bakit ganto?Parang nawala lahat ng sigla ko nang makita ko silang dalawang magkasama at parehas nakangiti.

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon