Chapter 4

148 11 0
                                    

Joyce's POV

Nandito na ako sa tapat ng school namin.Walang nadaan na estudyante.Ano ba naman yan.May gagawin pa ako ehh.

Dahil sa may kaylangan pa akong ayusin,tinakpan ko na lang ng malaking libro yung tyan ko.Act natural,act natural.Paulit ulit ko yang sinasabi sa isip ko.Sana hindi ako mahuli ng guard na walang I.D.

Humarap na ako sa entrance at ngumiti sa guard.Nakalagpas na ako ng biglang...

"Excuse me ate"sabi nung guard.Uh-Oh.Dahan-dahan akong lumingon at pilit tinago ang kaba.

"A-ano po yun?"Fudge.Wag kang mautal.Baka lalo kang mahalata Joyce!

"Nahulog po itong cellphone niyo"sabi niya sabay pakita ng cellphone.Cellphone ko nga!

"T-thank you po Manong Guard"sabi ko tas kinuha yung phone at tumakbo na palayo bago pa talaga ako mahuli.

Bwisit kasi.Bakit hindi pa binalik nung lalaki na yun yung I.D. ko.May date-date-date pa syang nalalaman -.-

Gino's POV

"Mga pards,may good news ako!"masigla kong sinabi.

"Ano yun pards?"tanong ni Clint.

"Makakadate ko si Castillo mamaya!"

"Utut mo pards!Pano mo naman nayaya yun eh ni isang lalaking nagyayaya sa kanya,lagi niyang tinatanggihan"

"Nakuha ko kasi 'tong I.D. niya"sabi ko sabay pakita ng I.D. niya."Tinawagan ko siya tas sinabi na babalik ko 'tong I.D. niya pagkatapos naming magdate mamaya.Ayun,pumayag naman"pagmamayabang ko.

"Woaaah! Iba ka na talaga pards.Ang swerte mo pards"sabi nitong si Clint habang inaalog alog pa ako.

Excited na ako para sa mamaya

SKIP TO DISMISSAL TIME >>>>>>

Joyce's POV

Nakatulog ako sa last subject namin sa sobrang puyat ko kakaaral kagabi.Nagising na lang ako,nagsisialisan na ang mga kaklase ko.Iniwan na ako ni Alex at Nicole.Yung totoo? Bestfriend ko ba talaga sila? TT^TT

Inayos ko na yung gamit ko at isinukbit ang back pack ko.Pagkalabas ko ng room,may lalaking nakatalikod.Bigla siyang humarap sa akin at ngumiti.What the? Siya?!

Gino's POV

Nung nagpakita ako,bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Surprise?"sabi ko at ngumisi.

"I-ikaw ba talaga yung nakapulot ng I.D. ko?"parang ayaw pa atang maniwala nito ahh.Pinakita ko yung I.D. niya at nagsalita.

"Naiwan mo 'to nung nagkabungguan tayo"sabi ko pero hanggang ngayon,parang gulat pa rin siya.

"So,tatayo ka na lang diyan?Ayaw mo bang makuha I.D. mo?Okay.Madali akong kausap"sabi ko at kunwari'y aalis na nang may humawak sa braso ko.Sabi ko na nga ba.Humarap ako sa kanya.

"T-tara na"sabi niya na medyo nahihiya.Nakatingin lang siya sa sahig.Hinawakan ko ang baba niya pataas para tignan niya din ako.Mas matangkad ako sa kanya.Lumapit ako sa tenga niya at bumulong.

"Ang cute mo pala pag nagbablush"

Joyce's POV

Hinawakan niya ang baba ko pataas at tiningnan niya ako sa mata.Ako naman,parang nahypnotize sa mga titig niya kaya nakatitig din ako sa mga mata niya.Bigla na lang siya lumapit sa tenga ko at bumulong.

"Ang cute mo pala pag nagbablush"nanlaki ang mga mata ko.Ako,nagbablush?! No! Hindi ako pwedeng kiligin sa lalaking 'to o sa kahit na sinong lalaki diyan.Ganyan lang sila.Papakiligin ka lang tas papaasahin.Tas kilauna'y iiwan ka lang din niyan.

Tinulak ko siya at humarap sa ibang direksiyon.

"Tara na nga.Gusto ko na makuha I.D. ko.Marami pa kong kaylangang gawin"

Gino's POV

"Tara na nga.Gusto ko na makuha I.D. ko.Marami pa kong kaylangang gawin"sabi niya at nauna nang maglakad.Sinundan ko na lang siya.At pinapasok sa kotse ko.Ang taray naman nito.Kung alam ko lang,pakipot lang 'to ehh.Ayaw lang ipahalata sa akin.

Pumunta na kami sa restaurant na pinagreserba ko.Natapos ang 'date' namin nang walang nangyayari.

Ang boring ng araw na 'to.Haysss.Babawi ako Joyce Castillo

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon