Chapter 10

109 11 1
                                    

Gin's POV

Nandito na kami sa tapat ng bahay.Tiningnan ko ang relo ko.6:08pm na.Late na kami.Ayaw pa naman ni mama at papa ng late kaya nagmadali kaming pumasok sa loob.

Nasa living room sila mama at papa,hinihintay kami.

"Sweetheart! You're here"Sabi ni mama at lumapit sa amin.Pati na rin si papa.Nagmano ako sa kanilang dalawa.

"Good evening po!"sabi nitong si Joyce at nagmano din.

"So ikaw pala ang girlfriend ni Gino.Maganda ka pero mas maganda pa rin si Janica para sa akin"dire-diretsong sabi ni mama.

"Hon!"awat ni papa kay mama.Sinamaan ko ng tingin si mama.Sinabi ko nang ayaw ko na marinig ang pangalan ng babaeng yun ehh.

"Anyways,let's eat now.It's getting late.The foods are already served minutes ago."sabi ni mama na parang pinapamukha niya kay Joyce na siya ang dahilan kung bakit late na kami kakain.Ilang minutes pa lang naman kaming late ehh -.-

Nasa kainan na kami.Ang awkward.Tahimik ang paligid.ang tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig namin.Hanggang sa...

"Hija,Anong trabaho ng parents mo?"napatingin ako kay Joyce at napatigil siya.

"Ummm patay na po yung dad ko.Yung mama ko po,isang cashier sa department store"sabi ni Joyce.Nararamdaman kong nanginginig siya.Hinawakan ko ang kamay ni Joyce sa ilalim.Medyo napangiti siya.

Joyce's POV

Kinakabahan na ako.Parang ayaw ko na dito.Hindi ata ako welcome ng mama nitong manyak na 'to ehh.At sino ba yung Janica at lagi niya akong kinukumpara dun? Pag binabanggit ng nanay niya yung pangalan na yun,laging tinitingnan ng masama ni Gino yung nanay niya.

Tapos na kami kumain ngayon nang may biglang sinambit ang nanay ni Gino.

"Didiretsuhin na kita hija.I don't want you for my son.Maganda,mabait at magalang ka pero I want him to marry Janica after they both graduate highschool.It's for his future anyway.Ayokong si Gino lang ang bubuhay sa pamilya niyo kung sakali man.At paano na lang ang kumpanya namin?Si Gino at ang future wife niya ang maghahandle ng business pag dumating na din ang tamang time"hindi ko alam pero parang napanghinaan ako ng loob.Parang may naramdaman akong galit.Maybe because ipinamumukha niya sa akin na mahirap lang kami?Pinilit kong itigil 'tong mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko.Ayokong isipin niya na duwag ako.Dahil kaylanman,walang makakapagsuko sa isang Joyce Ann Castillo.

"I'm sorry Mrs. Santos but hindi niyo po akong mapipilit makipaghiwalay kay Gino.Mahal na mahal po namin ang isa't isa.At sa tingin niyo po ba,sasaya si Gino kung ipapakasal niyo siya sa babaeng hindi niya mahal?Wag po kayong maging selfish.Opo,iniisip niyo po ang kapakanan niya pero hindi niyo po alam na nasasakal na po ang anak niyo dahil sa mga pinapagawa niyo na ayaw niya naman po.At saka wala naman po sa kayaman ang tunay na kaligayahan.Dahil kahit hindi po kami mayaman,sisikapin ko pong makahanap ng disenteng trabaho at pasayahin si Gin"dire-diretso kong sinabi.Feeling ko parang totoo ang mga sinabi ko.Well,I have to admit.Gusto ko 'tong manyak na 'to.

Hindi na umimik pa ang nanay ni Gino.Tumayo na 'to sa hapagkainan at umalis ng wala ng sinasabi pa.

Gino's POV

Nagulat ako sa mga sinabi ni Joyce.Si Joyce ba talaga 'to?Habang sinasabi niya yung mga salitang yun,parang naniniwala ako.Parang totoo talaga ang mga sinabi niya.Gusto niya din kaya ako? Wait,what? DIN? Haysss. I hate to admit but I like this girl already.

Hinatid ko na siya sa bahay nila.Nag-usap muna kami saglit.

"Nagustuhan ko yung ginawa mo kanina.Ang galing mo.Grabe.Halos napaniwala mo ako.Sana mapaniwala mo din si mama"sabi ko,sinusubukang pagaanin ang loob niya.Ngumiti siya pero halatang pilit lang.Bakit parang ang lungkot niya?

Niyakap ko siya ng halos 10 minuto at umalis na din.

Joyce's POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Gin,tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Ang sakit,ang sakit sakit.To the fact na hindi naman talaga kami pero gusto ko maging totoo ang relasyon namin.Pero bakit si Gino pa?Sa isang playboy na alam kong maliit lang chance na magbago siya at magustuhan niya din ako.At kung maging kami man talaga,ayaw ng nanay niya sa akin.

I like you,Gino Santos.sabi ko at napahagulgol na lang ng malakas.

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon