Chapter 2

154 12 0
                                    

Joyce's POV

"Malapit na magtime.Tara na.Baka malate pa tayo sa long test natin"sabi ni Nicole.Napatingin ako sa relo ko.Oo nga.15 minutes na lang magbebell na.

"Ummm guys mauna na kayo.Kukunin ko pa yung iba kong gamit sa locker"sabi ko habang isinukbit ko yung bag ko.

"Sige,una na kami sa room ahh"

"Geh.Bye!"sabi ko at tumakbo na.Medyo malayo kasi yung locker ko sa canteen.

Pagkadating ko sa mga nakahilerang locker,may nakasalubong akong tatlong lalaki at sinadya akong banggain ng isa sa kanila kaya napaupo ako sa sahig.Bwisit.Nananadya ata 'to ahh.Nagmamadali pa naman ako ngayon.

Gino's POV

Papunta na kami ng canteen ng may nakikita kaming babaeng natakbo papunta sa direksiyon namin.

"P-pare,yan si Castillo!"nauutal na sabi ni Clint habang nakanguso sa harapan namin.Grabe 'to kilala nya yung 'Castillo' kahit malayo.Agad kong tiningnan yung babaeng tumatakbong papalapit ng papalapit sa direksiyon namin.Habang papalapit siya,Damn.Ang ganda nga nya.No wonder kung bakit naturingan siyang campus sweetheart dito.

Nakaisip ako ng magandang plano.Sisimulan ko na ngayon ang paglalaro ko.Bago pa man niya kami malagpasan ay sinadya ko syang banggain.Napa upo siya sa sahig.Tiningnan niya ako.Nilahad ko yung kamay ko para alalayan siya sa pagtayo.Tiningnan niya muna yung kamay ko.

Sana tanggapin niya yung kamay ko.

Joyce's POV

Inalok niya sa akin yung kamay niya.Tiningnan ko na lang muna yun at tinanggap na din.Hinila niya ako patayo pero nilakasan niya masyado kaya pagkatayo ko ay nahulog naman ako sa mga bisig niya.And damn! Ang lapit ng mukha namin.Nanlaki ang mga mata ko at naramdamang nag-iinit yung mukha ko.

"Are you okay miss?"tanong niya ng mahinhin sa akin.Parang nagmelt yung puso ko.What the.Why do I act this way?Agad akong kumawala para mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"A-ah sige mauna na ako.Sorry na lang at thank you na din"medyo nagbow ako at tumakbo na paalis.

Fudge.What was that? First time kong maramdaman yung ganun.Urrghh!

Gino's POV

Nung malapit yung mukha namin.Nakita kong nanlaki yung mata niya.Pinagmasdan ko yung mukha niya.She's perfect.Unti-unti siyang namula.Looks like my plan is turning good as well.

"Are you okay miss?"tanong ko ng mahinhin.Hindi siya agad nakasagot hanggang sa siya na yung kumawala sa posisyon namin.

"A-ah sige mauna na ako.Sorry na lang at thank you na din"sabi niya at dali-dali siyang nawala sa paningin namin.

"Woaaaah!That's the man.Kaya kita idol ehh.Paturo naman ng mga 'da moves' mo master"sabi nitong si Clint.Napangisi na lang ako at pinaikot ikot ang isang I.D.

I'll make you fall for me Ms. Joyce Ann Castillo.sabi ko habang hawak hawak ko 'tong I.D. niya

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon