Prologue

366 17 3
                                    

Si Joyce Ann Castillo?

Maganda? Pak na pak. Kahit na ang simple lang nya,maraming nagkakagusto dyan.Aakalain mo ngang retokada siya dahil halos perpekto ang mukha niya.

Mabait? Wag mo nang tanungin.Eh anghel yan na hulog ng langit sa sobrang kabaitan at galang nyan.Never pa yan nagkaroon ng kaaway eversince.

Matalino? Nagtanong ka pa.Eh lagi yang nakakaperfect sa quizzes o exam eh.Kung magkaroon man sya ng mali,eh nagkakamali lang sya sa spelling.

Si Joyce,since bata pa lang,andami ng nagkakagusto dyan.Pero never yang na-inlove o nagkacrush man lang since birth.Sabi nya kasi wala naman talagang LOVE.Love is just socially constructed.Yung mga fairytales at love story na napapanood at nababasa natin ay gawa lang ng isip nating mga tao.Which really doesn't exist sa mundo ng realidad.May mga 'Once upon a time' pero walang happily ever after's.Yan lang ang natatanging dahilan ni Joyce kung bakit ayaw niyang magkagusto sa daan-daang lalaki na nagkakarandarapa sa kanya.

Si Gino Santos?

Gwapo? Wait! Saan banda?Hindi ko makita.Takte,yan ba ang gwapo sa inyo?Matangkad lang naman yung buhok niya ehh.Buhok nagdala.Gusto niyo pang regaluhan ko kayo ng salamin?Wala pa nga siya sa alak-alakan ng asawa kong si Jin ng BTS ehh.

Mabait? Argh! Nasusuka ako.Mabait daw?Hindi ko makita.Kaylan pa ba naging mabait yan?Kapag tulog? Aba e di patulugin na natin siya habang-buhay.

Matalino? Jusmiyo.Pwede bang laktawan ko na lang 'to?Hindi kasi halata eh.Nasan ba utak nito?Nasa baul ni Lola Basyang?Pakihanap,please.

Si Gino,gwapo man sa panlabas,asahan mo na pangit yan sa loob.Mabait at matalino naman talaga si Gino noon pero nang dahil sa isang babae na kanyang minahal noon,nagbago lahat.Naging campus heartrob siya at tinuringang 'campus playboy'.Kaya nga every year,papalit palit yan ng school ehh.

Ang sabi nga,"The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time"

Pag LOVE ang usapan,tadhana ang talagang kumokontrol nyan.Sa una,sosorpresahin ka nyan dahil sa mga hindi mo inaasahang mangyayari.Pero minsan gagaguhin ka din ng tadhana na yan kahit naging mabait ka naman sa kanya.

At dahil nga mahal mo sya,your willing to do everything and take risks para magbago ang tadhana.

Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig nga naman noh?

Halos yan din ang kwento ng love story ng isang simpleng babae at isang playboy na pinagtagpo ng tinatawag nating TADHANA.

Maging mabait kaya ang tadhana sa kanila? Or gagawa ito ng mga hadlang upang pigilan ang nararamdaman nila sa isa't isa?

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon