Chapter 9

82 11 0
                                    

Gino's POV

Madalas ko nang napapansing nagbablush si Joyce.Mukhang nagugustuhan na niya ako ngayon.

Walang hindi nahuhulog sa charms ng isang Gino Santos.Isang ngiti ko lang siguradong pati ikaw ay mahuhulog sa akin.

Joyce's POV

Sabado ngayon at mamaya na ako magdidinner sa bahay nila manyak.Haysss.Parang kinakabahan ako.Bwisit yung si Gin ehh.Sa lahat ng babae,ako pa yung dinamay niya sa kalokohan niya -.-

Magdamag lang akong nanonood ng TV hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Nagising na lang ako sa ingay na nanggagaling sa cellphone ko.

Ano ba 'yan! Panira naman ng tulog ohh.

Sinagot ko yung tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino yung caller.Ni-loud speaker mode ko.

"Hello?"sabi ko na medyo naantok pa.

"Joyce?"sabi sa kabilang linya.Si Gin lang pala.

"Bwisit ka talaga! Panira ka ng tulog! Lubayan mo nga ako.I need my beauty sleep"sabi ko at papatayin na nasa ang cellphone ko ng may sinabi pa si Gin.

"Ano ka ba Joyce?! Ngayon na yung dinner.Nakalimutan mo na ba?"Bigla na lang nagising ang diwa ko sa sinabi niya.Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko.

Fudge.4:47pm na.Waaaah!Hindi ko namalayan na napasarap na ako ng tulog.Susunduin ako ni Gin ng 5:30pm.Ilang minuto na lang!

Tumalon ako sa kama ko at dali daling naligo.15 minutes lang ay natapos na ako.Binuksan ko ang closet ko at naghanap ng disenteng masusuot.At after ng 5 minuto,kakahalungkat sa closet ko,nakahanap na ako ng matinong damit.

Black flowery dress siya.Na may maong vest na maliit.Tas nag-Converse na lang ako na black.Ayoko magheels ngayon.Nagmamadali ako ehh.

Naglagay ako ng light make-up.BB cream,foundation,eyeliner at light pink na lipstick lang.Sinuklay suklay ko na lang ang buhok ko at hinayaan na nakaladlad ito.

Sinamahan ko na din ng brown shoulder bag.Tsaka dumiretso sa baba papuntang living room.Binuksan ko na ang pinto at nakita siya pero nakatalikod siya.Umubo ako para makuha ang atensyon niya.Finally,humarap din siya.

Hindi siya nagsalita.Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa.

"May mali ba sa suot ko?"tanong ko.Eh kanina pa siya walang imik ehh.

"W-wala.Ampangit mo pa din.Tara na.Late na tayo"tumango na lang ako.

Bwisit 'tong si Gin.Nag-ayos na nga ako,panget pa rin?! Teka,ba't parang affected ako sa sinabi niya? Bakit mas gusto ko kong i-compliment niya ako na maganda ako? Ano na bang nangyayari sa'yo Joyce?

Gino's POV

Kahit kaylan talaga.Sabi ko na nga ba at malelate yung babaeng yun ehh.10 minutes na akong nakatayo sa tapat ng pinto nila.5:40 na.Malelate na kami.Mahigit 30 minutes pa biyahe papunta doon sa amin ehh.Malayo kasi ang bahay namin sa bahay nila Joyce ehh.

Nakarinig ako ng pag-ubo.Napalingon ako.Nakatalikod kasi ako sa pinto nila.Nakita ko si Joyce.Teka,si Joyce nga ba 'to?Tiningnan A-ang ganda niya.Simple lang ang suot at ayos niya pero ang ganda niya ngayon.

"May mali ba sa suot ko?"tanong niya.Napailing ako.

Fvck.Bakit hindi ko namalayan na kanina ko pa siya tinitingnan?

"W-wala.Ampangit mo pa din.Tara na.Late na tayo"tumango lang siya.Umiwas ako ng tingin at umalis na kami.

Bakit ba ako nagkakaganto?

Officially the Playboy's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon