Kabanata 4

84 13 0
                                    

Nakarating kami sa bahay nila ng tahimik. Hindi na kami tumambay doon sa damuhan gaya ng plano ko dahil malapit na daw magtanghalian at kailangan pa daw tulungan ni Liwayway ang kanyang inay sa paghahanda ng kakainin namin. Medyo nahiya nga ako e. Feeling ko palamunin kaagad ako.

"Saan ko ho ba ito ilalagay, Aling Belinda?" tanong ko habang hawak hawak ang plato na gawa sa kahoy. Sobrang bigat kaya.

Tinuro nya 'yung maliit na lamesa na ngayon ko lang din napansin malapit sa damitan nila. Pumunta ako doon at nilagay lahat ng pinggan.

"Liwayway, nasaan na ang sambat na aking hinihingi?" wika ni Aling Belinda habang nagpapaypay.

Sambat? Ano 'yun?

"Ito na po, Ina." Nakita kong kumuha si Liwayway ng tinidor.

Ang sambat ay tinidor?

Tinawag ko si Liwayway.

"Pst! Liwayway!" lumingon sya sa akin at lumapit.

"Bakit ho, Binibini? May kailangan ho ba kayo?" magalang at nakangiting aniya.

Umiling ako.

"'Yung dinala mo kanina kay Aling Belinda, 'yun ba 'yung sambat?" curious na tanong ko.

Tumango sya.

"Iyon nga ho, Binibini. Nakalimutan nyo rin ho ba ang bagay na iyon?" kunot noong tanong nito.

Umiling ako at pekeng tumawa.

"Hindi," wika ko.

Tumawa din sya at bumalik na sa pagtulong kay Aling Belinda. Kinuha ko ang tinidor na gawa sa kahoy at tiningnan iyon mula harap hanggang likod. Paulit ulit ko 'yong ginawa. Wala naman nagbabago.

"Nandito na kami," dinig kong sabi ng isang lalaki.

Binalik ko ang tinidor sa lamesa at inayos ito. Dalawang lalaki ang pumasok. Agad na tinigil ni Liwayway ang ginagawa nya at nagmano sa lalaking nakasuot ng Kamiso ata 'yon. Tumango naman sa kanya si Agapito, ang kuya nya.

Nakita ko sya kanina noong pumunta kami sa pinagtratrabahuhan nya pero hindi nya ako nakita. Samantalang ngayon ko lang nakita ang tatay nya. Si Mang Aldo.

Pareho silang natigilan nang makita ako. Awkward akong ngumiti at tinaas ang kanang kamay ko para bumati.

"Magandang Tanghali ho. Ako po pala si Esperanza," nagpaikot ikot ang mata ko habang nag iisip ng iba pang sasabihin.

Sabihin ko bang kaibigan ako? Kaanak? Kapuso? Kapamilya? o Ampon at Palamunin?

Tumingin sila kay Aling Belinda na ngayon ay nagsasandok ng ulam. Binigay nya ito kay Liwayway na agad naman nitong kinuha at inilapag sa lamesa. Napaka masunurin talaga ni Liwayway. Napansin ko 'yon sa kanya.

Tumabi sya sa akin. "Huwag kang mag alala, Binibini. Busilak ho ang puso ng aking Ama at Kuya. Huwag ho kayong mangamba na baka paalisin nila kayo rito sa aming tahanan," wika nya.

Hindi na lamang ako umimik at ngumiti.

Akala nya siguro natatakot ako sa kanilang dalawa. Well, kinakabahan naman talaga ako dahil baka singilin nila ako sa kakainin ko. Eh wala akong naman akong kapera pera.

Baka mamaya rin isama pa nila ako sa tunawan ng mga ginto. Ayoko doon. Napakainit! Mas okay kung magtitinda na lang ako or maglilinis nitong buong bahay.

"Siya si Esperanza. Nakita sya ni Liwayway kanina na nahulog sa puno at nawalan ng malay. Nais kong kupkupin muna sya habang wala pang naghahanap na pamilya sa kanya. Hindi kaya ng aking konsensya kung hahayaan natin ang batang iyan na matulog sa kalsada," wika ni Aling Belinda.

Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon