"Alam na niya?"
Nanatili akong nakatalikod sa kanila habang nakahiga sa kama.
Pagkatapos ng usapan namin ni Sir Phoenix o mas magandang sabihin na si Papa ay bigla na lamang akong nawalan ng malay at ngayon lang ulit ako nagising. Wala akong ideya kung sinu sino ang mga taong kausap niya pero nabosesan ko si Mrs. Reyes.
"Oo. Wala akong choice kung hindi ipa alam-" dinig ko sabi ni Papa.
"Sana tinanggi mo!" pagputol ng isang boses mula sa lalaki.
"Hindi ko siya kayang itanggi!" sigaw pabalik ni Papa.
"Phoenix naman! Kaya hindi na tayo matapos tapos dito eh! Tigilan mo na ang pakikialam! Paulit ulit na lang na pumupunta at bumabalik si Esperanza! Parang walang nangyayari! Ni hindi man lang siya makaupo sa trono!"
Anong ibigsabihin nila?
"Anong magagawa ko?! Hindi kaya ng konsensya ko! Kayo?! Kaya nyo ba?!" muling sigaw ni Papa sa kanila.
Hindi ako nakarinig ng kahit isang sagot mula sa kanila.
"Kung hindi ko binuksan ang lagusan at binalik dito si Esperanza, edi sana siya ang masisisi at mapag-
bibintangan ng palasyo! Si Amorsolo na isang taksil at nagtangka sa buhay ng Reyna ay pinagkatiwalaang lubos ng aking anak. Maging si Melicio na kumuha ng korona at nilagay sa bayong na kaniyang daladala ay pinagkatiwalaan ding lubos ng aking Leonila! Ano sa tingin niyo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang ang mga taong pinagkatiwalaan niya ay mga taksil?" aniya.Leonila?
Iyon ba ang pangalan ko? Ako ba si Leonila?
"Hindi mo siya anak! Huwag mo siyang tawaging Leonila!" tinig ng isang babae na tila pamilyar para sa akin.
"Tama na! Huwag kayong magtalo dito!" tinig ulit iyon ng isang lalaki at narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto.
Pinikit ko ang mata ko at nagpanggap na tulog pero agad ding akong nagkamali nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Alam kong gising ka. Hindi mo na kailangang magpanggap," Ani nito.
Humarap ako sa kaniya at bumungad sa akin si Mrs. Reyes. Ngumiti ako rito pero hindi man lang siya ngumiti kahit kaunti. Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha at mariing nakatingin sa akin.
Pumasok na rin ang isang babae at lumapit sa amin. Seryoso niya akong tiningnan.
"Sa pagkakataong ito, walang sinuman ang maaaring makapagbukas ng lagusan at ika'y pabalikin sa hinaharap maliban sa akin," aniya at nanlaki ang mata ni Mrs. Reyes.
"Ikukulong mo siya sa nakaraan? Ngunit hindi iyon ang napagkasunduan-" hindi na siya pinatapos ng babae. Agad na pumitik ang babae at sa isang iglap ay nasa loob na kami ng isang kuwarto na napapalibutan ng mga gamot.
Tiningnan ko iyong babae. "Saan mo ako dinala? At.." napatingin ako sa suot ko. "Bakit nakasuot ako ng baro't saya?" kunot noong tanong ko sa kanila.
"Maya maya ay babalik na rin ang alaala mo at makakalimutan mo ang nangyari sa ospital. Ang napag usapan niyo ni Phoenix, ang tungkol sa kataksilan ni Amorsolo at Melicio. Kailangan mong kalimutan iyon lahat. Patawad Esperanza ngunit kailan mo itong pagdaanan upang kabayaran sa iyong mga kasalanan," aniya at biglang dumilim ang paligid.
Bigla ako napatayo at agad ding napahawak sa tagiliran ko. Kailan pa ako nagkasugat?
Bumukas ang pinto ng silid at isang kahoy na may apoy ang bumungad sa akin. Kasunod nun ay ang dalawang babae. May dalang damit ang isa samantalang tubig naman ang dala dala ng isang babae. Isang kawal naman ang may hawak ng kahoy na may ilaw.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Historical FictionDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...