"Hindi na kayo bata upang maglaro!"
Nakayuko kaming lahat at nakaluhod sa asin habang pinapagalitan ni ama. Pabakik balik sa harapan namin si Ama habang pinapagalitan kami. Nalaman kasi namin na iyong babaeng nabangga ko kanina ay anak ng raha sa Palawan.
"Mabuti na lamang at hindi nagalit ang kaniyang mga magulang! At Ikaw, Esperanza!" tinuro niya ako.
"Anak, malaki ka na. Hindi ka na nararapat maglaro. Dapat ang iyong pinagkaka abalahan ay ang pag aaral ng mga gawain dito sa bahay at pananahi," Nilagyan ulit ni Ina ng aklat ang ulo namin.
"Paumanhin po, ama." nakayuko kong bulong.
"Ama, kanina pa sila nakaluhod riyan sa asin. Baka maging sanhi iyan ng pagkakaroon ng sugat ni Esperanza at ng mga tauhan natin," wika ni Kuya na nakatayo sa gilid ni Ama.
Tama siya. Mag iisang oras na kaming nakaluhod dito. Na guiguilty na rin ako dahil kung hindi ko naman inaya sila Margarita na maglaro, hindi sila mapapahamak. Dinamay ko pa sila sa pagiging isip bata ko.
Sinulyapan ko silang lahat. Kitang kita ang paghihirap sa kanilang mukha. Mas lalo akong naguilty nang makita ang mukha ni Susana. Siya iyong dama na kasama namin kanina. Sa aming lahat ay siya ang pinakabata. 16 lang siya.
Parang maiiyak na siya habang binabalanse ang katawan niya. May tatlo ring aklat na nakalagay sa kaniyang mga kamay at ulo. Makakapal iyon kaya kapag dinagdagan ng isa pang aklat ay mas lalong lumulubog ang mga tuhod namin sa asin. Napakasakit.
"Tama si Theodoro, asawa ko. Kitang kita na ang paghihirap sa kanilang mga mukha. Kanila na ring sinabi kanina na hindi na sila uulit pa. Kaawa ang mga bata. At isa pa, ikaw na mismo ang nagsabi na hindi nagalit ang raha maging ang kaniyang asawa. Itigil mo na ito. Sapat na ang parusa na iyong binigay," mahinahong sabi ni Ina at hinawakan sa braso si ama.
Bumuntong hininga muna si ama bago sumenyas sa mga dama na kunin na ang mga aklat na nakapatong sa aming ulo at kamay. Tinulungan nila kaming tumayo at inalalayan.
"Aw," daing ko nang maramdaman ang sakit ng tuhod ko. Dumikit pa ang ilang asin doon dahil sa sobrang tagal na pagkakaluhod. Nagmistulang honeycomb ang tuhod ko sa dami ng bilog dahil sa asin.
Hinatid nila ako sa kuwarto ko samantalang sa isang silid naman nila dinala sila Margarita at ang iba pa naming kasama. Nang nakaupo ako ay agad nagpasalamat si Ina at lumapit sa amin. Sinimulan ng pahiram ng kung ano ano ng manggagamot ang tuhod ko. May maliit na planggana na gawa sa kahoy at may laman iyong maligamgam na tubig. Kalapit non ay ang isang bao na may laman na mga dahong pinitpit.
Nang matapos na siya ay nilapitan ako ni Ina at hinawakan ang kamay ko. "Anak, kumusta ang iyong kalagayan? Maayos ba ang iyong pakiramdam?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko.
Sa totoo lang sobra sobra akong naninibago. Ibang Iba kasi si Ina kay Mommy.
Si Ina palagi akong inaalala. Maski sa pagkain chinecheck nya talaga kung kumakain ba ako ng tama. Minsan pa nga siya mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Tuwing gabi ay sinusuklay niya ang buhok ko at kinukuwentuhan ako o kaya naman ay kinakantahan.
Kahit nga nakakabasag ako o may mali akong nagawa, mahinahon niya akong tinatanong at iniintindi. Hindi niya ako kaagad hinuhusgahan hanggat hindi niya alam kung bakit ko 'yon nasabi or nagawa. Napaka understanding niyang nanay. Siya iyong nanay na pangarap ng lahat.
Kabaligtaran ni Mommy. Si Mommy palaging busy, walang time sa'kin at palaging naka focus sa trabaho. Hindi niya ako naipapagluto. Hindi niya ako kinakamusta. Parang wala siyang pakialam sa akin. Palagi ring galit kahit wala naman akong ginagawa. Sa'kin lagi ang sisi niya sa tuwing may nangyayari na hindi maganda. Magkaibang magkaiba sila.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Historical FictionDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...