Kabanata 19

25 2 0
                                    

Ginala nila ako dito sa bahay nila, o mas maganda kung tatawagin kong mansyon. Mangha mangha ako kanina sa harap at loob ng bahay nila pero mas hindi ko ineexpect na mas mamamangha ako sa likod ng mansyon.

Merong limang magkakahanay na archery target. Nakita kong naglalaro doon iyong lalaki na kasama namin na ang pangalan ay Amorsolo. Anak siya ng kaibigan ni Ama. Kasama niya ang isa pang lalaki na nagkakain ng saging. Tahimik siyang nanonood kay Amorsolo na naglalaro.

Umayos siya ng tayo at tinaas ang archery bow, nakalagay na doon ang arrow. Hinila na niya ang string at pagkatapos ay binitawan ito.

Hindi iyon tumama.

Lumampas ito at sa halip na tumama sa archery target ay ang tinamaan nito ay ang puno na kalapit nito. Humagalpak ng tawa iyong lalaking isa at umubo ng malunok niya ang saging. Pinalo niya pa ang kaniyang dibdib dahil nahihirapan siya sa paghinga.

Naiinis siyang tiningnan ni Amorsolo.

"Huwag mo akong pagtawanan, Melicio. Kung nais mong matuto, dapat ay marunong ka ring tumanggap ng pagkabigo." wika ni Amorsolo pero mas lalo lang lumakas ang tawa ng kausap niya na tinawag niyang Melicio na nakarecover na sa nangyari kanina.

"Kaibigan, iyong nasabi sa mahal na datu na kaya mong bantayan ang Binibining Esperanza at si Theodoro. Paano mo sila maproprotektahan kung maski pagpana ay hindi mo magawa?" mapang asar niyang tanong.

"Nasabi din sa akin ni Ama na wala ka raw ibang ginawa kundi ang matulog noong inyong kinaon ang Binibini," dagdag pa niya at tumayo.

Kinuha niya kay Amorsolo ang archery bow. Tiningnan niya si Amorsolo at ngumisi.

"Manuod ka, kaibigan." aniya at kumuha ng isang palaso.

Ginawa niya ang ginawa kanina ni Amorsolo. Hinila niya ang string nito at pagkatapos ay binitawan.

"Wow," mangha kong bulong nang tumama ito sa mismong gitna. Nasa gitna talaga siya! Hindi ko na napigilan na pumalakpak.

"Ang galing!" mangha at may kalakasan kong sabi kaya napalingon sila pareho sa direksyon ko.

Lumapit ako sa kanila at pareho silang natigilan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtitinginan nilang dalawa. Sinagi ni Amorsolo si Melicio at pareho silang bumati sa akin.

"Magandang umaga, Binibini." sabay nilang bati.

Nakatungo lang si Melicio at hindi makatingin sa akin. Kabaligtaran naman niya si Amorsolo na malaki at malawak ang ngiti sa akin. Nakikita ang bungi niya sa gitna ng kaniyang ngipin. Ang uri ng kaniyang pag ngiti ay gummy smile. Kita ang gilagid ngunit kahit ganon ay bumagay sa kaniya.

"Anong aming maipaglilingkod sa inyo, Binibini?" magalang at galak na tanong nito.

"Ah, wala. Maglaro na lamang kayo diyan. Napadaan lamang ako sapagkat wala akong magawa sa loob." wika ko at ngumiti.

Sinuklian din niya ako ng ngiti.

"O siya. Ako'y magtutungo na sa loob. Pasensiya na sa abala," pagpapaalam ko.

"Wala iyon, Binibini. Kailanman ay hindi ka naging abala sa amin. Hindi ba, Melicio?" bahagya niyang sinagi si Melicio na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin at hindi makatingin sa akin.

"A-ah siyang tunay, kaibigan." aniya at pasimpleng sumulyap sa akin kaya nginitian ko siya.

"Esperanza?" bumaling ako sa likod ko dahil narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kuya.

"Nandito ako. Ano iyon?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay agad siyang lumingon sa direksyon ko at nilapitan din ako.

Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon