Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakalutang ako. Puro black ang paligid ko. Sinubukan kong magsalita pero walang nangyayari. Hindi ko rin magalaw ang katawan ko at parang nanghihina ako.
Narinig ko bigla ang tunog na kagaya ng kamay ng orasan na mabilis na gumagalaw.
Kumunot ang noo ko.
Bakit parang napunta na ako sa gantong sitwasyon? Bakit pakiramdam ko familiar 'to? Nangyari na ba 'to?
Paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko ang isang malaking pictures na gumagalaw. Makaluma ang style nila. Mula sa mga taong nakasuot ng facemask, mga taong nakasuot ng pantalon, hanggang napunta ito sa mga taong nakasuot ng baro't saya.
Dinig na dinig ko ang pagtigil ng tunog ng kamay ng orasan. Nang tumigil ito ay nanlaki ang mata ko nang maramdaman na nalalaglag ako. Pumikit ako at nagbakasakaling pagmulat ko ay nasa school na ulit ako pero walang nangyari. Nahuhulog pa rin ako at sa wakas ay nakita ko asul na langit. Bumagsak ako at nag shoot ang aking katawan sa isang hukay.
Nakarinig ako ng mga yapak. Sigurado akong papunta sila sa'kin ngayon. Apat na ulo ang sumilip sa akin. Lahat sila ay mga moreno at may mga tattoo ang kanilang mga katawan. Nilahad ng isa ang kaniyang kamay kaya kinuha ko ito. Tinulungan nila akong umakyat at makaalis sa hukay na pinagbaksakan ko.
Pinagpagan ko ang- eh? Nakasuot ako ng kulay maroon na baro't saya. Ang huli kong pagkakaalam ay nakasuot ako ng school uniform namin. Paanong nangyari na nakasuot na ako nito? Kumamot ako sa ulo ko at bumaling sa kanila para sana magtanong ngunit namula ang buong mukha ko nang makita ang kabuoan nila.
Nakasuot lang sila ng isang kulay pulang tela na tumataklob sa 'you know' nila. Malalaki ang kanilang katawan at puro tattoo. May hawak silang stick na may patusok sa dulo.
"Maayos ba iyong kalagayan, Binibini?" tanong ng nasa gitna.
Matangkad, puro tattoo, malaki ang katawan at moreno. Ang kaniyang kulot na buhok ay hanggang leeg niya. Itim na mata, makapal na kilay, katamtamang ilong at mapupulang labi.
Tumango ako. "Ano nga palang lugar ito?" tanong ko habang nakahawak sa siko ko.
Ito kasi ang napuruhan noong nalaglag ako. May naaninag akong apat na lalaki at isang babae na papalapit.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang itsura ng babae. Tinuro ko ang dibdib nito at napatakip sa bibig.
"Hala teh! Kita babies mo!" sigaw ko rito.
Pulang tela na may mga disenyo na may iba't ibang kulay rin ang suot niya sa pambaba para matakluban ang kaniyang 'you know'. May suot siyang makukulay na kwintas, bracelet, at kwintas ulit na nakatali sa leeg tapos nakasuot rin siya ng headband na makulay. May suot siyang malaking hikaw na gawa sa kahoy. Itim ang kaniyang mata, makapal na kilay, katamtamang ilong, at mapupulang labi. Puro tattoo din kaniyang katawan gaya mga lalaking kasama niya at ng mga lalaking nakakita sa akin kanina.
Nang makita siya ng mga lalaki ay sabay sabay nilang tinuktok sa sahig ang mga stick na hawak nila at yumuko. Nanlaki at namula ang buong mukha ko nang yumuko sila. Umiwas ako ng tingin at tatlong beses lumunok. Jusme! Kita ko ang pisngi nila!
Umubo ubo pa ako at tumalikod pero agad ding napaharap at napahawak sa aking puwetan at sa aking dibdib. Hubad din ba ako sa paningin nila? Hala! Kita din ba nila ang...? Umiling ako at humawak sa ulo ko.
"Nakasuot ako ng baro't saya. Hindi ako hubad. Nakasuot ako ng baro't saya. Hindi ako hubad." paulit ulit ko iyong binanggit habang palakad lakad. Natigilan lang ako nang magsalita ang babae.
"Saan ka nanunuluyan? Ikaw ba'y nasaktan?" tanong niya.
Iniwas ko ang mata ko para hindi ko matingnan ang dibdib niya. "Ah. Kaya ko na pong umuwi sa bahay namin. Atsaka, malapit lang siguro dito ang school ko. Salamat po. Alis na 'ko." wika ko at akmang aalis pero sumenyas ang lalaki na katabi niya at biglang tinutok sa akin ng mga lalaki ang kanilang mga armas.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Historical FictionDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...