Mabilis lang ang pagdaan ng araw. Ngayon araw na ang araw na pinagtalunan noon nila ama at ng mga lalaki. Ngayong araw na gaganapin ang paghahanap sa susunod na reyna ng Pilipinas.
Pinaliwanag iyon sa akin ni Ina kagabi. Kapag tumanda na raw ang taong nakaupo trono ay kailangan na nilang mamili sa kanilang mga anak na lalaki. Lalaki raw ang nararapat na umupo upang maipasa ang kanilang apelyido at manatili ang kanilang angkan na namumuno sa bansa.
Pumupunta daw sa gubat ang mga prinsipe. Pagkatapos ay hinahanap nila ang diwata na mag iiwan ng marka sa kanilang katawan tanda na sila ang pinili at nakatakdang maging hari.
Sa mga babae naman, wala raw nakaka alam kung paano sila pumili ng reyna. Basta tinatanong lang daw sila or pinagawa ng kung ano ano. Tapos after non, ia-announce nila sa mamamayan kung sino ang napili.
"Alin ang iyong nais? Itong asul? O itong pula?" tanong ni Ina at itinaas ang baro't saya na kulay pula at asul.
Siya ang gumising sa akin kanina. Kasama niya ang dalawang dama at tumutulong sa pag aayos sa akin. Mas mukha pa nga silang excited kaysa sa akin.
"Hmm, nais kong suotin iyong puti." turo ko sa puting baro't saya.
Kaparehong kapareho kasi nito iyong baro't saya na sinuot ko noong Buwan ng Wika.
Nilingon iyon ni Ina.
"Ito?" Turo niya at tumango ako.
Nilapag niya sa kama ko ang baro't saya na hawak niya kanina at kinuha iyon.
"Maganda nga ito, anak. Bagay na bagay sa iyo." nakangiti wika niya at binigay sa akin iyon.
Tinanggap ko ito at pumasok sa Cr. Sinuot ko iyon at lumabas. Nakita kong abala si Ina at ang dalawang dama na nag aayos ng mga payneta at mga alahas.
"Ano sa iyong palagay ang babagay sa kaniya? Ito bang pilak o itong ginto?" gahol na tanong ni Ina.
Natawa ako. Nanginginig pa kase ang kamay niya habang inaayos ang mga alahas. Halatang kinakabahan siya.
"Kahit ano po ay bagay kay Binibining Esperanza. Pinagkalooban siya ng napakarikit na mukha kung kaya't kahit ano ang kaniyang isuot ay tiyak na babagay sa kaniya," wika ni Manuelita.
Tumigil sila sa pag uusap nang makita ako. Lahat sila ay ngumiti sa akin at pinanood akong lumapit. Nahihiya akong lumapit sa kanila.
"Bagay po ba?" tanong ko. Baka kasi hindi bagay sa'kin.
Sabay sabay silang tumango at sumagot.
"Bagay na bagay!" sabay sabay nilang sabi kaya nagtawanan kami.
Tatlo silang nag ayos sa akin. Hindi sila makapag hintay at excited na excited. Kuwentuhan rin sila ng kuwentuhan kung ano daw ang mangyayari kung sakaling akin ang mapili.
Pagkatapos namin ay lumabas na kami. Lahat sila ay masasaya at pinapalakas ang loob ko. Daig ko pa ang lalaban sa miss universe sa sobrang daming bati at pampalakas ng loob na mga salita na natanggap ko sa mga tao. Nakatanggap rin ako ng mga bulaklak galing sa mga bata.
"Galingan niyo po, ate!" galak na wika ng isang babae.
Umupo ako para magpantay ang mukha namin. "Siyempre naman. Gagalingan ko para sa inyo." Wika ko.
Tuwang tuwa silang nagsitakbuhan papunta sa kanilang mga magulang. Napangiti ako.
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Wala akong ideya sa mga bagay na ipapagawa sa loob ng palasyo. Ang mga babaeng kalahok lang ang maaaring pumasok sa loob ng palasyo. Maging ang kanilang pamila ay hindi puwedeng pumasok. Maaari lamang silang pumasok kapag tapos na at ia-announce na ang napili at susunod na reyna.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Ficción históricaDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...