Kabanata 28

15 2 0
                                    

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag na naggagaling sa ilaw na nasa aking taas. Naririnig ko ang mga ingay sa aking paligid. Nasaan ba ako?

Nang mapunta kay Rhia ang tingin ko ay agad nanlaki ang kaniyang mata at patakbong lumapit sa akin.

"Liz!" sigaw niya.

Naagaw niya ang atensyon ni Zaya at Khian na ngayon ay mukhang nagtatalo sa gilid. Nandito rin sila?

"Anong nangyari sa akin, Rhia?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

Umupo siya sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko. Lumapit na rin sila Zaya at Khian sa kama na hinihigaan ko.

"Nalaglag ka sa puno tapos nawalan ka ng malay," panimula niya.

Inalala kong mabuti ang sinabi niya hanggang sa naalala ko ang lahat. May batang nanghingi ng tulong sa akin para abutin ang shuttlecock na sumabit sa puno. Kinuha ko iyon pero nabali ang sanga na tinatapakan ko kaya nalaglag ako at nawalan ng malay.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. Parang pinupukpok ng martilyo.

"Dinala ka namin dito sa hospital dahil mukhang napalakas ang bagsak mo," wika niya at inayos ang buhok ko na gulo gulo. "Dapat kasi nag iingat ka. Hindi mo na dapat tinulungan 'yung bata. Ayan tuloy ikaw ang nadisgrasya." dagdag pa niya.

Hindi ko siya pinansin at pinikit na lang ang mata ko. Habang nakapikit ay may kung ano anong mga larawan akong nakita. Isla, espada, dugo, punong nababulatan ng mga nagliligparan na alitaptap, lalaking may hawak ng lampara sa tabi ng ilog, magkasintahang magkayakap sa ilalim ng ulan at ang huli, ang koronang nababalutan ng dugo.

Napunta sa bumukas na pinto ang atensyon namin. Pumasok doon ang isang lalaki na puno ng pawis at naghihingalo. Napunta sa akin ang tingin niya at bahagyang kumunot ang noo. Lalapitan niya sana ako pero hinarang siya ni Khian.

"Who are you?" tanong niya rito.

"Kailangan ko siyang makausap," wika ng lalaki at tiningnan ako. Bakas sa mukha niya ang pag aalala at takot.

"Sino ba 'yan?" nag angat ako ng tingin kay Rhia. Bumaling din siya sa akin.

"Kilala mo ba 'yang lalaking 'yan?" tanong niya.

Tiningnan ko ng mabuti iyong lalaki. Parang kilala ko siya. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

Umiling ako. "Hindi," sagot ko.

Lumapit na rin si Rhia doon sa lalaking nagpupumilit na lapitan ako. Nagpapalitan sila ng mga salita pero hindi ko na iyon marinig dahil halos bumubulong lang sila. Sa huli ay nagkusa ng lumabas iyong lalaki. Pero bago siya tuluyang umalis ay tiningnan niya ako sa mata at nakikiusap ang uri ng tingin niya.

"Maling kuwarto daw ang napasukan," wika ni Rhia habang papalapit sa akin pero nanatili ang tingin ko sa pintong pinaglabasan nung lalaki.

Sino kaya siya? Hindi ako naniniwala na aksidente lang niyang napasukan itong kuwarto ko.

"Lalabas na kami. Magpahinga ka diyan ha? Si Khian muna ang magbabantay sa 'yo habang hindi pa kami nakakabalik ni Zaya," nakangiting sabi ni Rhia at naghanda na sa pag alis.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Lumabas na siya ng kuwarto kasunod si Zaya. Sumenyas naman si Khian na sasagutin niya muna ang tawag sa phone niya. Pagkalabas nilang tatlo ay naiwan akong mag isa sa loob ng kuwarto. Tahimik ang paligid at wala kang maririnig na kahit anumang ingay.

Habang iniintay sila ay umayos ako ng higa hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Madilim ang paligid at halos wala akong makita. Nasa gubat ako at tanging usok lang ang nakikita ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay na nagagawa ng pagtapak ko sa mga dahon na nagkalat sa lapag.

Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon