Kabanata 14

45 3 0
                                    

Sa sobrang pagod ko kaiiyak ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa braso niya. Nagmulat ako ng mata at nag angat ng tingin kay Philip. Mahimibing ang tulog niya at nakapatong ang kaniyang ulo sa ulo ko habang yakap yakap ako.

Nilibot ko ang tingin ko at nakitang nandito pa rin kami. Napansin ko din na hindi na umuulan pero medyo madilim ang paligid. Siguro ay dahil maulan kanina. Mahina kong tinapik ang malambot niyang pisngi.

Paano ako nakatulog sa ganitong posisyon? At Isa pa, lalaki siya! Oh my god!

Inayos ko ang buhok ko.

Bakit kumportable ako sa kaniya?

"Philip..." tawag ko.

"Hmm?"

Iyon lang ang sinabi niya at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. Tinawag ko siya ulit.

"Philip, gising na." pag gising ko sa kaniya. Nakaulit ako ng limang beses bago siya nagising.

Nang magising siya ay nilibot niya muna ang paningin niya sa paligid at nang mapatingin sa akin ay ngumiti siya.

"Hi," bati niya.

Mukhang nananaginip pa rin siya.

Nang mapansin niya na nakayakap siya sa akin ay nanlaki ang mata niya at agad na kumalas sa pagkakayakap.

"Oh. I'm sorry." wika niya at napakamot sa ulo.

"Hindi ko alam na nakayakap na pala ako sa'yo. I'm just trying to comfort you. Wala ng iba. Hindi kita binabastos," napakamot siya sa kilay niya.

"I hope hindi kita nabastos," bulong niya.

Tumango lang ako at nanlaki ang mata ng makita ng oras.

"Alas sais na?!" malalaki ang mata ko habang nakatingin dito. Kaya pala madilim na ang paligid!

Agad kong kinuha ang phone ko pero napangiwi ng maaalang low battery nga pala ito. Bumaling ako sa kaniya at nilahad ang palad ko. Kumunot ang noo niya at inosenteng tumingin sa akin.

"Ha?"

Umayos ako ng umupo at tinuro ang cellphone niya na nakapatong.

"Pahiram. Tatawagan ko si Rhia." sabi ko.

Madali niya itong binigay sa akin. Binuksan ko ito at bumaling ulit sa kaniya para hingin ang Pin code.

"0629," usal niya.

"0629? Your birthday?" tanong ko at tinype iyon.

"Nope. Actually, Hindi siya related sa akin. Pero I have this feeling that June 29 is a very special date for me." aniya at nilingon ako.

Nagkibit balikat na lang ako. Wala rin namang special sa June 29. Just a normal day for me.

Sinubukan kong contact-in si Rhia at Kuya pero cannot be reach. Sinubukan ko ulit pero wala talaga.

"Bakit ang hina ng signal?!" singhal ko at tinaas ang phone para humanap ng area na may malakas na signal pero wala talaga.

"Okay ka na?" tanong niya.

Munti akong ngumiti sa kaniya at tumango. Binalik ko na sa kaniya 'yung phone niya dahil hindi ko rin naman sila macontact.

"Yeah. Salamat nga pala at pasensya na sa istorbo," pagpapasalamat ko.

"Hindi mo naman ako naistorbo. Hindi ka istorbo para sa'kin." ngumiti siya.

"You can call me if you need someone to talk to. I'm always free," dagdag pa niya.

Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon