Nilapag ko ang mga gamit ko at pagkatapos ay binuksan ang bintana para langhapin ang hangin.
Hayyy. Namiss ko din itong bahay.
Lumingon ako nang may kumatok.
Nilingon ko si Rosita at ngumiti sa kaniya. Bakas rin sa mukha niya na masaya siyang makita akong muli.
"Binibini!" puno ng sigla niyang bati.
Natawa ako at lumapit sa kaniya para yumakap.
"Namiss kita. Kumusta?" tanong ko rito.
Kumunot pa ang noo niya ng kaunti pero agad ding ngumiti.
"Ayos lamang ho ang aking kalagayan, Binibini. Kayo nga ho ang dapat kong tanungin ng bagay na iyan. Kumusta na ho kayo? Aming nabalitaan ang nangyari sa palasyo at lubos kaming nag alala para sa inyo, Binibini." puno ng sinseridad niyang sabi.
"Ayos lamang ako. Hindi naman nila ako pinabayaan sa palasyo. Huwag na kayong mag alala," nakangiti kong sabi sa kaniya.
Ngumiti din sa akin pabalik.
"Ah! Akin rin ho palang nabalitaan na sa susunod na linggo na ho ang inyong pag iisang dibdib ng pangalawang prinsipe," tumango ako sa kaniya.
"Masaya ho ako para sa inyo!" nakangiti niyang sabi.
"Mabuti na lamang at hindi iyong lalaking lagi n'yong pinupuntahan sa ilog ang inyong mapapangasawa. Lagi lamang niya kayong pinag iintay doon at hindi naman siya dumadating," bulong niya.
Kumunot ang noo ko.
Lalaking hinihintay ko sa ilog?
"Rosita..." tawag ko sa kaniya.
Nilingon niya ako. "Po?"
"Anong iyong ibigsabihin?"
"Po?" taka niyang tanong.
"Iyong lalaki sa ilog na binanggit mo kanina," wika ko.
Nanlaki ang mata niya at pinalo ang bibig. Nataranta siya at lumuhod sa harap ko. Bakas pa rin ang pagkataranta sa mukha niya.
"Patawad ho, Binibini. Aking nakaligtaan na sinabi niyong huwag na huwag ko na siyang babanggitin hanggang kamatayan. Patawad ho, Binibini. Patawadin niyo ho ako sa aking pagkakamali," dire diretso niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. May hinihintay ako sa ilog na lalaki? Napuno ako ng curiosity. Sino naman kaya itong lalaking hinihintay ko daw sa ilog?
"Maari mo ba akong dalhin sa ilog na iyon?" sabi ko kay Rosita.
Napakagat siya sa labi niya.
"Ngunit, Binibini...." huminga siya ng malalim. "Delikado ho. Atsaka isa pa, para saan pa ho ang pagdalaw niyo sa ilog na iyon? Ikakasal na ho kayo kung kaya't hindi na ho iyon importante," Aniya.
Tiningnan ko siya at hinawakan sa magkabila niyang balikat
"May kailangan akong malaman. Pakiusap, Rosita. Nakikiusap ako sa iyo," pagpipilit ko.
Tiningnan niya ako at bumuntong hininga.
"SIGURADO ho ba talaga kayo?" pangatlong ulit na tanong ni Rosita.
Muli akong tumango.
Nakasakay kaming pareho sa kabayo at ako ang nagpapatakbo nito. Marunong naman na ako dahil nag training ako sa isla. Nasa likod ko siya at nakakapit lang sa bewang ko.
Hindi ko din alam pero iba ang pakiramdam ko. Malapit na kami at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kumakabog ng sobra ang dibdib ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang may mangyayaring hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Ficción históricaDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...