Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa may nakita akong isang kubo 'di kalayuan. Dali dali akong pumunta at pumasok doon.
Hinihingal na sumandal ako sa likod ng pinto. Sinilip ko sa bintana kung nandon pa ba 'yung mga hayop at nakitang nag foform sila ng circle sa gitna at may sindi ng ilaw sa paligid. Para bang gumagawa sila ng ritwal.
Paglingon ko sa harap ko ay agad kong tinakpan ang bibig ko at pinigilan ang paghinga. May lalaki sa harap ko na nakaluwa ang isang eyeball at ang isa naman ay puti lamang at walang pupil ang kaniyang mata.
May hawak siyang itak at mukhang hinahanap kung nasaan ang taong pumasok sa bahay niya. Pagtingin ko sa likod niya ay nanlaki ang mata ko nang makita ang isang ginintuang orasan.
'Yung orasan! Nahanap ko na!
Pero paano naman ako makakapunta doon kung may nilalang sa harap ko? Itutulak ko ba siya? Hindi na ako makahinga.
Kahit natatakpan ng palad ko ang bibig ko ay binuka ko ang bibig ko ng kaunti para sana lumanghap ng hangin ngunit agad akong binalot ng takot ng bigla niyang ibaon sa gilid ko ang itak na hawak niya.
Kung tumama iyon sa akin ay pwedeng pwede akong mamamatay!
Dahan dahan niya itong ginalaw sa gilid ko kaya yumuko ako pero hindi ko napansin na may pako pala doon at natapakan ko iyon.
Aray!
Gusto kong maiyak sa sobrang sakit.
Impit akong napasigaw at humawak sa paa kong ngayon ay tumutulo ang dugo. Lumingon sa akin ang lalaki at biglang dumila. Pigil ang hininga ko habang gumagapang ang mahaba niyang dila sa sahig at hinihimod ang mga dugong tumutulo.Pagtingin ko sa kaniya ay nakangisi na siya. Napaatras ako ng biglang tumagilid ang mukha niya. Hanggang sa bumaliktad ito at nagpaikot ikot.
Shuta anong ulo 'yan? Roller coaster?
Nagsimula s'yang lumakad papunta sa akin kaya iika ika akong pumunta kung saan nakapatong ang orasan. Hinawakan ko ito pero walang nangyayari. Palapit na ng palapit sa akin 'yung lalaki pero kahit anong pilit kong pukpok sa orasan ay hindi ito sumasabog.
"Liz!"
Hinanap ko ang boses na 'yon at napasigaw ng mapaso ako. Pag tingin ko sa ginintuang orasan ay unti unti na itong nag aapoy hanggang sa sumabog na ito.
"Are you okay?!"
Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Kuya. Naka suot siya ng apron at mukhang tatawagin sana ako para kumain.
Hinawakan ko ang mukha ko na ngayon ay basang basa ng pawis. Humawak din ako sa puso ko na ngayon ay sobrang bilis ng tibok.
What the heck did just happened?
Kinuwento ko kay Kuya ang napaginipan ko. Sinabi niya sa akin na baka daw kaya binangungot ako ay dahil nakalimutan kong magdasal.
Pagkatapos non ay kumain na kami. Siya na din ang nagligpit at hinayaan akong magpahinga.
"Sigurado ka bang ayaw mong dito ako matulog? Baka mamaya masama na naman ang mapaginipan mo," wika ni Kuya.
Tumango ako kay Kuya. "Oo, promise, Kuya!" nakangiti kong sabi.
Nagpresinta kasi siya na sa sofa daw siya matutulog para mabantayan niya ako. Baka daw masama na naman ang mapaginipan ko at hindi niya ako magising.
Lumabas na siya pero natawa ako dahil wala pang isang segundo ay sumilip na naman siya at nagtanong ulit.
"Sure ka? 100% sure?" aniya.
Natatawa akong tumango. "Oo nga. Ang kulit mo, Kuya!" asar na sabi ko.
Ngumiti siya at sinara na ulit ang pinto. Mukhang matutulog na siya.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Historical FictionDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...