Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita o nagkausap pa. Bukod sa nakakahiya lalo na at nagdrama ako sa kaniya noong gabing 'yon, naging busy din ako sa paghahanda para sa darating na Buwan ng Wika.
Nakaharap ako ngayon sa isang full body na salamin at pinagmamasdan ang kabuuan ko. Nakausot ako ng puting baro't saya na may mga pilak sa gilid.
Umikot ikot ako ng kaunti at napatango sa babae na katabi ng salamin at pinagmamasdan din ako. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Nagustuhan ko po," nakangiti kong sabi.
Mukha siyang nakahinga ng maluwag at malaki ang ngiti na lumabas para tawagin si Kuya na nasa labas at nag iintay. Nang makapasok siya ay sandali siyang natigilan at kumunot ang noo na para bang may naalala.
"Sir?" Pagpukaw ni Ate sa atensyon niya.
Bumalik siya sa sarili niya at ngumiti sakin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago tumango tango.
"Ang ganda. Bagay sayo. Mukha kang nawawalang prinsesa," biro niya kaya pareho kaming natawa pati na rin si Ate girl.
"Tapos ano? Mahahanap ako ng isang prinsipe at ipapakasal niyo ako sa kaniya?" nawala ang ngiti ko ng biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya at tumitig sa akin na para bang may inaalala siya.
"Kuya, joke lang 'yon." depensa ko.
"Yeah. Of course." tumango siya at tinapik sa balikat si Ate girl na nasa gilid niya.
"We'll take it. Just send it tonight or tomorrow before 7:30 am." aniya at lumabas.
"Okay po, sir." iyon lang ang sinagot ni Ate girl at tinulungan akong magpalit. Pagkatapos ay nagbihis ako ng school uniform at lumabas. Nakita ko si Kuya na nakatitig sa sahig at mukhang sobrang lalim ng iniisip. Bahagyang nakakunot ang noo niya at bumubuntong hininga pa.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya. Nag angat siya ng tingin at ngumiti. "Tapos na?" tanong niya na para bang walang nangyari. Tumango ako. Tumayo siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Saktong pabukas niya ng pinto ay may isang lalaking kapapasok. Nagtama ang paningin namin at nakita ko kung paano umawang ang labi niya. Natigilan siya at sandali akong pinagmasdan.
Parang familiar siya.
Bahagyang tumagilid ang ulo niya. Magsasalita sana siya pero may tumulak sa kaniya mula sa labas.
"Kuya bakit ba tumigil ka? Nakakahiya sa naghahawak ng pinto. Bakit ba ayaw mong pumaso-" Isang lalaki ang pilit na tinutulak siya at pinapapasok.
Nanlaki ang mata ko at umawang ang labi nang magtama ang paningin namin ni Philip.
Natigilan rin siya.
"Bro, familiar siya 'diba?" tanong ng lalaki sa kaniya at sinagi siya. Natauhan si Philip at tumango.
"Kilala ko siya, Kuya. Crush ko nga e." wala sa sarili niyang sabi.
"What?!" gulantang na tanong ni Kuya at binitawan ang pinto dahilan para maipit ang dalawa dahil wala pa sa loob ang buong katawan nila.
Pareho silang napasigaw. Dali dali namin silang tinulungan ni Kuya. Lumapit na rin sa amin ang ibang staff para tumulong. Dumadaing ang dalawa habang inaalalayan namin silang umupo sa sofa.
"Oh shit! I'm really sorry. I-i didn't meant to hurt you guys. I was just shocked on what you said earlier," paghingi ng paumanhin ni Kuya sa dalawa.
Lumapit ako at hinawakan sa may braso si Philip. "Are you okay? Sobrang sakit ba?" nag aalala kong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Historical FictionDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...