Kabanata 24

14 2 0
                                    

Dahil hindi ako marunong magpatakbo ng kabayo ay sinakay nila ako sa kalesa. Nakalimutan rin daw nila na hindi nga pala ako marunong magpatakbo ng kabayo kung kaya't sinakay na lamang nila ako sa kalesa at binalik sa kulungan ang kabayo na dapat sana ay gagamitin ko.

"Gusto mo?" pag aalok sa'kin ni Melicio ng saging.

Napansin ko na sobrang hilig niya sa saging. Araw araw ata siyang kumakain nito. Sa tuwing nakikita ko siya ay may dala siya o kaya naman ay may kinakain na saging.

Umiling ako at tinaas ang pagkain na hinanda para sa akin in Ina. "Pinadalhan ako ng pagkain ni Ina ngunit salamat pa rin sa pag aalok." wika ko at ngumiti.

Ngumiti rin siya pabalik at nagpatuloy sa pagbabalat ng ikatatlong saging.

Mahaba haba na ring oras ang dumaan simula nang umalis kami sa bahay namin. Ngayon ay nasa gubat kami at napapalibutan ang kalesang sinasakyan ko ng mga kawal na galing sa palasyo at mga kawal na pinadala ng aking ama.

Nalaman kong 'yung mga kawal pala na may dragon ang suot na pandigma ay mga kawal ng palasyo. Iyon ang pinaka palatandaan nila bilang mga kawal ng palasyo. Samantalang ang mga kawal naman na mula sa lugar namin ay plain black lang.

Nagtaka kami dahil biglang tumigil ang kalesa.

"Anong nangyayari?" tanong ko pero hindi ako sinagot ni Melicio.

Bakit bigla kaming tumigil? Nandito na ba kami? Pero imposible. Nasa gubat pa lang kami.

Napasigaw ako habang napayuko naman si Melicio at ang isang kawal na kasama namin sa loob nang makarinig kami ng biglang pagsabog. Sinilip ko ang labas at nakitang nagkakagulo sila.

May gustong sumugod sa amin!

Biglang bumaba sila Kuya at si Pilipi. Sabay nilang hinugot ang kanilang mga espada. Nakasunod sa kanila ang ilang kawal na may hawak na ring espada at handa ng lumaban.

"Protektahan ang Prinsesa!" sigaw ng punong kawal at pinalibutan ng maraming kawal ang kalesang sinasakyan ko.

Sinubukan kong tumayo pero agad akong pinigilan ni Melicio. "Dumito ka lamang, pakiusap. Baka ika'y mapahawak, binibini." aniya at umiling sa akin.

Pero nag aalala ako para kila kuya at kila Pilipi! Paano kung masaktan o masugatan sila? O worse, mamatay sila?!

"Ngunit-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may lumusot na espada sa gilid ko at muntikan na akong masaksak sa mukha.

Nanlaki ang mata naming lahat. Agad tumalon si Melicio sa labas na sinundan din nung kawal na kasama namin. Naiwan akong mag isa sa loob at hindi alam ang gagawin.

Ang naririnig ko lamang ay mga sigawan, mga tunog ng espada at mga pagsabog sa paligid. Tinakpan ko ang tainga ko para hindi iyon marinig. Pinikit ko ang mata ko at pinakalma ang sarili ko. Nanginginig na ang buong sistema ko.

"Binibini." dinig kong tawag ni Amorsolo kaya minulat ko ang mata ko.

Tumango siya sa akin at nilahad ang palad niya. May bahid siya ng dugo sa kaniyang mukha at hinihingal. Pawis pawisan rin ang kaniyang mukha at basa ang kaniyang may kahabaang buhok.

Tinanggap ko ang kamay niya at lumabas sa kalesa. Bumugad sa akin ang likod ng maraming lalaki. Nakapalibot silang lahat sa akin at sa tingin ko ay nasa sampu ang bilang nila.

Sa tuwing may nagtatangkang lumapit sa akin ay hindi sila nagdadalawang isip na saksakin at patayin sila. Prinotektahan nila ako hanggang sa mapunta kami sa isang sulok sa gubat.

Nakita ko ang isang kabayo roon at si kuya na kausap si Pilipi.

"Theodoro!" tawag sa kaniya ni Amorsolo at agad lumingon sa amin si kuya.

Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon