Sa buhay nyo, naramdaman niyo na ba 'yung pakiramdam na gusto niyo 'yung isang bagay pero at the same time ayaw niyo?
Ang gulo 'diba? Ganito kasi 'yung nararamdaman ko ngayon. May parte sa sarili ko na gustong maging reyna pero meron ding parte sa sarili ko na tutol at ayaw maging reyna.
"Nandito ka lamang pala, Binibini. Kanina ka pa ho hinahanap ng inyong Ina." wika ni Rosita nang mahanap niya ako.
Nagkakasiyahan silang lahat sa loob ng bahay namin at nag cecelebrate. Pagkadating namin kanina ay lahat sila ay binabati ako at tuwang tuwa. Ang iba pa nga ay umiiyak sa sobrang saya.
Pagkatapos ng mga sinabi nung lalaki ay nawalan na ako ng gana kaya umuwi agad kami nila Ina dahil sinabi kong hindi maganda ang pakiramdam ko.
Hindi ko nilingon si Rosita at patuloy na pinagmasdan ang ilog na ngayon ay kita ang reflection ng maliwanag at bilog na bilog na buwan.
Naramdaman kong tumayo siya sa gilid ko. "Hindi ka ho ba masaya na ikaw ang kokoranahan na reyna?" maingat na tanong ni Rosita.
Siguro natatakot siya na baka ma offend ako sa sinabi niya.
Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Gustuhin ko man na maging masaya, may parte sa akin na nakakaramdam ng takot.
Takot saan? Hindi ko rin alam.
Siguro takot na baka hindi ko kayanin?
Dalawang beses lang akong naging leader sa buong buhay ko. Pinilit pa ako nung time na 'yon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba natatakot akong maging leader. Takot ba akong magkamali? Natatakot ba ako na kapag may hindi magandang mangyari ay ako ang masisi? Takot ba ako sa responisibilidad?
Hindi ko rin alam. Wala akong alam tungkol sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung ano bang gusto kong mangyari sa buhay ko. Gusto kong mag doktor para makatulong sa mga tao pero kung hindi ko iisipin ang iba, ano nga ba ang gusto ko?
"Rosita," tawag ko sa kaniya.
"Po?"
"Kung ikaw ang kokoranahan bilang reyna, anong mararamdaman mo? Magiging masaya ka ba?" tanong ko at nag angat ng tingin sa kaniya.
Tumingin siya sa taas at nag isip. "Siyempre naman ho, binibini." aniya at ngumiti sa akin.
"Hindi ka ba natatakot?"
"Saan po?"
"Sa lahat."
"Lahat? Ano pong ibig niyong sabihin?"
Bumuntong hininga ako at kumuha ng maliit na bato at binato iyon sa ilog.
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, hindi ka ba matatakot na baka hindi sang ayon ang mga tao na ikaw ang koronahan? Hindi ka ba matatakot na baka sa konting pagkakamali mo lang husgahan na ka na nila?" tanong ko.
Naramamdaman kong umupo siya sa tabi ko. "Natatakot po ba kayo, binibini? Sa maraming bagay?" hindi ako umimik. "Gaya na lang ng sinabi niyo kanina. Marami kayong kinatatakutan. Ngunit alam nyo po ba, binibini? Ang sabi ng aking Inay ay ang takot ay parte ng ating buhay." Aniya.
Lumingon ako sa kaniya. Pumikit siya at nilanghap ang simoy ng hangin pagkatapos ay nagmulat siya at tumingin sa akin.
"Diyan nagsisimula ang lahat. Sa takot, pag aalinlangan at pangamba. Diyan nabuo kung sino tayo ngayon. Kung wala ang mga iyan ay wala rin tayo sa kinatatayuan natin ngayon," aniya.
"Noong bata tayo, nag aalinlangan tayong subukan ang lahat dahil natatakot at nangangamba tayo na baka masaktan tayo. Gaya na lamang ng paglalakad, noon natatakot tayong lumakad dahil baka hindi natin kayanin, hindi ba? Na baka matumba tayo at masugatan. Ngunit tingnan niyo ngayon, tayo ay nakakalakad na at nakakatakbo pa," natawa siya.
BINABASA MO ANG
Raindrops of Yesterday (Yesterday Series #1)
Historical FictionDon't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really had one? Esperanza,19 years old girl who never felt her parents love for her. She is only genuinely ha...