Prologue

8.6K 167 10
                                    

Prologue

Asian Blue Eyes








HINDI KO alam kung ano ang dapat maramdaman... Kung masasaktan ba ako o magagalit... Paano naman ako magagalit? E mahal ko 'tong si Zephyr. Hindi ko din alam kung dapat rin ba akong masaktan, e nasanay na ako sa kaniya. Sanay na sanay... Sa puntong pinababayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Kasi mahal ko naman siya, eh.

"What makes you think, na magagawa ko 'yan, Guen?!" Pagtataas niya ng boses. Gumuhit ang galit sa kaniyang mukha.

"Because..." Mahirap mag-english. Tangina nalang talaga. "Kasi... Manyakis ka! Alam kong babaero ka rin! Kaya hindi na ako magdadalawang isip noong nalaman ko kay Oli na may kahalikan kang iba. Naniniwala na ako na-"

"Damn it. Mas naniniwala ka do'n kaysa sa akin? Damn it, boyfriend mo ako, Guen. Sa akin ka dapat maniwala. Hindi mo ba ako mahal?" Titig na titig siya sa mga mata ko.

"Oo, mahal kita... Pero naniniwala din naman kay Olivia! She's my cousin! Kahit kailan, hindi pa naman din siya nagsinungaling sa'kin. Kaya kapani-paniwala siya..." Mahinahon kong pagkakasabi. Titig na titig ako sa mga mata niya... Ayaw kong umiwas. Sasalubungin ko nalang ang mga mata niyang 'yan kahit na nasasaktan na talaga ako.

"She's lying, Guen!"

"Why do you think Olivia will lie? Seryosong alegasyon 'yon, Zeph."

Pagsamantala siyang hindi nakapagsalita. His jew tightened. Mariin rin siyang napakagat sa ibaba niyang labi... Para siyang nagpupumigil. Sa ilang segundo niyang pananahimik... Parang kinukumpirma na rin niya na totoo ang lahat ng mga alegasyon ko.

"Hayss. Bahala ka na nga... Alam mo, Zephyr? Huwag na nga muna tayong magkita..." Sabi ko... Kahit na labag sa kalooban ko.

"Guen-"

I raised my middle finger on him, cutting him off. Umirap pa ako. Hindi lang 'yon, binigyan ko pa siya ng isang napakalakas na suntok! Deserve naman talaga niya ang masuntok!

"Guen! Mag-usap tayo!" Mabilis siyang tumayo habang hawak-hawak ang pisngi. Pumutok pa ang labi niya sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko. "Damn it, Guen! Tumigil ka at harapin ako!"

Hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang nakataas padin ang gitnang daliri ko sa kaniya. I even keep on mumbling things too! Naiinis talaga ako! Tama nga ako... Inulit na naman niya. Pinagbigyan ko siya noon, pero hindi ko aakalain na uulitin niya ulit! Gosh... Hindi ko alam kung bakit natitiis ko pa ang boyfriend ko. Mahal ko, eh!

Umuwi na ako. Hindi ko na inabala pang balikan pa si Zephyr kahit na mamaos man siya kakasigaw ng pangalen ko. Ayaw ko muna talagang makipag-usap sa kaniya! Hmmp. Masama ang loob ko. Noong una, hindi naman talaga ako masyadong naniniwala sa pinsan ko (sa alegasyon niya na nambababae daw si Zephyr, ang boyfriend ko) kasi mahal na mahal ko si Zeph. Pero ngayon, nang dahil sa pagiging defensive niya at sa reaksyon niya, kumpirmado nga na totoo 'yong mga sinasabi ng pinsan ko!

Damn him! Ilang beses na talaga nangyayari sa akin ang ganiyang eksena, ilang beses ko na ding binalewala 'yong mga ginagawa niya sa akin. Mahal ko siya, eh. Mahal na mahal. Putangina, nakakatampo naman!

Pakusot-kusot ako ng mga mata ko habang naglalakad. Sumisinghot-singhot na din kasi nasisipon na ako... Naiiyak na naman ako.

Sa hindi ko inaasahang pangyayari, naramdaman ko nalang na mayroong mabilis na sasakyan ang tumatakbo palapit sa akin. Sa sobrang bilis, bumigay ang mga tuhod ko. Para akong hinagis sa ere. Basta nalang akong tumilapon sa daan.

FUCK IT!

Nang sumalampak na ang pwet ko daan, nakita kong tumigil naman kaagad ang sasakyan. Ang lakas ng pagkakatumba ko!

Defying the Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon