19- Same Scenarios

286 10 0
                                    

"Adi... paano if ayaw talaga ako ng parents mo?" Pag-uulit ko.

It's always the same... Ayaw ng mga tao sa'kin.

Hindi kasi makasagot si Adelaide. I was about to give up when she said something.

"E' ayaw ko din sa kanila. Ikaw lang ang gusto ko, e." Nagsalita kaagad siya nang hindi ko inaasahan.

Her voice is serious. Walang bahid ng katarantaduhan at biro.

Natawa ako. "Paano mo naman nasabi 'yan? Gosh, they're your family. You should choose them. In the end, pamilya mo padin sila, e."

Humiga ako. Ayaw ko kasing makita ang reaksyon ng mukha niya... It's between masasaktan ako o matutuwa ako. Bahala na. Basta ayaw kong makita ang mukha niya. Nakatalikod ako sa kaniya habang nakahiga.

"Ayaw ko din kasi sa mga taong ayaw ka, Guen. Don't stress yourself out."

"Mom and Dad, this is Guen Salvatierra, my girlfriend." Hawak-hawak ni Ryuu ang bewang ko habang pinapakilala ako sa mga magulang niya.

Nakangiti nang sobrang lapad si Adelaide sa harapan ng mga magulang niya. But his parents are the opposite. Hindi nakangiti. The both of them has no reaction, they're emotionless. . . May trust issues ako kaya pakiramdam ko ayaw nila sa presensya ko ngayon!

'Eto ba 'yong sinasabi sa'kin ni Adi na masayang-masaya ang mga magulang niyang makita ako? Ang layo-layo ng reaksyong inaasahan ko sa kwento niya. Akala ko masaya!? E' bakit ang sama-sama talaga ng tingin ng nga magulang ni Adelaide? Ang tinutukoy ko ay si Mrs. Consejo.

"Hello po, ma'am at sir," I was about to hug them but Tita Rheanna, Adelaide's mom, stepped away all of a sudden.

Hindi ko na tinangkang ituloy ang binabalak kong gawin kasi nahiya na ako. Parang ayaw ni Tita Rheanna na yakapin ako. Si tito Rustan naman, ang Daddy ni Adi, ay nagulat rin sa inasta ng asawa niya. Pare-parehas kaming nabigla dito, mas lalo na ako.

"Hon, what's the problem?" Rinig kong bulong ni Tito Rustan kay tita Rheanna.

"Wala. Wala nga akong problema."

"If there's none, then act properly."

"This is proper, anong gusto mong mangyari? Na lumuhod ako sa harapan ng babaeng 'yan?"

Sa tingin ko, ako ang pinag-uusapan nilang dalawa. Ramdam na ramdam ko. Halatang-halata na rin. Kaya dahil do'n, napayuko nalang ako. Ayaw kong masaksihang nag-aaway ang mga magulang ni Adi nang dahil lang sa'kin. Nahihiya na ako.

"Mom, Dad." Suway ni Adi. Napatampal pa siya sa noo niya.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga maatim saksihan ang pamilya ni Adelaide na nag-aaway nang dahil lang sa'kin.

"Sorry about that. Nakapag-dinner na ba kayo? Tara, kumain muna tayo." Alok kaagad ni tito Rustan.

"Hindi pa, dad." Si Adi ang sumagot, hawak-hawak parin niya ang bewang ko. Tumingin naman agad siya sa'kin sabay sabing, "tara, kumain na tayo, babe. Bawal sa'yo ang magpalipad ng gutom diba?" Paglalambing pa niya.

Kahit na maglambing pa siya diyan, hindi parin mawala sa utak ko ang hiya. Parang ayaw talaga ng mga magulang ni Adi sa'kin. . . Pakiramdam ko, pinipilit ko lang ang sarili ko dito.

Nang magtama ang mga mata namin ni Tita Rheanna, ako na ang unang umiwas ng tingin. Sa mga titig niya palang, ramdam ko na kasi kung gaano niya ka-ayaw sa'kin. Mabuti pa si tito Rustan, ang bait niya.

"So? Pinalayas ka nga doon sa inyo dahil buntis ka?" Pag-uulit ni Tita Rheanna ng mga tanong na hindi ko masagot-sagot kanina pa.

Ayaw kong sagutin kasi hindi pa ako masyadong komportable sa tanong na 'yan. Si tita lang talaga ang kanina pa nag-uungkat ng mga 'yon.

"Opo," ngumuya kaagad ako ng pagkain, nangangahulugan na huwag munang magtanong si tita. Ang mga tanong niya kasi, minsan wala na sa linya.

"Mula sa simula, e' bakit ka nga ba nagpabuntis, hija?"

Nabuga ko ang tubig na iniinom ko kaya natamaan si Adi. Basang-basa na siya ngayon. Lumaki ang mga mata ko at kaagad na napatitig kay Tita. I didn't expect her to say that. Tama nga ang hinala ko na ang dami niyang itatanong na ikaka-offend ko! Sana nag-excuse na agad ako, kunwari magsi-cr!

"Mom." May diin ang boses ni Ryuu.

After that, hinawakan niya ang kamay ko dito sa ilalim ng mesa, telling me that she's here for me. Kaya ngumiti nalang ako kahit na pilit. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Adelaide, nangangahulugan na huwag na siyang makipagtalo sa Mommy niya. Because I'm fine, okay lang sa'kin. Ayaw kong mag-away pa sila.

"Rheanna." Tito Rustan squeezed his nosebridge, mukhang dismayado siya sa sinabi ng kaniyang asawa.

"Sorry about that, hija. Pagod lang 'ata ang asawa ko kaya kung ano-ano na ang mga pinag-sasabi niya." Paumanhin ni tito sa'kin.

Peke akong ngumiti at umiling. "Okay lang po, tito. Walang problema sa'kin."

"Bakit may mali na naman ba sa itinanong ko? I'm just stating the truth, na baka bad influence lang siya sa anak natin. Masyadong inocente si Adi." Pagdidiin ni tita Rheanna kaya napayuko nalang ako.

"Mom naman, please. . ." Hiyang-hiya na si Adelaide.

Mabilis ko namang hinawakan ang kamay ni Adi at mahinang tinapik ang kaniyang likod to comfort him.

"Ayaw ko nang kumain. Busog na ako. Let's just take a rest, okay?" Pag-iiba ko nalang ng usapan.

Ayaw ko nang makita silang mag-away dito, e, kaya iiwasan ko na. Hindi naman ako galit sa sinabi ni tita Rheanna. Tatanggapin ko nalang 'yon. Parehas sila ng nararamdaman ni daddy ngayon kaya hindi ko masisisi si Tita Rheanna.

"Stay. I'm sorry for that question earlier." Mahinang pakiusap ni tita Rheanna dahilan para mapatigil ako sa pagtangka kong pagtayo.

Saglit muna akong napaisip-isip. Sincere ba talaga si tita Rheanna sa sinabi niya?

Para hindi magukhang bastos, bumalik nalang ulit ako sa pagkakaupo at pilit parin na ngumiti. Kahit pilit, titiisin ko nalang. Bahala na. Mama naman ni Adi 'to, e.

"Pasensya na kanina, ah. Gano'n talaga si mommy. Masyadong mainit ang ulo niya. Don't worry, pagsasabihan ko nalang siya mamaya." Hinalikan ko sa noo si Adi para matigil siya sa kakaexplain. Wala na siyang dapat na ipaliwanag.

Pagkatapos ang higpit-higpit pa nang pagkakayakap niya sa bewang ko. Ayaw niya akong bitawan.

Dito kami sa loob ng kwarto niya. Sinasamahan lang ako ni Adi dito para hindi ako malungkot. She told me na may essay competition pa sana siya ngayon. Pero hindi natuloy, dahil mas gusto niyang kasama ako.

"Hindi nga big deal sa'kin 'yon, Adi. Huwag mo nang isipin 'yon," paninigurado ko sa kaniya. I gave her a kiss on the lips.

Nagblush siya.

"Okay. Just tell me if there's something bothering you, okay?"

Mabilis ko namang hinawakan ang bewang ni Adi at nagbigay ng halik sa noo ko.

"I'm so lucky to have you."

"We both are so lucky with each other." Then she giggles.

Defying the Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon