22- Unreplaceable

592 19 5
                                    

Makalipas ang ilang buwan simula nung umalis si Adi, iba na ang takbo ng buhay ko dito sa UST. Hindi ko alam kung kelan ako nasanay, pero parang naging routine na lang ang lahat. The same old hallways, the same old coffee shops na lagi naming pinupuntahan dati. Pero wala na siya. Wala na si Adi, at kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal yung pakiramdam na may kulang.

Nasa third year na ako ngayon, at mas marami nang ginagawa. Mas matindi ang mga subjects, mas maraming deadlines, pero parang lahat ng 'to, hindi ko masyadong nararamdaman. Ang weird kasi dati, kahit gaano kahirap ang mga exams at requirements, parang kaya lahat kasi nandoon si Adi. She was my anchor. Pero ngayon, parang dumadaan lang ako sa araw-araw, hoping that maybe, just maybe, magpaparamdam siya.

Madaming bagong tao dito sa university-new classmates, new friends. Pero kahit anong pilit ko na maging close sa iba, hindi pareho. Laging may hinahanap akong iba, parang lagi akong naghihintay. Gabi-gabi, tinitingnan ko ang phone ko, umaasang magte-text siya o mag-message man lang. Pero wala. Madalas, sinisilip ko yung mga huling conversations namin, trying to remember kung anong nangyari, kung saan nagsimulang lumayo si Adi.

Sa totoo lang, hindi naman siya bigla na lang nawala. Nung una, nagre-reply pa siya sa mga messages ko, kahit paunti-unti. Kinumusta ko siya nung unang buwan na nasa abroad siya. Sinabi niyang masaya siya, sobrang busy sa bagong trabaho, at na-miss niya rin ako. Sinubukan ko maging supportive, tinatanong ko siya about her work, her new life. Pero unti-unti, dumalang na ang mga sagot niya.

Mga simpleng "haha," "ok," or minsan wala na talaga. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin magawang huminto. Hindi ako makabitaw.

"Hey, Adi! Just wanted to share, tapos na midterms namin. Grabe ang hirap pero na-survive ko. Hope you're doing well over there. Miss you." Send.

Gabi-gabi, ganito ako. Naghihintay ng reply na hindi naman dumarating. Sa mga group projects ko, sa mga events ng org, lagi kong iniisip kung paano siya tumulong dati, kung gaano siya ka-involved sa lahat ng ginagawa namin. Ngayon, ako na lang mag-isa ang gumagawa ng mga bagay na dati sabay namin hinaharap. Minsan, tinatanong ko sarili ko kung anong point ng lahat ng 'to. Kasi dati, we had a plan. May pangarap kami. Pero ngayon, parang ako na lang ang natira para ituloy.

Nasa library ako minsan, nagre-review para sa finals. Dati, si Adi ang kasama ko dito, lagi siyang may dalang snacks para sa amin. Ngayon, ako lang mag-isa sa table, surrounded by books and notes. Tumingin ako sa phone ko-walang bagong message.

Pero hindi ako tumigil sa paghihintay. Kahit alam kong malabong mag-reply siya, inaasahan ko pa rin. I believed na kahit anong mangyari, babalik siya.

Minsan, naglalakad ako sa Lovers' Lane, 'yung daanan sa campus na palaging puno ng estudyanteng magkahawak-kamay o magka-akbay. Dati, dumadaan kami dito ni Adi, pero hindi romantically, syempre. Lagi lang kaming nag-uusap tungkol sa future, sa mga plano namin after graduation. She was always so sure of everything, so certain na magiging successful kami.

Ngayon, ako na lang ang naglalakad dito, at lahat ng plano namin parang nawala na lang sa hangin.

Nag-message ako ulit sa kanya minsan, kahit alam kong walang kasiguraduhan kung babalikan niya ako. "Adi, I miss you. Hope you're okay." Send.

Alam ko, parang paulit-ulit na lang ako. Pero gusto ko lang maramdaman na nandiyan pa rin siya kahit malayo. Gusto kong malaman na kahit papaano, iniisip niya pa rin ako.

Pero sa bawat araw na lumilipas, wala. Wala akong naririnig mula sa kanya. Wala akong update kung kumusta na siya, kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. At habang tumatagal, natutunan kong tanggapin na baka hindi na siya babalik sa buhay ko tulad ng dati.

Pero kahit ganun, hindi ko pa rin kayang burahin ang pangalan niya sa contacts ko, o itigil ang pagse-send ng mga random updates ko sa kanya. Hindi ko kayang i-delete yung mga memories namin sa campus, sa U
Marcella, sa lahat ng lugar kung saan kami may mga memories.

Baka nga, hindi ko kayang bitawan.

Pagod na ako.

Napapagod din naman ako.

"Sino siya?" My friend, Kalindi, asked.

"Someone special."

I'm doing a digital art. Ipapasa later. Naisipan ko na si Adi nalang ang gawing model.

"Ang pretty niya, ah." Kali commented.

Ngumiti lang ako.

Araw-araw na lang akong nag-aabang ng reply. Magte-text ako, mag-ku-kuwento about sa araw ko, kahit simpleng bagay lang-kung gaano kahirap ang finals, kung anong bagong café ang nadiskubre ko sa labas ng UST, o minsan, kung gaano ko siya ka-miss. Pero sa bawat "send," parang nawawala lang sa hangin ang mga salita ko.

Wala na akong nakukuhang sagot.

Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang mapagod. Parang dahan-dahan, unti-unti, bumibigat na lang yung pakiramdam ko araw-araw.

Dati, excited pa ako tuwing magte-text sa kanya, hoping na this time, magre-reply siya. Pero habang tumatagal, parang nawawala na yung spark. Parang hindi ko na kaya maghintay.

Ang hirap tanggapin nung una-yung ideya na baka hindi na kami tulad ng dati, na baka hindi na siya babalik sa buhay ko. Pero ngayon, parang nasanay na lang ako sa katahimikan. Sa bawat text na hindi niya sinasagot, may part ng puso ko na parang namamatay. Yung dating excitement, ngayon naging frustration. Yung dating longing, naging pagod.

Minsan, nagbabasa ako ng mga old messages namin. Yung mga conversations na puno ng tawanan, mga pangarap namin para sa future, mga plano naming dalawa. Pero habang binabasa ko 'yon, hindi ko na maramdaman yung kilig o saya. Masakit lang. Kasi alam ko na, wala na 'yun. Yung taong kausap ko noon, hindi na siya yung taong kausap ko ngayon-actually, hindi ko na nga siya kausap.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang phone ko. Ilang beses ko nang sinubukang itigil 'to, pero heto na naman ako, magte-text ulit.

"Hey, Adi. Hope you're doing okay. Just wanted to share, tapos na rin ako sa finals. Pagod na pero at least, patapos na ang sem. Miss ko pa rin yung mga usapan natin. Ingat ka palagi." Send.

Agad kong binaba ang phone ko sa mesa. Alam kong hindi ko dapat ito ginawa, pero naging habit na. Bawat oras ng katahimikan, parang pilit kong pinupunan ng pag-asa na maririnig ko ulit ang boses niya kahit sa text lang. Pero alam ko na rin sa sarili ko-hindi na siya magre-reply. And that realization, it's like a weight dragging me down.

Tumayo ako at lumapit sa bintana ng dorm. Gabi na, at medyo malamig ang hangin. Dati, ganitong oras tumatawag si Adi, nag-ku-kuwento tungkol sa araw niya, nagtatawanan kami hanggang madaling araw. Pero ngayon, ang tanging kasama ko ay ang lamig ng gabi.

Minsan, naiisip ko, bakit ko pa ginagawa 'to? Bakit ko pa siya hinihintay kung alam kong wala namang mangyayari? Kung alam kong hindi na niya ako priority, kung masaya na siya sa buhay niya ngayon na wala ako doon.

Sobrang nakakapagod na. Lahat ng effort, lahat ng emosyon na binibigay ko para sa isang taong wala na sa buhay ko-parang wala nang saysay. Siguro, ito na yung moment na kailangan ko nang bumitaw.

Napatingin ulit ako sa phone ko. Wala pa rin. Syempre, wala na naman. And for the first time, hindi na ako nasaktan. Hindi na ako nagulat. Sanay na ako sa kawalan ng sagot.

Hinawakan ko ang phone ko, nanginginig ang mga daliri. Kinuha ko ang thread ng messages namin-lahat ng hindi niya sinagot, lahat ng iniwan kong nakabitin. Dati, hindi ko kayang burahin. Dati, pakiramdam ko na kapag binura ko, mawawala na rin lahat ng memories, lahat ng pinagsamahan namin.

Pero ngayon, gusto ko na lang ng pahinga. Gusto ko nang matapos 'to.

Isang malalim na hinga, isang click. Delete.

At sa unang pagkakataon, naramdaman ko yung bigat na unti-unting nabawasan.

Defying the Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon