Nandito ako sa pinsan ko, Kay Olivia, kanina pa ako naglalabas ng sama ng loob sa pinsan ko. Umagang-umaga, dito kaagad ako dumiretso. Maliban kay Yaya Thelma, magkasundo rin kami ni Olivia, eh. We are the best of friends.
Ang pinsan ko ang gusto kong makausap ngayong umaga, alam niya din kasi na hindi kami magkasundo ni Daddy. Bina-backstab namin si Daddy parati.
"Sayang 'yong mga plano natin, Guen! May dorm na sana akong nakuha!" Nanlulumo ang boses niya. "Maganda at pwedeng-pwede pang magdala ng boys doon!" She added.
I'm just an incoming grade 12, last year of being a senior student... Pero sinira pa ni Daddy. Pinag-usapan pa naman namin ni Olivia na doon kami sa San Agustin kasi isa yun sa mga sikat na universities dito sa Iloilo pero hindi na matutupad.
Wala na talaga.
Tinapon ko ang katawan ko sa kama at binaon ang mukha sa unan.
"Oli! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Marami ang banta ni daddy, nakakainis kasi wala pa akong magawa ngayon..." Helpless kong sambit. Hopeless din.
Malapit na ang pasukan. Officially enrolled na ako doon kaya wala na akong magawa.
Pati nga kapag first year collage na ako, hindi padin ako ang pipili ng school ko. Kapag collage na ako, binabalak ni Daddy na doon ako pag-aralin sa US, eh. Kung saan nag-aral ang mommy. Kaya unfortunately, hindi ako makakapag-aral sa pangarap kong unibersidad doon sa Maynila, sa Far Eastern University.
Doon sa Maynila ko gustong ipursue ang mga pangarap ko kaso... Maraming hadlang. Wala na akong magawa kundi ang tanggapin na lamang kapalaran ko... Na babagsak ako sa isang For Girls University!
Sa isang arts school ko gusto... Pero ayaw naman ni Daddy. Siya talaga ang nasusunod parati. Wala naman akong iba pang magawa kundi ang sundin nalang siya. As of now, wala pa akong magawa. I don't even earn my own money. Wala akong pera at umaasa ako sa kaniya.
May camera din kasi akong hinuhulugan. A canon camera for photography. It's price is ranging more than a hundred thousand. Mahal pero maganda ang quality. I really like photography... And my dad doesn't even like it. Lahat nalang ng ginagawa ko, para sa kaniya ay mali! Wala na akong ginawang maganda sa mga mata niya.
Ano naman ang gagawin ko doon sa Marcella? Boring at plain. Isa pang all-girls school. Walang lalaki, hindi ako sanay. Mas sanay kasi ako na maglandi Ilang beses nang na-false alarm sa pregnancy.
"Palitan na nga lang natin ang topic." Utos ko.
"Nag-break na ba talaga kayo ng Zephyr na yon? Ano? Prinangka mo na ba siya patungkol sa babae niya?" Intrigang tanong ni Olivia. Sakto, may kinakain pa siyang salted popcorn.
Tamang-tama na tinanong ni Olivia sa akin 'yan kasi ang dami kong ikukwento sa kaniya.
Umayos ako ng upo.
"Matapos ko siyang hiwalayan, syempre tinuhod ko din agad kaagad siya. Naiinis ako. Huling-huli ko na nga nagsisinungaling pa."
"Heartbroken ka ngayon?" Mas Tunog asar pa nga siya kaysa concern.
"Mukha ba akong broken?" Sarkasmo ko. "Hindi pa ako umiyak sa lalaki, no. Sila ang umiiyak sa akin." Sabi ko.
Natawa si Olivia at pumalakpak.
She knows me for that.
She's cheering up... She knows me, hindi pa kaya ako umiiyak sa lalaki. Never in my life. Minsan lang din ako pumasok sa isang serious relationship, sinayang pa ako ni Zephyr. Hanggang fling lang kasi ako and I gave Zephyr a chance to be my boyfriend. The bad thing is... He's just as same as the guys that came to my light. Pare-parehas lang silang mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Defying the Playgirl
RomanceGuen is a hard-headed girl who always disobey her parents. She likes boys. She's a troubled girl and many doesn't want her... But things got changed when she was forcely enrolled by her father in a university exclusively for girls. An all-girls scho...