"Pabida ka talaga, 'no? Ang ganda-ganda na nga ng buhay mo diyan sa US, uuwi ka pa talaga dito?"
Dad and Tita Emmery almost gave everything to her... magandang school, magandang buhay, pagmamahal at lahat-lahat nalang ay nasa kaniya na. At kapag umuwi siya dito, alam ko na wala na talaga akong magiging papel dito sa bahay na 'to.
"Gusto ko umuwi, eh, bakit ba. Miss nga kita, eh." Ramdam ko talaga ang pagka-plastic niya sa pananalita niya palang.
"Walang maganda dito. Kung ako tatanungin, mas gusto ko diyan." Sabi ko.
Kung pwede lang kami magpalit ng buhay, gagawin ko. Dito siya at doon naman ako sa US. Kasi doon, alam kong ma-eexpress ko nang maigi ang sarili ko. Liberated akong tao, mas bagay ako doon. Atleast doon hindi ako matatawag na pokpok o kung ano-ano pang pangslu-slutshaming."Miss ko ang atmosphere ng Pilipinas."
"Pero hindi ka miss kaya huwag ka umuwi." Sarcastic kong sagot.
Nag-usap kami ng kaunti. After that ako na mismo ang pumatay. Inaantok ako. Hindi ko din sini-seen ang mga messages ng mga ka-groupmate ko. Gumawa sila ng GC, eh, at hindi ko aakalain na ia-add nila ako. Mabuti nga.
I was about to get some sleep when my Dad barge inside my room. Inutusan niya akong magbihis kasi may pupuntahan daw.
"Saan ba tayo pupunta, Daddy? Bakit kailangan ko pang pumunta sa party na 'yan?" Nagtataka kong tanong.
I know Dad, sa tuwing may mga parties ... Ay hindi niya talaga ako sinasama. Pero ngayon, hindi mapakali ang pwet. Kanina pa niya ako nireremind na mag-ayos na. Alas-sais palang at mamayang gabi pa naman 'yong party na tinutukoy niya.
"You should go with me. Sundin mo lang ang sinasabi ko. You should wear a formal dress and should wear a light makeup. Ayaw kong makita na mapula ang pisngi mo mamaya, na parang sinasampal ng ilang beses."
Umirap ako. "Alam ko kung ano ang mga dress codes sa bawat party. Nilulugar ko naman ang pananamit ko."
"Pero wala akong susuotin, Daddy..." Honest kong sagot.
Kasi ang mga damit kong pang-party ay masyadong sexy. Kita ang suso at pwet. Masyadong pakita ng balat kaya hindi yun pwede sa party na sinasabi ni Daddy.
"You could borrow some formal dress with your Tita Emmery." Aniya.
Napairap ako sa suggestion.
"Huwag na, mas gugustuhin ko pang maghubad kaysa sa suotin ang mga damit niya..." Sabi ko at umirap.
"Guen, watch your mouth. It's my wife." Suway ni Daddy. Umirap lang ako.
Kabit na naging wife. Kahit kailan, hindi ko siya ituturing na mommy ko. I will only have one mom and my Daddy's first wife. Walang araw na hindi ko nami-miss si Mommy.
"Maghahanap na ako ng susuotin ko..." Sabi ko.
Umalis ako nang hindi nakikinig sa mga sinasabi niya. Marami pa sanang mga sasabihin si Daddy pero wala na talaga akong balak na makinig sa kaniya.
Lumabas ako ng kwarto na may kasamang pag-irap. Nagmake-face pa ako, syempre.
AND I JUST found that the party will be for mr. Andrez Vercales! Surname palang, alam ko na kung kanino ang party. Familiar sa akin.
Pumasok kaagad sa isipan ko si Cassidy.
"Don't make a scene later, Guen. Huwag ka sanang gagawa ng mga kalokohan." Pangunguna kaagad ni Daddy.
Hindi pa nga kami nakakalabas ng sasakyan, eh, 'yan kaagad ang sinabi.
Umirap lang ako. Naglalandian pa silang dalawa ni Tita Emmery sa harapan ko. Seriously, ang sakit nilang tingnan.
BINABASA MO ANG
Defying the Playgirl
RomanceGuen is a hard-headed girl who always disobey her parents. She likes boys. She's a troubled girl and many doesn't want her... But things got changed when she was forcely enrolled by her father in a university exclusively for girls. An all-girls scho...