01- Dream School

4.9K 122 10
                                    

"Hija, ano ka ba! Galit na galit ang daddy mo kanina! Kanina ka pa niya hinahanap! Bakit kasi ngayon ka lang?" Salubong kaagad ni Yaya Thelma sa akin nang makarating na ako ng bahay.

"Mamaya nalang po ako magpapaliwanag," daing ko. Panay himas ko pa sa balakang ko kasi namamanhid talaga.

Sinamahan ako ni Yaya Thelma papasok sa loob. Sa likod nga lang ako dumaan, ayaw kong ipaalam sa Daddy ko na nakarating na ako. Lalo na sa step-mother kong mas matapang pa kaysa kay Daddy, parati ding galit sa akin. Baka kasi kung ano-ano pang mga masasakit na mga salita ang matatanggap ko.

"Nakipag-away ka na naman ba?" Akusa kaagad ni yaya Thelma sa akin.

Kinuhaan niya ako ng ice pack. Ayaw ko kasing bumaba ng kusina, baka makita ko pa si Daddy doon, ayaw ko siyang makasalubong. Baka kung ano-ano na naman ang mga sasabihin niya. Ayaw ko munang makinig sa kaniya pagsamantala.

"Salamat po. Yaya." Nakangiti kong kinuha ang ice pack at inilagay kaagad sa braso ko. Namamanhid kasi ang braso ko. "Pero hindi po ako nakipag-away, mali kayo diyan." Dagdag ko pa.

Nag-aalala at concern parin ang mukha ni Yaya Thelma. 'Buti pa siya, may pakialam sa'kin, eh. Si yaya Thelma lang talaga ang kakampi ko dito sa mansyon. I am always ignored and my presence is worthless here in the mansion.

"Siguraduhin mo lang na hindi sanhi ng away 'yan ang mga pasa mo, ah. Naku!"

Natawa ako at umiling. "Opo, promise. Sigurado ako. Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo, diba?" Sabi ko. Knowing that I trust my Yaya Thelma that much.

Kasi siya, iniintindi niya ako. Si Daddy naman, inuuna niya muna kasi ang galit bago ang mga explanation ko.

Hindi na nagsalita si Yaya. Buntong hininga lang ang nakuha ko sa kaniya.

Hindi nalang din ako nagsalita. Nangangalay na ang panga ko. Pagod na akong magsalita. Pakiramdam ko, nabuhos ko na ang lahat ng boses ko sa pagsigaw kay Zephyr kanina. Galit padin ako hanggang ngayon. Masama ang loob ko.

Hindi na muna lumabas si Yaya Thelma. Sinusuklay niya muna ang mahaba kong buhok na wavy. This is our routine very night, I requested this to Yaya Thelma. Nag-requested ako sa kaniya na suklayin niya ang buhok ko gabi-gabi. 'Eto kasi ang kadalasang ginagawa ni Mommy sa akin, alagang-alaga niya ang buhok ko. Tutal nami-miss ko din naman ang mommy.

I actually got my natural curl on my mom. Parehas kaming wavy ang dulo ng buhok. Kahit kailan, hindi ko pa pinagalaw ang  buhok. Hindi pa na-plantsa.

Before she passed away, the one thing that she told me is that I should take good care of my hair. Hindi pwedeng galawin. Healthy na healthy ang aking buhok, this is the least I could to remember my mom. My hair had a sentimental value for me.

"Guen! Ano na naman ang nangyari, bakit ngayon ka lang nakauwi?!" Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang dahil sa boses na aking narinig.

Dad barge in my room with a hot head.

Mabilis akong napatayo.

"Daddy," Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "May ginawa lang ako pero... umuwi din naman ako."

Bumuntong hininga siya. Dismaya ang nakaukit sa kaniyang mukha.

Gusto ko siyang sagutin pero may bait pa akong natitira!

"Parati mo nalang ginagawa 'to, kailan ka ba magtitino, huh? Guen? Ang dami mong ginawang katarantaduhan. Halos hindi ka na nga umuwi dito, parati ka nalang diyan sa mga barkada mo. Pagkatapos uuwi ka pang may baon ng sakit ng ulo! Kailan ka ba talaga magtitino!"

Hindi niya talaga maintindihan ang punto ko! Kaya nga ayaw kong umuwi minsan dito dahil sa kaniya! Siya ang rason. I prefer to be with my friends instead, at least they make me happy. Naiintindihan nila ako.

Imbes na magsalita, nanahimik nalang ako! Hindi naman niya maiintindihan kapag nagpaliwanag ako, eh! Tatawagin lang niya akong bastos. Mabuti pa na manahimik nalang ako.

"Nang dahil diyan, buo na ang desisyon ko. Doon ka mag-aaral sa Marcella University."

MAs lalong umakyat ang galit ko.

Marcella University, a christian school run by nuns and the worse thing is... It's a collage that only exclusive for girls! Puros babae, walang lalaki! Isa pang religious school! ang boring doon.

Hindi yan ang pinangarap kong kolehiyo! Hindi ko gusto diyan!

I hate that kind of school!

I wanted more than that!

I don't want to get stuck there!

Walang tite doon na pwedeng isubo!

"BAkit?! WALA kang karapatan na magdesisyon kung saan ako mag-aaral!" Sigaw ko pabalik.

"Hija, hinaan mo ang boses mo, Daddy mo 'yan." Biglang nagsalita si yaya Thelma.

Hindi ako nakinig. Tiningnan ko nang masama si Daddy. Titig na punong-puno ng hinanakit.

Si Yaya Thelma na mismo ang humingi ng pasensya kay Daddy para sa akin. After that, she immediately exited the room Para mabigyan niya kami ng oras makapag-usap ni daddy.

"Doon, alam kong magtitino ka. Nababagay ka doon kasi pasaway ka na. Hindi mo na ako sinusunod at hindi mo na ako ginagalang..." Sabi kaagad ni Daddy nang makaalis na si Yaya Thelma.  Bagamat kalmado, ramdam ko parin ang galit niya.

"AYAW KO NGA doon! Mas lalo lang akong magrerebelde kapag doon mo ako pinaaral!" Galit kong sigaw. I threatened him. Seryosong-seryoso akong nakatingin kay Daddy nang hindi umiiwas.

"Doon ka mag-aral o huwag ka nalang mag-aral. Pumili ka."

Hindi ako agad-agad nakasagot sa sinabi niya.

Kumuyom lalo ang mga kamao ko.

"Ako ang gumagastos ng pag-aaral mo kaya ako rin ang pipili kung saan ka mag-aaral." He firedback. Making me speechless for a damn minute.

"Nakakainis! Bakit naman, Daddy?! Bakit kailangan ko pang mag-enroll sa pesteng collage na iyon! 'Yong iba ko ngang mga kaibigan, nasa maayos na university! Tapos ako, sa isang pesteng collage na iyon? Sa Marcella? Sa All-Girls?" Galit na galit padin ako.

"Para hindi lalaki ang atupagin mo. Walang lalake doon sa Marcella kaya wala kang distaction."

Yes, ako 'to si Guen na mahilig sa lalake. Muntik pa ngang maging single mom. In other words, lalakero talaga.

Oo, lalakero na kung lalakero kasi inaamin ko naman 'yon. At torture sa akin ang collage na yun kasi wala na ngang lalake, ang badoy pa. As far as I know, nasa mababang rank ang Marcella University kumpara sa mga private schools dito sa Iloilo.

Sinubukan ko naman ang makakaya ko na maging mabait.

Sinubukan ko talaga... naging mabuti ako para hindi ako mapunta doon... I don't want to end up in Marcella University kasi hindi iyon ang pinangarap kong kolehiyo.

That is not my dream school.

I wanted more than that!

Ayaw ko sa isang exclusive same sex university kasi gusto ko sa isang arts school, pangarap ko iyon... Pero ang lahat-lahat ng effort ko ay nasayang dahil hindi naman naa-appreciate ni daddy ang lahat ng mga ginagawa ko!

"Daddy I thought you wanted the best for me, eh Bakit doon pa?! Alam mo bang isa yun sa mga pinaka-worst na collage dito sa Iloilo?!" Parang puputok na ang ugat ko kakapaintindi sa kaniya. "Hindi best yang Marcella University."

"Para magtino ka!, Guen. Puros ka kalokohan. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa'yo." Ramdam ko ang gigil ni Daddy sa akin. Kumuyom kaagad ang mga kamao ko.

Magsisimula na naman siya! Gustong-gusto kong sumagot pero nanahimik nalang ako, Nanguyom nang mahigpit ang mga kamao ko.

Hindi ako makapagsalita. Dad eyes landed on my bruise. He noticed it but he just looks away. Inayos niya ang kaniyang kwelyo at tumalikod sa akin.

"Prepare all your documents and papers right now because tomorrow, I will immediately enroll you there."

Saka na bumagsak nang tuluyan ang mga balikat ko.





To be Continued...

Defying the Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon