CURRENTLY, NANDITO parin ako sa kwarto ko. Hapunan na pero wala pa akong ganang kumain. Wala talaga. . . Hangga't alam ko kasi na may problema pa akong dapat na problemahin ay talagang hindi ako makakampante. Hindi ako maka-focus. Parang gusto ko nalang iiyak 'to.
Si Cassidy ay okay din. Ayaw kong abalahin pa siya kahit gusto niyang tumulong.
Nung nalaman niya ang nangyari sa'kin, syempre sermon ang abot ko!
Mabuti nalang na may load pa ako ngayon. . . I'm finding a job online. Kailangan kong maghanap ng trabaho. . . I kept on scrolling here, hoping that I could really find a job, right now. Mabilis pa sa mabilis!
Tawagan ko kaya si Olivia, siguro, mahahanapan niya kaagad ako ng trabaho. Ang talino niya kaya, para siya bdo, she always find ways. Si ate Georgia naman, busy siguro, mainitin pa naman ang ulo no'n. Si Ate Iris naman, mahirap kumbinsihin. Si Ate Vien, hindi kami masyadong close pero nag-uusap kami. . . Ugh, anong gagawin ko!? Aasa ba ako sa mga pinsan ko o hindi?
Tutal, magkakadugo naman kami pero. . . Nahihiya naman ako! Sobra. Paano kasi, mga mayayaman naman halos ang lahat ng mga pinsan ko pero nahihiya din kaya akong lumapit sa kanila.
Sino pa ba ang aasahan ko? Ang mga kaibigan ko? E' wala naman akong kaibigan kundi si Cassidy lang naman. Ewan ko sa kanila Adi at Seby kung tinuturing ba nila akong kaibigan. Ngayong medyo busy si Cassidy, ayaw ko muna siyang abalain kasi alam kong hindi niya ako papansinin. Si Olivia naman, huwag nalang. May trust issues pa kasi ako ngayon kaya ayaw ko na munang magtiwala sa kahit kanino. Inamin niya kasi na siya ang nagsumbong sa Daddy ko patungkol sa nangyari sa'kin!
Ngayong oras ng gabi ay tulog pa si Adi. Eto siguro ang tamang oras na pumuslit ako. Ayaw kasi ni Adi na maghanap na agad-agad ako nang work knowing na hindi pa naghihilom ang ilang sugat ko.
"OPO! PROMISE! Kahit ano, kahit waitress, janitor, dishwasher basta po may trabaho ako! Don't worry, gagalingan ko po ang trabaho ko!" Pagsusumamo ko manager ng fastfood restaurant na 'to, halos magmakaawa na nga ako, basta tanggapin lang niya ako.
Sana nagbihis na muna ako bago pumunta dito kasi ayaw akong tanggapin ng manager kasi nga nakauniform lang ako.
May nakita kasi akong nakapasil na poster doon sa labas ng entrance, na naghahanap sila ng waitress, kaya agad-agad na akong pumasok dito. Tuwang-tuwa pa akong pumasok dito dahil nga akala ko, 'eto na! Pero hindi pa pala, hindi kagaad ako tinanggap dahil nga naka-uniform ako. Estudyante ako kaya nag-aalinlangan ang manager sa'kin, baka daw kasi ang kupad kong kumilos.
Ang judgemental naman masyado, kahit na nakauniform ako o hindi, gagalingan ko parin naman ang trabaho ko.
Hindi kaagad ako uuwi. Kailangan ko muna talagang maghanap ng trabaho. Kapag hindi ko ginawa 'to, wala akong pang-gastos para sa sarili ko knowing that I promised that I can survive on my own. Kailangan kong panindigan ang heroic actions ko!
"Sigurado ka ba, hija? Dapat kasi, 'pag nag-trabaho ka dito bawal ang uugad-ugad, ang shunga, ang parating late. Dapat mabilis kumilos para-" mabilis ko siyang pinutol.
Tinaas ko ang palad ko, na parang nanunumpa, sabay sabing, "Promise po, gagawin ko ang dapat at iiwasan ko naman po ang bawal. Please po, kailangan ko lang talaga ng trabaho. Kailangan ko ng pera."
Kaunti nalang ay maiiyak na talaga sa harapan niya. Kailangan ko talaga, e. Kapag hindi ko nakuha 'to, uuwi talaga akong luhaan. Iiyakan ko talaga 'to. Kahit na mahirap, gagawin ko naman ang lahat. Hindi lang naman para sa'kin 'to, kundi para na rin sa magiging anak ko.
"Hija, sigurado ka ba, na susundin mo ang lahat ng mga sinabi ko sa'yo. Kasi, baka ako ang papagal-"
"Opo, promise, huwag po kayong mag-alala! Pagbubutihin ko ang gagawin ko." Sinsero kong pangako kay Manager Guillermo.
Please. . . God. Sana um-oo na siya. Uuwi talaga akong masaya kapag gano'n!
"Saan ka na naman galing, huh? Guen? Alam mo bang kanina pa kita pinapahanap. Muntik na nga akong magpa-blotter sa ginagawa-"
"Oa mo naman, Adi." Sabi ko. "Don't worry, diyan lang ako sa labas galing."
Gusto kasi akong samahan ni Adi na matulog dito sa dorm ko kaya hinayaan ko nalang siya.
"Saan ka galing?"
"Nagpapahangin lang." Pagrarason ko.
Hindi ko na pinatapos pa ang mga sasabihin niya. Kaagad na akong tumalikod.
Ayaw ko ng sermon ngayon. Okay na yong sermon na nakuha ko noong nakaraan kay Daddy. Sa totoo nga lang, mas kailangan ko pa ng comfort. Pero hindi ko naman masisisi si Daddy kung ganyan siya ngayon.
Gustong-gusto ko din minsan humingi ng tulong kay Daddy pero natatakot ako. . . Parati nalang akong nadadala sa takot tuwing kaharap ko sila. Nawawalan talaga ako ng lakas. . . Sa mga mata niya, ang lahat nalang sa'kin ay mali, hindi ko alam kung saan naman napunta ang mga tama ko.
"HOY, TULOG KA NA NAMAN. Ano ba ang ginagawa mo tuwing gabi, huh?" Bunganga na naman ni Quinn, ang kaklase ko, nang imulat ko ang mga mata ko.
Kakagising ko lang sa quicky nap ko, kasi nga walang teacher ngayon, free time namin. Kaya imbes na dumaldal, mas mabuti pang matulog nalang ako kasi sobra akong inaantok.
"Wala, pagod lang." Tipid kong sagot sa kaniya. Ichi-chismis na naman niya siguro ako sa mga teacher namin. I know her, ganiyan talaga siya, e.
It's already been three nights, sinced the day I worked as a waitress there in a fastfood restaurant. Tuwing 4pm ako nagsisimula, pagkatapos talaga ng klase, at saka matatapos naman bandang 12am. Nakakapagod pero dapat kakayanin, e. Wala na akong dapat na aasahan kundi ang sarili ko lang.
Um-okay-okay na kasi ang mga sugat ko kaya pwede pa akong gumalaw-galaw at saka pwede pa akong mapagod. Aalagaan ko naman ang sarili ko.
CURRENTLY, It's already break time, halos nagpupuntahan na sa canteen ang mga kaklase ko. Habang ako, nandito lang ako sa loob ng classroom. Wala akong balak na doon kumain sa canteen. Instead of buying, I preferred to keep my money. Hindi naman gaano kataaas ang baon na wini-withdraw ko sa credit card ko, sakto lang, kaya gusto kong mag-tipid.
Namiss ko na siya! Yong dating ako! Pero ngayon medyo iba na. Si Adi ay wala dito. Nililibre niya ako kahit ayaw ko. Siya naman talaga 'tong nanlilibre sa'kin kaya hindi ko nagagamit ang pera ko pero ang waldas ko, eh. Aaaminin ko ang gastos ko padin! Simot talaga ang pera ko kapag nagwaldas ako.
Tahimik akong ngumu-nguya dito sa sit ko, without minding the boys outside the door, na kanina pa nag-iingay. Gutom na gutom na ako, e. Binibilisan ko pa ang pagkain ko para naman may matira pa akong oras para sa pagtulog. Sandwich lang at saka juice ang baon ko ngayon, nakakabitin, pero atleast kinakain parin!
"Guen, ang sabi daw ni Cassidy, kainin mo." May kumalabit sa'kin kaya muntik ko nang maibuga ang kinakain ko sa sobrang gulat!
Kilala ko 'tong nga lalaking 'to, ah. Collage na ata sila. Kaya pala, kanina pa sila nagtutulakan doon sa labas na kung sino mismo ang kakausap sakin! Si Cassidy pala!
At teka, nandito siya? Hindi kasi ako lumilingon kasi naka-focus lang ako sa kinakain ko. . . Kaya hindi ko alam, kung na 'andito siya. Nandito talaga siya!?
Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. . . Sobrang bilis. Nandito talaga siya. Pagkatapos nanh ilang araw na hindi niya ako pinapansin! ang ganda sa pakiramdam na nagpakita siya ngayon!
Napalunok ako nang may nilapag si Cassidy sa desk ko, isang sandwich. Nahihiya siyang umiwas ng tingin sa'kin sabay sabing,
"Sorry na dahil nagalit ako sa ginawa mo. Eat this sandwich." Nilapit niya ang sandwich sa'kin. Lumunok lang ako.
"I'm sorry and I missed you." She added.
BINABASA MO ANG
Defying the Playgirl
RomanceGuen is a hard-headed girl who always disobey her parents. She likes boys. She's a troubled girl and many doesn't want her... But things got changed when she was forcely enrolled by her father in a university exclusively for girls. An all-girls scho...