Nang makabalik na ako ng dorm, binagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. Pagod ako kaya ang humilata mismo ang una kong ginawa.
Inaantok na ako pero hindi ako makatulog.
Ang ingay ingay ng kabilang kwarto. Puros tili ng mga babae! Ano ba tinitilian nila do'n! Nakakainis naman! Puros babae nalang nakaka-interact ko, nakakaumay na!
Dahil hindi na ako makatulog sa sobrang ingay, napadesisyunan ko na makipag-facetime kay Olivia.
"As if naman gusto ko dito? May choice pa ba ako? Diba wala?" Pagkwento ko kay Olivia. "Mas okay na dito. Alam ko namang ayaw din akong makita ni Daddy." Sabi ko.
It's my decision to stay in a dorm and dad can't do anything about it.
Bawal ang umangal.
Pala-desisyon siya pero ako muna ang magdedesisyon ngayon.
"Nakakaawa ka naman..." Ani Olivia.
Na para bang nagpapainggit siya kasi malaya siya like hindi siya stuck sa school na 'to, wala siyang parents na pala-desisyon at hindi kontrolado ang buhay niya. Kung nagpapainggit siya, well nainggit naman ako!
"Kakayanin ko 'to, I'm Guen Salvatierra!" Kahit ang totoo, parang hindi ko na talaga kakayanin dito.
Kaya ko bang panindigan 'tong mga pinagsasabi ko? Bwisit naman. Sana nga!
Ayaw ko din namang bumalik doon kay Daddy. Bahala na siya. Magiging maganda din naman siguro ang buhay ko dito? Well, I wished. Kaysa naman sa bumalik ako doon, baka kung ano pa ang gawin ni Daddy sa akin. Parati pa namang galit 'yon.
Sa ngayon, inaayos ko ang mga gamit na kailangan kong ibigay kay Adi ngayon. She have a dorm too. Hindi kami masyadong magkalayo ng kwarto.
Walking distance lang.
Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi.
Time check, 5:30 palang ng gabi at 7pm ang curfew kaya pwede pang mag-ikot-ikot dito kung gugustuhin ko.
Pero tinatamad ako. Pupunta lang ako kay Adi at aalis na.
Nang makarating na ako sa harapan ng pinto, tinawag ko kaagad ang pangalan niya pero walang sumasagot.
Hindi naman ako nagkakamali kasi sinunod ko naman ang binigay niyang instructions! Hindi ako nagkakamali.
Kumatok na ako pero walang sumasagot kaya pinihit ko nalang ang doorknob nang malaman na hindi naman 'to naka-lock.
Naabutan ko si Adi na nakapanty lang at wala pang pan-itaas. I think she just got out of shower!
Tinakpan niya kaagad ang dibdib nang biglaan akong pumasok.
"Putangina mo, ilock mo ang pinto!" Malakas kong sigaw.
Napasandal kaagad ako sa pinto nang maisarado ko 'to.
Napapikit ako nang malala.
Bwisit. Bwisit.
Kung ano-ano na ang mga naiisip ko tas napapamura nalang.
"You can go inside! Nakabihis na ako!" Sigaw niya.
Pumikit ako at huminga nang malalim bago pinihit ang doorknob.
Nakabihis na nga siya. She's wearing a cute pink pajama at basang-basa ang buhok. She awkwardly smiled at me and closed her eyes.
"I'm sorry earlier..." she said shyly.
"Okay lang 'yon. It's my fault not yours." Napipilitan kong sabi.
Hindi ba naman nilock ang pinto! Parang tanga lang! Paano kung hindi ako yung pumasok kanina do'n?
Nakakalimutan kong puros babae pala dito. Walang babae!
"Nakita mo ba?" Hiyang-hiya ang kaniyang boses.
Napataas ako ng kilay. Hindi ko alam ang sinasabi niya.
"What do you mean?"
"I just wanted to ask if you saw it!" Her cheeks got a little red and I don't know why!
When realization hit me, my eyes got widened.
Mas lalo siyang nahiya at tumalikod.
Naging speechless ako!
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko!
"Wala akong nakita!" Nag-init din pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan.
"It's okay if you saw it! I'm sorry I'm careless!"
What?!
Hindi ko alam kung bakit kami nagkahiyaan! Para akong estatwa, hindi makagalaw at hindi din alam ang gagawin! Should I leave or not!
"Hindi ka dapat nahihiya, ano ka ba!" Sigaw ko pero ayaw parin niyang tumingin sa'kin.
Without giving any words, I left in silence.
Nang makalabas ako, nilock ko kaagad ang pinto niya.
Tuloy-tuloy lang akong naglakad palayo habang punong-puno ng emosyon.
Hanggang sa makabalik na ako dorm, nasa isipan ko padin ang nangyari kanina. Iniisip ba dapat 'yon o hindi na? Hindi ko din alam kung bakit ko iniisip.
Apaka-careless.
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.
May nakita talaga ako kanina.
Mas malaki pa boobs niya kaysa sa'kin.
Medyo nakakainsecure pero sexy naman niya, eh.
Pumikit ako. Mas mabuti na huwag ko na isipin 'yon. Lilipasin ko nalang 'yon!
Hindi ko lang sinabi sa kaniya.
Baka mas lalo lang siyang magiging awkward pagdating sa'kin kaya minabuti ko nalang ang magsinungaling!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Defying the Playgirl
RomanceGuen is a hard-headed girl who always disobey her parents. She likes boys. She's a troubled girl and many doesn't want her... But things got changed when she was forcely enrolled by her father in a university exclusively for girls. An all-girls scho...