06 - Art

2.4K 90 0
                                    

Habang nasa iisang class kami ng Nerd na 'to, panay tingin ko sa Kaniya. Boring kasing kasama 'tong si Ady. Panay hikab nalang ang ginagawa ko kapag kasama ko siya! Sa dinami-dami ng mga kaklase ko, hindi ko alam kung bakit kasama ko pa talaga 'tong si Ady.

Infairness, madami siyang friends dito. Kahit sino ay kaibigan niya.

Friendly siyang tao. She will easily get along with other people. Kahit hindi naman siya kagandahan, madami padin siyang friends.

Habang ako, friendless. Nandito lang ako sa sulok. Namimiss ko tuloy yung mga friends ko doon sa Phinma, school ko last year. Alam ko naman kung bakit hindi ko nakakasundo ang mga tao dito kasi hindi naman talaga ako belong dito, eh. In the first place palang, I really hate this university.

Dumagdag pa 'tong si Adelaide. Nabigyan tuloy ako ng isa pang rason kung bakit ko kakamuhian ang university na 'to!

Parehas kasi kami ng strand kaya same class din kami. Humanities and Social Sciences (HUMSS). Hindi lang kasi photography ang tanging gusto ko, mahilig din ako sa kahit anong klaseng arts, like painting and graphic designs.

Ang boring kasi wala si Cassidy dito.

Nandoon siya sa College Department. Bachelor of Science in agriculture (BSA) ang kinuha niya kaya malayo kami. Si Seby naman ay nasa engineering department, alam ko yun. Same sila ni Cassidy na collage na. At mabuti naman na pati dito at hindi na niya sinundan pa si Ady. Parati nalang kasi siyang nakabuntot. Ginagawa din niya kasing bata 'to si Adelaide, eh.

Sa ngayon, magkagrupo kami ni Ady para sa upcoming event na magaganap. Siya ang leader. Imposible naman na hindi kami magkakagrupo kasi 30 students lang kami dito sa classroom at kailangan merong anim na grupo. Kaya lima lang kami sa grupo.

"Sa tingin ko... mas maganda kung bright ang colors na ilalagay natin, diba?" She asked me.

Napairap ako.

"Ewan ko sa'yo, ikaw diyan ang pabida, eh, kaya ikaw nalang gumawa ng lahat ng mga gawain." sabi ko at umirap.

Ngayon, nag-iisip na kasi kami kung ano gagawin namin para sa aming booth. Kung ano bang klaseng booth ang gagawin namin. Creative thinking kumbaga. Natatahimik lang ako kasi magaganda naman talaga ang mga sina-suggest ni Adelaide. Naririndi lang ako sa pagiging matalino ni Adi, marami siyang sinasabi! Akalain mo 'yon, may ganito din palang mga activities dito? Akala ko puros dasal lang dito, eh.

"Bahala ka, you do the job." Inis kong sabi. "At saka sa susunod pa naman ang deadline niyan. Bakit ba atat na atat kang gawin 'yan?" I asked too.

Natatahimik ang iba naming mga kagrupo nang dahil sa akin. Hindi nila kasi ako kayang sagot-sagutin nalang basta-basta. Takot sila sa akin. Ramdam ko ring natatakot si Adi sa akin pero nagtitiis lang siya. Panay din ang lunok niya kapag nagkakatitigan kami. I keep on giving her a glaring eyes and she can't do anything about it but to

Hindi ko siya pwedeng awayin kasi nandito si ma'am Lia sa harapan namin. Kapag nangangati na ang kamay kong sampalin si Ady, iniisip ko na nasa isang reliyohosong unibersidad pala ako. Bawal makipag-away! 'Eto ko ang isa sa kinaiinisan ko sa Marcella, eh; strikto at madaming kailangang sundin. Hindi ako masyadong sanay.

"kailangan nang planuhan para hindi na tayo mahirapan pa... Wala na tayong pro-problemahin." Sabi ni Adelaide sa mahinang boses.

Bakit ganiyan ang boses niya? Inosente at malambot. It was kinda angelic and a lullaby to the ears.

"Tsk," I rolled my eyes.

"Galit ka ba? Sorry," Si Ady sabay yuko.

Nakakainis talagang kasama 'to, eh. Hindi ko alam kung saan talaga ako naiinis, sa paraan ng pananalita niya o sa makapal niyang eyes glasses. Nakakairita yang boses niya na parang nagpapabebe.

Defying the Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon