Habang nasa harapan ng salamin, kanina pa ako naiinis. . . Naiinis ako sa uniform, naiinis ako sa school at naiinis ako sa lahat nalang. Badmood kumbaga, hindi ko rin alam kung bakit. . . Nagising nalang ako na masama na ang timpla. Dahil siguro ay papasok na naman ako. Sa pesteng school.
"Ayusin mo nga ang pagkakasuot mo sa uniporme mo," suway ni Yaya Thelma sa akin. Kanina pa niya siguro napapansin na nababagot ako.
"Yaya... Parang ayaw ko nang pumasok." Umupo ako sa gilid ng kama. Nakasimangot.
"Oh, bakit naman, hija?" Umupo din si Yaya Thelma sa gilid ko.
Sinimulan niyang hagod-hagurin ang likuran ko. Mayroon ding nakaukit na pag-aalala sa kaniyang mukha.
"I just... Missed my friends in Phinma." Tipid kong sagot.
Nakakainis kasi, minsan lang sila kung mag-respond sa mga messages ko. Pagkatapos, nakikita ko naman sa mga social medias na active sila. Hindi manlang nagrerespond.
"I heard from school that you go into trouble."
It's Dad. Napatingin kaagad ako sa kaniya.
"And so? Wala akong pake." Tamad kong sagot.
"Guen, kakatext din ng teacher mo sa'kin, ang sabi niya ay wala ka na namang pinasang project!" Malakas na sigaw ni Daddy sa'kin dahil para mapatalon ako dito sa kinauupuan ko.
Kumuyom ang mga kamao ko at napakagat ng labi.
Inutusan ni Daddy si Yaya Thelma na umalis. Sinamaan ko kaagad ng tingin si Daddy.
"I told you na ayaw ko do'n pero hindi mo talaga ako pinakinggan." Sabi ko.
"Diba ang sabi ko sa'yo ay mag-aral ka ng mabuti!"
Tamad akong humikab.
"'Eto na nga, nag-aaral na akong mabuti, Daddy. Pwede bang umalis muna kayo sa labas ng kwarto ko?" Tanong ko sabay turo ang pinto ng kwarto ko.
Hindi lang siya nakakaabala, ang strikto niya pa kaya natatakot ako. Kahit sa isang simpleng pagkakamali ay makakatanggap talaga ako ng sigaw.
Kanina pa talaga siya ganiyan. Galit na galit. Nakakainis na. Isang maling galaw dito sa ginagawa kong research, maninigaw kaagad si Daddy. Kaya nakakainis siya.
"Tinitingnan ko lang kung ano ang ginagawa mo. Malay ko!? Baka hindi ka naman nag-aaral." Sabi niya. "Iyan ka, e! Para kang walang utak kung mag-aral! Saan ba napupunta ang utak mo sa tuwing nag-aaral!?" Pasigaw ulit ni Daddy.
Grabe namang mang-maliit 'to si Daddy. Parang hindi niya ako anak.
"Si Olivia? Matalino naman talaga siya at academic achiever. Walang kwenta yang pagcocompare mo sakin sa kaniya kasi alam ko na hindi kami magkatulad." Pamamaktol ko.
Ang unfair kasi para sa'kin kasi napapansin lang ako ni Daddy sa tuwing may mali ako, hindi naman siya ganiyan noon, eh. Nung buhay pa si mommy. Everything really changed when mom was gone! Ang layo ng pag-didisiplina niya sa'kin at sa anak nila ng bagong asawa niya!
"Kasalanan nalang parati ang nakikita niyo." Sabi ko.
"Malamang, ikaw lang naman ang pinakapasaway sa lahat. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo! Tingnan mo nga ang sitwasyon natin! Tingnan mo ang tito mo, sana gayahin mo din si Olivia." Sabi ni Daddy. Tinutukoy niya si Tito Olivier na kapatid niya
Kay Olivia nalang ako parati kinocompare.
For them, Olivia is a good daughter.
But she's not that good. I know her. She also do all the things that I'm doing. Kaso, ang galing lang niyang magtago. Iba talaga ang ugali niya pagdating sa parents niya. Plastic siya kumbaga. Ako, nagpapakatotoo lang naman ako, eh.
BINABASA MO ANG
Defying the Playgirl
RomanceGuen is a hard-headed girl who always disobey her parents. She likes boys. She's a troubled girl and many doesn't want her... But things got changed when she was forcely enrolled by her father in a university exclusively for girls. An all-girls scho...