Chapter 14

320 8 0
                                    

Matt's POV


"Matt."


Napalingon ako kay mommy. "Bakit po?"


"Gusto mo maglaro sa labas? Kanina ka pa nakatitig diyan sa bintana habang hawak mo 'yang football mo." Ngumiti siya at nilahad 'yong kamay niya sa akin. "Halika na, labas na muna tayo habang wala pa si daddy."


Hinawakan ko na 'yong kamay niya at hinila na siya papunta sa playground ng subdivision namin.


Ibinaba ko 'yong hawak ko na bola sa damuhan at sinipa 'yon papalayo sa akin. Hinabol ko rin naman 'yon dahil wala naman akong kalaro.


Sinipa ko 'yong bola papunta sa kung saan-saan 'yong bola at kung saan 'yon dadaan, doon din ako dumadaan.


"Matteo, 'wag kang lalayo," paalala sa akin ni mommy.


Napatingin ako sa kanya. "Opo."


May katabi si mommy na babae na nakasuot ng uniform na lagi kong nakikitang suot ng mga yaya ng mga bata rito at may kasama siyang batang babae na maputi.


Nakatingin sa akin 'yong batang babae at hindi ko malaman kung bakit nakatitig siya sa akin, hawak niya 'yong suot niyang bracelet na tali at pinaglalaruan 'yon. Hindi ko na lang pinansin at tinuloy ko na lang 'yong paglalaro ko.


Sisipain ko na dapat 'yong bola ko noong may humarang sa akin. Pagtingin ko sa harapan ko, nandoon 'yong batang babae na kasama noong kausap ni mommy.


"Hello! I'm Catria Lionne Montagne Mariano but you can call me Callie!" pagpapakilala niya sa akin at inilahad niya 'yong kamay niya. May malapad siyang ngiti kaya napangiti rin ako.


"Matt," sabi ko sa kanya at tinanggap ko 'yong kamay niya.


"What's that?" tanong niya at tinuro 'yong football na nasa paanan ko.


"Football, gusto mo maglaro?"


Umiling siya at tumingin ulit sa bola. "I'm not allowed to run because my mom said I might trip and I'll get a huge booboo on my knee." Tinuro pa niya 'yong tuhod niya at ngumuso.


Kinuha ko 'yong bola at tumingin ako sa kanya. "Ibabato ko sa'yo, saluhin mo na lang."


"Okay!" sigaw niya at nilahad 'yong dalawa niyang kamay sa harap niya. Masyado siyang masaya at nakakahawa 'yong energy niya.


Binato ko nang mahina 'yong bola papunta sa kamay niya para masalo niya.


"Yay! Manang, look oh," sigaw niya noong mapunta sa kamay niya 'yong bola. Ang lapad ng ngiti niya at itinaas pa 'yong hawak niya.


Ngumiti 'yong kasama niya at pumalakpak pa. "Ang galing talaga ni Callie!"


[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon