TW: Kidnapping and violence
Matt's POV
Mayroong mga nagsasalita sa paligid at naramdaman ko na 'yong lamig at tigas ng hinihigaan ko. Dumaing ako at binuksan ko 'yong mga mata ko, bumungad sa akin ang isang mataas na kisame na gawa sa yero.
Mayroong nakatakip na busal sa bibig ko at may malamig na bakal na nakapulupot sa dalawang palapulsuhan ko.
Tumingin ako sa paligid at walang tao na malapit sa akin pero mayroon akong naririnig na mga boses sa malayo.
Pilit akong bumangon kahit nanghihina 'yong katawan ko at kumakalam na 'yong sikmura ko. Sumandal ako sa malapit na pader at pinagmasdan ko lang 'yong paligid.
Maliit lang 'yong silid at isa lang 'yong daanan, ang pinanggagalingan noong liwanag sa loob ng silid ay 'yong mga matataas na bintana.
Mayroong lalaking pumasok sa silid, may hawak siyang pinggan na puti. Ibinaba niya 'yong plato sa harap ko at tinanggal niya rin 'yong takip sa bibig ko pati 'yong bakal na nakapulupot sa mga kamay ko pero inilipat niya 'yon sa mga paa ko. "Kumain ka na."
Hindi ako sumigaw dahil hindi naman ako tanga. Sigurado akong involved 'to sa trabaho ni mommy kaya malamang may baril 'tong mga hayop na 'to.
Hindi pwedeng gumawa ako ng hindi maganda dahil sigurado akong sa hukay ang diretso ko nito... Malaki ang posibilidad na hindi ako buhay na makakalabas dito pero hangga't maaari ay kailangan ko pang patagalin ang buhay ko.
Tumingin ako sa plato na may lamang kanin at isang pirasong tuyo. Napailing na lang ako. Ano bang balak nitong mga 'to?
"Bakit ako nandito?" kalmado kong tanong. Pilit kong pinakalma 'yong sarili ko dahil wala naman na akong magagawa, nahuli nila ako kahapon kaya kailangan compliant ako.
Mas lalong mag-aalala si mommy at si Cat kapag may masamang mangyayari sa akin.
"Napag-utusan lang kami," sagot naman niya sa akin.
"Ano raw ang kailangan nila sa akin?" tanong ko sa kanya.
Tinulak niya palapit sa akin 'yong plato. "Kumain ka na, wala pang sinasabi sa amin 'yong boss namin." Lumabas na siya ng silid at iniwan akong mag-isa.
Bumuntong-hininga ako at tinignan 'yong laman ng plato. Hindi ako marunong kumain ng tuyo... kaso kumalam ulit 'yong tiyan ko.
Kinuha ko 'yong plastic na kutsara at tinidor na nasa ibabaw ng plato at tinitigan ko 'yong tuyo. Paano ba 'to kinakain? Masyadong maliit...
Ginamit ko 'yong kutsara at tinidor at pinaghiwalay ko 'yong dalawang kalahati. Ang daming tinik, may nakakain ba rito?
Kinakain ba 'yong balat nito? Huminga ako nang malalim, malamang kinakain 'yong balat. Isda pa rin naman 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/235705735-288-k996740.jpg)
BINABASA MO ANG
[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)
Roman d'amour[Career Series #5]: Catria Lionne Montagne Mariano takes pride in being the daughter of a famous senator and the granddaughter of the richest man in the Philippines. She has always been sheltered to the point that she attends an expensive homeschool...