Chapter 64

426 11 8
                                    

Matt's POV


Nagmulat ako dahil naaaninag ng mata ko 'yong liwanag at may kakaibang amoy sa paligid.


"Matt!" Napalingon ako kay mommy na tumawag sa akin. Tumulo 'yong luha sa mga mata niya at lumapit kaagad siya sa akin. "May kailangan ka ba? Ano ang nangyari sa'yo, anak? Bakit ganyan itsura mo? Saan ka ba galing?" sunud-sunod niyang tanong.


Tumingin lang ako sa kanya... Totoo na ba 'to? Nakauwi na ba talaga ako?


Natatakot akong sumagot dahil baka kapag may ginawa ako biglang mawala 'tong lahat. Baka nandoon pa rin ako sa kamay ng mga tauhan ng nanay ni Cat.


"Matt," tawag ulit sa akin ni mommy at hinawakan niya 'yong kamay ko na may nakatusok sa karayom kaya napatingin ako sa mukha niya. Basa 'yong pisngi niya at bakas 'yong pag-aalala sa mga mata niya. "May masakit ba sa'yo? Say something, anak."


Dahan-dahan akong umiling at hindi ko pa rin alam kung anong uunahin kong sagutin sa mga tanong niya.


"P... paano niyo po ako nahanap?" tanong ko kay mommy dahil ang huling pagkakaalala ko, napahiga na lang ako sa kalsada sa malapit sa bahay nina Cat.


Natigilan ako at kinapa 'yong gilid ko. Bumilis 'yong tibok ng puso ko noong hindi ko nakapa 'yong singsing pati 'yong sulat na inabot sa akin noong yaya ni Cat.


May inabot ba talaga o nananaginip lang ako noon? Hindi ko na talaga alam...


"Anong hinahanap mo?" tanong sa akin ni mommy at tumalikod siya sa akin. Dumiretso siya sa table kung saan nakalagay 'yong mga pagkain at kumuha siya ng tubig.


Umiling ako dahil... hindi ko alam kung may hinahanap ba talaga ako. "Saan niyo po ako nakita?" tanong ko kay mommy. "Nasaan po si Cat?"


Nalilito ako kung ano ba 'yong talagang nangyari at kung alin 'yong binuo lang ng imahinasyon ko. Ang huli kong naaalala ay sinabi sa akin noong yaya niya na umalis siya at inabot sa akin 'yong sulat pati 'yong singsing pero imposible naman 'yon.


Natigilan si mommy pero inilapit niya 'yong baso ng tubig na hawak niya sa bibig ko at inalalayan akong uminom.


"Mom, m... may hawak po ba akong s... singsing kanina?" nanginginig kong tanong sa kanya noong tanggalin niya sa tapat ng bibig ko 'yong baso.


May kinuha si mommy mula sa bulsa niya na ziploc bag at inilagay sa kamay ko. Malungkot 'yong mga mata niya at tila ba nagmamakaawa sa akin. "Hindi ko alam kung nasaan si Callie, Matt, pero hawak mo raw 'to kanina sabi noong mga nurse."


Tinitigan ko 'yong Ziploc bag at nandoon 'yong envelope at singsing... Totoo 'yong nasa isip ko... Inabot 'tong dalawa sa akin noong yaya ni Cat at sinabi niya na umalis at nakipaghiwalay na sa akin si Cat.


Parang may bumara sa lalamunan ko at may namuong luha sa mga mata ko. Tumikhim ako para mawala ang mga 'yon at mapigilan ko 'yong sarili ko na lumuha sa harap ni mommy.

[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon