MALAKAS na tugtog ang sumalubong kay Captain Astrid Adriano ng makapasok siya sa loob ng Spades, isang sikat na bar sa Manila kung saan puro VIP ang tao. Karamihan kasi ng mga nandoon ay mga business tycoons, lawyers, highest paid engineers, politicians, actora and actresses. Pakiramdam tuloy niya ay naligaw lamang siya, ngunit isa lamang ang kailangan niyang gawin. At iyon ay ang manmanan si Khalil Montero habang nagpapagaling sa hospital si SPO1 Balesteros.Kung minamalas ka nga naman, mukhang wala dito ngayon ang Montero na iyon!
Inis na pumunta si Astrid sa bar counter at umorder doon ng paborito niyang inumin, wala man dito ang ma-manmanan niya at atleast makakainom siya. Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong nakapasok siya sa Bar, kaya naman ngayong gabi ay baka sulitin na niya.
"Mind if i join you here, honey?"
Tila nag slow motion ang paglingon ni Astrid, kita niya ang isang pagkagwapong mukha ng isang— KHALIL MONTERO!
"I do mind, please don't join me. I want to be alone tonight . . ."
Astrid's Point of View
PASIMPLENG kinuha ko ang cellphone ko atsaka ko sinagot ang text ni General, pinababalik niya na ako sa presinto ng ganitong oras? Ala una na! Inis na nag lapag ako ng bayad sa bar counter at lumabas, wala pa naman akong sasakyan na dala. Sana pala hindi ko na pinauwi sila PO1 Manalo at SPO2 Figueroa.
"Hey—"
"Ay titing malaki!"
Napatakip ako ng bibig at napatingin sa lalaking tumatawa sa gilid ko, iyong minamanmanan ko! Punyetang bibig 'to! Pero, bakit ba kasi siya nanggugulat?! Kasalanan niya! Tama, kasalanan niya!
"Where are you going? Maaga pa, hindi pa nag sisimula ang tunay na party . . ." bumuntong hininga ako ay inilipat ang tingin ko sa daan, "Tinawagan ako ng boss ko, kailangan kong bumalik sa trabaho," seryosong ani ko, "Really? Gabi na, halos alas onse na. Nasaan ang sasakyan mo?" tanong niya.
"Nasa talyer. Nasira noong nakaraang araw, may gagong bumangga," sagot ko. "I'll give you a ride then, i promise i'm no harm . . ."
No harm? Eh ikaw nga iyong pumatay sa mahigit singkwenta katao na binentahan mo ng droga!
Bigla akong napaisip, alam kaya ni Governor Agustuss iyon? Alam niya kaya ang ilegal na gawin ng isa sa mga kaibigan niya? Malamang!
"What's your name?" tanong niya, "Astrid Adriano," walang pag aalinlangan na sagot ko. "I'm Khalil Montero, nice to meet you. Are you new here? Ngayon lang kita nakita rito, first time mo ba?" sambit niya, "Hindi ko first time na makapasok ng Bar, lasinggera ako noong College. Ito lang ang first time ko sa Spades, mahal kasi!"
He chuckled, "I'll give you a discount that you can use on your second visit her then," nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw may-ari nito?!" gulat na tanong ko sa kaniya, umiling ang binata. "Hindi lang ako, pag aari namin 'to ng ilang mga kaibigan ko pa," sagot niya. "Ah, pero ayoko. Hindi ko kailangan ng discount dahil sigurado akong hindi naman na ako babalik pa rito," sagot ko.
Kinuha ko ang cellphone ko atsaka ko tinext si PO1 Manalo, agad naman siyang nag reply at sinabing nasa malapit lang sila ni SPO2 Figueroa at hindi umalis kanina noong pinaalis ko sila, "I'll give you a—" itinaas ko ang kamay ko kapantay ng bibig ng lalaking nagsasalita dahilan para mapahinto ito. "Hep! Hindi na kailangan, Mister. May sundo ako!"
Nagmamartsang umalis ako doon ng makita ko ang kotse ng daakwang pulis na iyon, "Kap, hindi ba iyon yung minamanman ni SPO1 Balesteros? Iyong Montero!" walang ganang tumango ako, "Balak pa yata akong ikama ni gago, nag offer pa na ihahatid ako," seryosong ani ko atsaka ko sinuot ang kulay itim na jacket. Hindi naman umimik ang mga kasama ko.
Alam nilang seryoso ako, lalong lalo na sa trabaho.
"Bakit daw ako pinapatawag ni General?" tanong ko, "Hindi namin alam, Kap . . . Basta ang sabi niya lang ay ayos na, hindi na daw kailangan na manmanan si Montero," tumango ako kay SPO2 Figueroa, "Mabuti kung ganoon, hindi ako komportable sa kaniya, gwapo siya pero . . . ewan ko ba," sambit ko.
"Nandito na tayo . . ." nauna na akong lumabas ng sasakyan at saktong sakto naman na nandoon ang bundat na heneral na ito, ngiting ngiti ito kausap si Governor Agustuss? Hindi ba at taga Sta. Estrelita itong isang ito? Bakit napunta dito? Close sila ni General?
"Oh! Captain Adriano, nagagalak kong ibabalita sayo na nahuli na ang tunay na may sala! Hindi mo na kailangang ituloy ang napag usapan natin sapat tapos na itong kaso," umismid ako atsaka ko ipinagkrus ang braso ko. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya, "Bundat! Sinayang niyo ang pagod ko, nalasing pa ako!" inis na sabi ko na ikinabigla ng lahat, dinig ko ang tawanan ng iba kong kabaro gayun rin ang tawa ng gobernador.
"Aba't—CAPTAIN ASTRID ADRIANO!"
Inungusan ko lang siya atsaka ako tumungo sa parking lot at sinakyan ang Ducati ko, mabilis ko iyong pinaharurot patungo sa bahay ko.
Nang makababa ako ng motor ay napakunot ang noo ko ng mag vibrate ang cellphone ko, may nag message.
From: Unknown Number
You're going to be mine, Captain Astrid Adriano.
Agad akong kinilabutan, 'nak ng tokwa naman! Sino ba itong gago na ito at iniingles pa ako?! Susmaryosep! Pag ganitong nag iinit ang ulo at katawan ko dahil sa inis at alak ay huwag na huwag nila ako iniingles!
To: Unknown Number
Asa ka, tanga. Mag sama kayong dalawa ng General naming bundat. Parehas kayong nakakaimbyerna!
Bigla akong na guilty . . . Pero, kasi, nakakainis rin sila. Deserve naman siguro nila iyon, napa iling na lamang ako atsaka ako bumuntong hininga, tinungo ko ang bahay ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Ang aircon naka bukas pala, nakalimutan kong patayin kanina. Ang laki na naman ng bill ko nito panigurado, mukhang kailangan ko na ngang humanap ng sugar daddy.
Tumambay kaya ako sa Spades tas doon ako humanap? Gusto kong maging sugar daddy iyong Presidente kaya lang baka ipabaril lang ako ng asawa noon sa Airport, baka biglaang ipangalan sa akin iyon edi kawawa naman si Ninoy Aquino. Mawawalan siya ng role. Hays . . .
Bakit nga ba napunta pa ako ay Ninoy Aquino? Sugar Daddy lang naman ang hanap ko! Kainis!
KINABUKASAN maaga akong nagising at pumasok sa opisina, alas otso pa lang ng umaga ay nag kukumpulan na ang mga katrabaho ko. Napailing iling na lang ako atsaka ko ipinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko, "Anong nangyayari?" agad silang nagsi ayos at umaktong walang nangyari samantalang si PO3 Hernandez ang kaisa-isang sumagot, "May bisita ko kayo, Kap!" tumango ako atsaka ko tinungo ang opisina ko.
"Hey—"
"Anak ng—! Anong ginagawa mo rito?!" gulat na gulat na tanong ko, kita ko rin ang gulat sa mukha ni Mister Montero, "Uh, good morning?" inirapan ko siya atsaka ko niluwagan ang bukas ng pintuan, "Umalis ka na, Mr. Montero, wala naman tayong dapat pag usapan kasi in the first place . . . hindi naman tayo magkakilala," mahinahong ani ko.
His mouth parted a bit, tumikhim ako at nag iba ng tingin. He has this cute cupid bow reddish pink lips, siguradong masarap at malambot iyon. Nanuyo ang lalamunan ko, "Please, leave. Isa ka sa mga nasa listahan ng iniimbestigahan ng pulisya, bakit ang lakas naman yata ng loob mo na pumunta rito at tumambay pa sa opisina ko?"
"Mister—"
"Can we have sex?"
Anong— ANAK NG TOKWA!
S W E E T D E N
YOU ARE READING
Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]
RomanceBook Cover By: @/frappejia!💗 "Can we have sex?" Khalil was not used on asking women having sex with him. Sanay siya na makitang ang mga babae ang nag mamakaawang hawakan niya ito, ngunit ng dumating si Astrid sa buhay niya at tila bumaligtad ang mu...