Chapter 3

4.6K 118 2
                                    

Khalil's Point of View



I WOKE up early just to go and get the recorders and camera that i'll put on Astrid's office. Gusto ko siyang makita anytime kaya naman gagawin ko ito, nagluto ako ng pagkain at inilagay ko sa tupperware. Baka kasi hindi pa siya kumakain ng almusal- What the fuck? Tinamaan ba talaga ako?





Habang binabaybay ko ang daan patungo sa police station ay tinawagan ko muna si Abacceus, "Yes, Montero?" he answered, "Are you okay, dude? Let's give Klyde a ride to La Union later, wala siyang dalang sasakyan. . ." sambit ko, "No, i have plans . . . Kareen needs me, pwede bang kayo na lang muna?" nagulat ako, siya kasi ang pinaka game sa mga ganitong galaan.






"Alright, tell us if you need anything . . ." ani ko atsaka ko pinatay ang tawag, binuksan ko ang phone ko ka naka konekta sa kotse at pinindot ang random playlist ko. Agad namang tumunog ang Nang Dumating Ka by Bandang Lapis.





Hindi ko mapigilang sumabay sa tugtugin, it's the same feeling as what i am feeling towards Astrid right now. Ayaw ko siyang umalis. Ayaw ko siyang lumayo sa akin.






"Wag ka lang umalis, 'wag ka lang lumayo . . .
Dito ka lang sa aking tabi
Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo . . .
Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay
Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan"






Astrid . . .






Nakangiting bumaba ako sa kotse at dire-diretsong pumasok sa loob ng police station, "Where's the office of the Captain?" i asked them, smiling. All of them are in shock, syempre. Wanted rin kaya ako, kaya lang under investigation pa ako hindi nila ako pwedeng arestuhin hangga't wala silang napatutunayang may sala ako.






Tinuro ng isa ang isang kwarto, agad ko iyong tinungo. Walang Astrid dito, hindi pa siya pumapasok. Marahil ay maaga pa, inilagay ko ang secret camera at recorders na malabong makita ng kung sino at pagkatapos ay umupo ako sa swivel chair niya, napangisi ako ng makita ko ang frame na nakapatong sa lamesa.






Her portrait picture. She's wearing a light blue dress and she's smiling widely carrying a little Chihuahua dog. Napangiwi ako, naalala ko na naman ang aso ni Abacceus na nakakagat sa akin. Akalain mong sa liit na iyon ay kamuntikan pa akong mapatay? Pambihira . . .






Tumingin ako sa pintuan ng bumukas iyon, "Hey-" hindi na ako natapos ng magsalita siya. "Anak ng-! Anong ginagawa mo rito?!" gulat ns gulat na tanong niya at kung gulat siya ay ganun rin ako. "Uh, good morning?" alanganing tanong ko sa kaniya, inirapan niya ako. Inirapan niya ako?







"Umalis ka na, Mr. Montero, wala naman tayong dapat pag usapan kasi in the first place . . . hindi naman tayo magkakilala," suddenly i felt pain, my mouth parted a bit. I want to say something but it's not coming out from my mouth.







"Please, leave. Isa ka sa mga nasa iniimbestigahan ng pulisya, bakit ang lakas naman yata ng loob mo na pumunta rito at tumambay pa sa opisina ko?" hindi ako nakasagot, ang sakit.






Hindi ito ang gusto kong marinig mula sa kaniya. Hindi ako na love at first sex gaya ni Abacceus, sa tingin ko ito yata iyong love at first conversation? May ganun ba? Baka papasa rin ito sa love st first sight.







"Mister-" hindi ko na siya pinatapos.





"Can we have sex?"







Billionaire Bachelors: Khalil Montero [COMPLETED]Where stories live. Discover now